CHAPTER 17

95 78 1
                                    

MAAGANG nagising si camilla, pero nakakapagtakang wala pa si chipmunk na mambubulabog sakanya.

Napailing sya bago tumayo at nag ayos ng sarili. 

Binuksan nya ang malaking kurtina sa kwarto nya, Napangiti sya. Noong isang araw kasi ay pinalitan nya at ni kiko ang mga kurtina sa loob ng bahay.

Masyado na kasing luma ang kurtina, buti nga hindi na nagpapilit si kiko't tinulungan sya.

"Good morning" napalingon sya sa pinto nung may nagsalita don, and there..

he saw him.

suot ang isang  jacket na kulay itim, nakatayo sya sa harapan ng pinto habang naka pamulsang nakatitig sakanya.

Ngumiti sya, Gumaganda ang araw nya sa tuwing nasisilayan ang mukha nito-- hindi nya man sabihin dito, hindi nya man maiparamdam.

alam nyang sa susunod ay malalaman din naman nito.

"Walang good sa morning, lalo na't nakita ko yang pagmumukha mo" nakangising pang aasar nya bago bumalik sa pagtingin sa labas.

"sus, hinihintay mo nga 'ko" parang batang sambit nito.

Napailing nalang sya. Ngayon,She choose happiness than the sadness.

hindi nya na kayang malungkot ng malungkot habang alam nyang may hinahabol syang oras.

Naging pilit nalang ang ngiti nya-- napapaisip sya kung ilang araw pa ang natitira..

 para sakanila.

"kiko"

"bakit?"

"Labas tayo"

"huh?"

humarap sya rito at ngumiti. "Gusto kong lumabas, Gusto kong maranasan yung mga nababasa ko..  Na may kasamang espesyal na tao sa pamamasyal, pwede ba 'yon?"

Nakita nyang napalunok si chipmunk. Pero maya maya rin ay ngumiti ito. "Pwedeng pwede, basta ikaw!"

tumalikod sya rito bago pinakawalan ang malawak na ngiti.

he always do everything to make me happy.

Sumikdak ang puso nya dahil sa naisip nya, Alam nyang kakaiba na ito. Hindi na 'to normal..

Pero hindi na sya nababahala, gusto nyang iparamdam kay kiko ang nararamdaman nya,bago nya sabihin ang lahat.

HINDI ALAM NI chipmunk kung saan sya dadalhin ni camilla, basta nalang kasi sya nito hinila at pinapasok sa kotse nito nang sapilitan!

hindi sya nagtatanong, ayaw nyang masira ang mood ni camilla kaya hangga't kaya nyang itikom ang bibig nya-- ititikom nya.

" We're here!" napatingin sya sa labas ng bintana, nakita nya don ang isang tindahan. "Isa to sa mga pinupuntahan namin ni daddy noon, Anyways! Let's go!" nauna itong lumabas.

Napalunok sya bago sumunod-- Walang kwine-kwento si camilla sakanya about sa daddy nya, at hindi nya inaasahan ang isang yon.

Paglabas nya, nakita nya ang isang restaurant. Simpleng restaurant lang ito, Pero kahit simple lang ay alam nyang magiging memorable ang mangyayari sa loob.

Ngumiti siya nung linungin sya ni camilla, at dahil nga alam nyang mainipin ito hinintay nya talagang bumalik ito sakanya at hilahin na naman sya.

At yon nga ang ginawa ni camilla!

Ang lalaki sa larawanWhere stories live. Discover now