Chapter Nineteen

6.7K 236 2
                                    

Weeks had been passed at naging abala na sina Van at Harriet. Yes, they are working in the same building, but they're rarely see each other this past few weeks. Dahil madalas ang pag-alis ni Van sa ibang bansa para itrouble shoot ang problema roon ng kanilang isang branch.

"Sis, nabasa mo na ba ang email ni Calli sayo? Bibisita siya this week." Napalingon si Harriet sa kaibigan dahil sa sinabi nito.

Hindi niya nabasa ang email ni Calli dahil naging abala siya sa opisina at sa pag-iisip ng mga bagay bagay.

'Yeah! Including the whereabout of Giovanni' dagdag ng isip niya pa na mabilis niya namang inilingan.

"Hindi ako nakapagbukas ng personal email ko, I was busy and preoccupied this past few weeks." Sagot niya sa kaibigan habang pinagmamasdan ang anak na masayang naglalaro ng basketball.

Nasa World of Fun sila ngayon to relax and have a bonding with her son. Naging abala siya noong mga nakaraang araw kaya hindi niya madalas makasama ang anak. Tulog ito tuwing aalis siya at tulog naman kapag uuwi dahil na rin lagi siyang overtime.

Gusto niyang bumawi sa anak sa mga oras na wala siya sa tabi nito dahil sa trabaho at sa kaibigan na laging nanjan para umintindi at alagaan ang anak niya tuwing wala siya sa tabi nito.

"It's already 12:30, let's eat. I will call Gavin first." Saad niya sa kaibigan at tumayo upang lapitan ang anak na naglalaro pa rin.

SA ISANG MALAPIT na restaurant lang sila kumain ng tanghalian. Harriet feels happy and contented while watching her son eating lively. Gavin is a very understanding child. At the young age ay naiintindihan na nito ang mga ginagawa niya. Kahit kailan ay hindi siya binigyan ng sakit ng ulo ng anak at nagpapasalamat siya roon.

Matapos kumain ay kinuha ni Harriet ang cellphone sa bag niya. Binuksan niya ang email at hinanap ang email ni Calli sa kanyang paniguradong natabunan na ng ibang emails at ads.

"Mom, can I go to the restroom?" Napalingon si Harriet sa anak at tumango rito. Akmang tatayo siya ng pigilan siya ng anak kaya napakunot ang noo niya.

"Why?" Tanong niya sa anak.

"I am a big boy na mom. I can go to the restroom alone." Saad ng anak niya sa kanya at ngumiti.

"But—"

"I will be fine mom. Love you!" Hindi na nakahindi pa si Harriet ng halikan siya ng anak sa pisnge at tumakbo paalis. Naiiling na lang siyang napatingin sa kaibigan na natatawa sa kanya kaya inirapan niya ito.

Ibinalik ni Harriet ang tingin sa kanyang cellphone at binasa ang email ni Calli. Nang mabasa niya ito ay nagtipa siya para replayan ito. Saktong mapindot niya ang send button ng mapatingin sila at ibang customer sa babaeng sumisigaw o may sinisigawan?

"Are you blind!? Do you know how much I cost just to buy this dress from Italy? Such a careless stupid bastard kid! Where's your parents huh!? Where is your parents!?!" Rinig pa nilang sigaw ng babae habang niyuyogyog ang isang bata— Damn! Ang batang niyuyogyog ng babae ay ang anak niya.

Dali daling tumayo si Harriet at nagngingitngit na nilapitan ang babae na niyuyogyog pa rin ang anak.

"Who is your fuck-"

"Get your filthy hands off to my child bitch!" Galit na saad ni Harriet at mabilis na inalis ang kamay ng babae sa balikat ng anak.

Agad na niyakap ni Harriet ang anak na namumula ang mukha lalo na ang ilong at mata dahil sa kaiiyak.

"Are you okay? May masakit ba sayo anak ha? What happened?" Masuyong tanong ni Harriet sa anak at pinahid ang mga luha sa pisnge nito.

"I-it's an a-accident m-mom. I d-din't mean it" humihikbing sagot ng anak niya sa kanya at yumakap.

"Shh... it's okay, it's okay. I'm not mad baby, stop crying." Pag-aalo ni Harriet sa anak at sinenyasan ang kaibigan na hawakan muna ito.

"Karga ka muna ni tita Ganda baby." Saad ng kaibigan sa anak na mabilis naman nitong sinunod.

Huminga ng malalim si Harriet at hinarap ang babaeng namumula sa galit at nakataas ang kilay sa kanya. Napatingin siya sa damit nitong may konting tapon ng juice at hindi mapigilang hindi matawa.

"What's funny?" Maarteng sabi ng babae sa kanya.

"Oh nothing. I just find you immature." Kibit balikat niyang saad sa babae ay ngumiti rito.

"You find me what!" Galit na sigaw ng babae sa kanya dahilan para mapatingin na rin sa kanila ang ibang customer.

"I find you immature and childish." This time at seryoso na siya habang nakatingin sa babae. "Pinatulan mo ang bata at sinabihan ng kung ano ano dahil lang sa nabasa 'konti' ang damit mo? Really?" Mapanguyam na saad ni Harriet sa babae.

"For your impomation mahal at galing ibang bansa pa ang dress ko! Tapos sisirain lang ng bwesit na bata—"

"Hindi bwesit ang anak ko. And FYI too, hindi sinira ng anak ko ang damit mo. Nabasa lang ang anak ko accidentally at hindi sinira. At ang basa na yan ay halos kasing laki lang ng pancake." Hindi makapaniwalang sabi ni Harriet at naiiling pa rin.

"I don't care! Sinira niya ang outfit ko! Paano ako haharap sa fiancee ko kung—"

"What's happening here?" Sabay na napalingon sila ng babae sa nagsalita. Kumunot ang noo niya ng makitang si Van iyon na kunot noo ring nakatingin sa babae.

"Babe! Help me, look! Sinira ng anak ng babaeng yan ang damit ko. Binasa niya ang mahal kong dress." Pag-iinarte ng babae at dinuro duro pa ang anak niya.

Kunot noo namang napatingin si Van sa anak niya pagtakatapos ay napabaling sa kanya. Nakita niya ang panlalaki ng mata nito ng makita siya at pamumutla ng muling bumaling kay Gavin.

"H-he is your c-child?" Utal na tanong ni Van sa kanya.

Taas noo niya naman itong tiningnan at taas kilay na sinagot. "Yes. Any problem with that?"mataray na sagot ni Harriet dahil naiinis siya sa hindi malamang dahilan.

Ang lakas ng loob na landian siya tapos may fiancee na pala? Tss!

"Babe! Look at the stupid bastard child! Sinira niya ang outfit ko—"

"Shut the fuck up woman! How many times do I have to tell you that YOU ARE NOT MY FIANCEE. Get lost" saad ni Van sa babae at nilapitan ang anak niya.

"Are you okay kiddo?" Mahinahong tanong ni Van sa anak niya. Nilingon naman ng anak niya si Van at umiiyak na umiling dito. Nakita niya ang pagtatagis ng panga ni Van na parang handa ng pumatay habang marahang pinapahid ang luha sa mata ng anak.

Kinuha pa nito ang anak kay Ericka na tulala rin gaya niya at nagtataka sa nangyayari. Sumama naman ang anak niya kaya Van at dito pumulupot at nagpakarga. Narinig niya pang nagsusumbong ang anak niya sa lalaki habang inaalo naman ito ni Van.

Nagkatinginan lang sila ni Ericka na nagulat din sa ginawa ng binata.









A/N: Sorry for the slow update. Hope you understand! Anyway Enjoy!

Mafia Series 3: Giovanni Lee Rios (Completed)Where stories live. Discover now