Chapter 7

110 12 2
                                    

JULIUS'S POV

Andito ako ngayun sa isa sa kwarto ng besfriend ko na si Ardie. Kasama ko dito si Neal, magkatabi nga pala kaming natulog. Nahimatay kasi siya kagabi. I was scared kasi akala ko kung ano na nangyare sakanya dahil sa sinabi ko.

Hiniga ko nalang muna siya sa kama para humingi nang tulong pero, hinila nya ko pahiga din. Napagtanto ko na nahimatay lang siguro siya sa sobrang kalasingan.

Salamat naman at dahil lang dun. Ang cute niya ngayung umaga, ngayun ko lang din kasi siya natitigan ng malapitan. Ampula talaga ng labi niya. Gusto ko siyang halikan pero baka magising siya at magalit sakin.

Napag-isipan ko na rin nga pala ng matagal ang nararamdaman ko para sakanya at oo , mahal ko na nga siya. Di ko na iniisip kong straight pa ba ako o hindi, it doesn't really matter naman.

Gagawin ko ang lahat mapapayag ko lang siyang subukan ang relasyng ito. Relasyon na kaming dalawa ang bubuo. Sana lang talaga.

"Hayyy" buntong hininga ko habang pinagmamasdan pa rin ang lalaking nakayakap sakin.

Alas sais na rin ng umaga ng huli kong tingin sa relo ko. At heto nga ako sa tabi ni Neal, hindi makaalis dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. Napangiti nalang ako sa naisip ko. Siya ang nakayakap sakin.

Di ko na talaga napigilan ang sarili at hinalikan ko na siya. Sa una ay marahan lang sana kaso di ko na napigilan kaya naman nula sa mabagal ay naging mapusok ang halik ko sa natutulog na si neal.

"Mmmphhmmmm" naring kong ungol niya habang tulog pa rin. Pinag patuloy ko lang ang pag halik sakanya at mabilisang pumatong sa kanya habang di pinuputol ang aking mapusok na halik.

"J-julius...?" Nagulat ako ng may nagsalita di ko namalayan gising na pala siya.

Bigla niya nalang akong tinulak. Dahil sa pagkakabigla ay hindi ako agad nakabangon mula sa sahig na kinalagpakan ko. Tulala lang ako habang nakatingin sa kama kung saan ako nanggaling.

Bumalik lang ako saaking ulirat ng marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto.

Patakbo na palang nilabas ni Neal ang kwarto. Hindi ko na rin siya sinubukang habulin.

"Shit...shit...shit... Ang tanga tanga mo julius. Bakit mo ba kasi ginawa yun." Sermon ko saaking sarili.

Tumayo nalang ako at inayos na ang damit ko at ang kama. Nagulat pa ako ng may makapa akong kung ano sa bed sheet. Pitaka. Wallet ni Neal ang nakapa ko. Napangiti nalang ako ng buksan ko ito at nakita ang calling card niya.

"Babawi ako Neal. Siguraduhin ko din na magiging tayo." Sabi ko sarili sabay ngiti dahil sa naisip at nilisan na din ang kwarto.

NEAL'S POV

Pagkalabas ko sa kwarto ay tumakbo ako hangang sa labas ng mansion. Nakita ko ang iba pang mga bisita na nakaupo sa bench malapit sa pool at nandun din si Sapphire.

Nilapitan ko siya at kinalimutan na muna ang nangyare kanina. Mamaya ko nalng proproblemahin yun.

"Sapphire. Saan ka nagsusuot kagabi. Di kita mahanap, alam mo bang halos halughugin ko tong napakalaking mansion na toh?" Sermon ko sa tulalang si Sapphire sakin. Nagtataka nga ako kung bakit tulala lang siya sakin. May nangyare ba sakanyang masama. Natatakot na ako kaya naman tinanung ko nalang siya.

"Huyyy. Sapp. Magsalita ka naman please. Anong nangyare sayo. Sinaktan ka ba? Sino-" tanong ko sakanya na pinigilan niya naman ng takpan niya ang aking bibig ng kanyang kamay.

Mabuti naman at ok lang pala siya. Nakangiti na kasi siya saakin.

"Best friend. Ayus lang ako as in fine as heck. Nagulat lang ako sa suot mo. Saan ka nakahiram ng oversize na T-shirt na yan ? Akala ko ba ayaw mo sa green." Nagtataka ako sa mga binabanggit ni Sapp. Anong oversi- shit, kanino to. Nagulat rin ako sa nakita ko. Naka t-shirt na pala ako. Kaya naman pala tulala sakin si Sapp. Oo, may hindi ako magandang karanasan sa kulay green kaya ayaw ko dito. Para bang may trauma dahil dun sa aksi-...

Desiring Him (Bxb)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant