8

3.6K 89 49
                                    

Telegram

Kirsten Jaysel
8:53 PM

K!

9:16 PM ☑☑

9:20 PM

Kirsten Jaysel: Ano na naman, Mary?

Kirsten Jaysel: Busy ako.

Busy naman saan?

Kirsten Jaysel: Nagbe-bake ako.

Ehem, chocolate cake, ehem.

Kirsten Jaysel: Magtigil ka.

Kirsten Jaysel: Ano bang kailangan mo, Mary Anastacia?

Sungit! Meron ka, no?

May tsika pa naman ako. May nalaman ako tungkol sa gwapong tinititigan mo dun sa bar.

Kirsten Jaysel: Wala akong tinititigan. Isyu ka dyan.

Di ka sure dyan. 🤭

Kirsten Jaysel: O, eh, ano bang tsika yan?

Naks! Sabi na, interesado ka rin, eh.

Hahaha!

Kirsten Jaysel: Alam mo ikaw...

Ito na nga. Haha!

Ay teka, bago pala ang tsika, favor muna.

Kapag nagtanong sayo si Kuya kung magkasama tayo kanina, umoo ka na lang, ha?

Kirsten Jaysel: Saan ka na naman nagpunta? Ako ang mapapahamak nito kay Kuya Judas, eh.

Kirsten Jaysel: Puro ka pa naman kalokohan lately. Buti nga di nalalaman yan sa school na pinagtuturuan mo.

Grabe, nakaka-hurt ka ng feelings, K. Ikaw pa naman ang paborito kong pinsan.

Kirsten Jaysel: Bakit parang noong nakaraan lang, si Kuya Dwight ang paborito mo? 🤔

Hindi, ah. 🤭 Ikaw talaga ang favorite ko. 😘

Pero di naman ako naglakwatsa.

Kinuha ko lang yung ID ko.

Kirsten Jaysel: Nakipagkita ka dun sa naka-ONS mo???

Gulat na gulat? Hahaha!

Pero, wala namang one night stand na nangyari!

Ano lang, ahm, hanggang 2nd base lang daw kami.

Kirsten Jaysel: 2nd base? Paano mo naman nasiguro na hanggang doon nga lang?

Sinabi niya. Wala raw nangyari kasi nag-pass out na ako bago pa siya makababa. 🙈 🤭

Kirsten Jaysel: Bakit parang nanghihinayang ka?

Slight lang. Kasi, mas okay na gising ako kung may mangyayari nga sa amin. Mas dama ko. 😌

Kirsten Jaysel: Pota! Hahaha!

Kirsten Jaysel: Wag mo yang iparirinig sa mga estudyante mo. Hahaha!

Of course! Haha! Labas dito ang pagiging teacher ko.

My profession and my personal life are two different world.

I mean, I know I should be a role model, lalo na at teacher ako. Mataas ang tingin sa amin, lalo na ang morality namin bilang tao.

But, we should not limit ourselves kung wala naman kaming ginagawang masama at labag sa batas.

Allowed naman siguro kami to date, pig out, drink sometimes or magsaya paminsan-minsan. And have sex. Wag nga lang mabubuntis muna ng wala pang asawa. Haha!

Hate me all they want, pero tao rin naman kami. Masaya ako bilang teacher. It is my dream profession. It is my passion. But I also love myself. I love being me. At mahal ako ng mga students ko bilang ako.

Kirsten Jaysel: Daming sinabi. Nag-preach ka na naman dyan. 😂

Sorry na. Hahaha!

Going back to the topic, ayun nga, wala ngang nangyari. Ikinuwento niya sa akin yung mga ganap nang gabing yun.

Mind you, K, ang landi-landi ng lalaking yun. Ang banal ng pangalan, pero ang pagkatao, hindi.

Kirsten Jaysel: Ano nga bang pangalan niya?

Kirsten Jaysel: Malandi ka rin naman, ah. Hahaha!

Jesus King Castillo. Oha! Di ba, parang di gagawa ng kabastusan?

Kirsten Jaysel: Ang banal ngang pakinggan. Parang mapapa-Oh, God ka na lang talaga.

Gaga! Hahaha!

Saka, kung harot na ako sa tingin mo, triple siya, K! Di ko kinakaya. Kaya kapag nilalandi ako, tinatarayan ko na lang.

Kirsten Jaysel: Pabebe ka rin, eh. Wag ka ng mahiya. Release your inner landi.

Shuta ka! Hahaha!

At ito pa, nalaman ko na basketball player pala siya. At teammate niya yung gwapong type mo!

Kirsten Jaysel: Dami mong nalaman, ah. Mukhang nag-bonding kayo ng bongga. 🤔

Hmm, sakto lang. Hahaha!

Kirsten Jaysel: Yung bonding ba na yan, may naganap na naman?

Wala nga, eh.

Daming pang-abala. Daming nagpapa-picture sa kanya.

Kirsten Jaysel: Wow, may panghihinang? Landi talaga. 🤦‍♀️

Next time, dapat sa more private place na kami. Hahaha!

Kirsten Jaysel: Pota! HAHAHA!

Kirsten Jaysel: Dyan ka na nga. Magde-design pa ako ng ginagawa kong cake.

Hahaha! Sige, next time na lang ulit kita kukulitin. 😂

--

Disclaimer: Yung pananaw ni Mary bilang teacher ay di nagre-reflect sa akin, ah. Purely fictional lang ito. Baka kasi may biglang mag-react. Haha!

The Hot Shot Club 1: The Late Night Caller (Completed)Where stories live. Discover now