11

3K 70 9
                                    

Telegram

Kirsten Jaysel
9:37 PM

Kirsten Jaysel: Wow! Friends na kayo sa FB ng lalaki mo?

9:45 ☑☑

WTF!

Sinong lalaki ko? Hahaha!

Kirsten Jaysel: Parang ang dami mong lalaki, ah.

Kirsten Jaysel: Yung Jesus King? Gosh, bakit ba ganoon ang name n'on? Ang awkward banggitin.

Hahaha! Parang di gagawa ng kasalanan, 'no?

Pero, paano mo nalamang friends na kami?

Kirsten Jaysel: Nakita ko sa news feed ko, malamang.

Ay! Hahaha!

Naco-customize ba yung ganoon?

Kirsten Jaysel: Ewan ko. Hahaha!

Kirsten Jaysel: Speaking of that Jesus King, di ba, sabi mo, basketball player siya? Baka kilala siya ni Kuya Judas.

Hala, oo nga, no?

OMG! Baka magka-teammate pa sila!

Kirsten Jaysel: Gaga! Walang teammate si Kuya Judas na ganoon ang pangalan.

Kirsten Jaysel: Close ka sa teammates ni Kuya Judas, di ba?

Eh, baka may nadagdag pala sa kanila nang di ko alam. Haha!

Kirsten Jaysel: Baliw ka talaga. Hahaha!

Kirsten Jaysel: Halatang di ka nanonood ng mga laro niya, eh.

Hehehe!

Alam mo namang wala akong hilig sa basketball.

Sa balls lang. 🤭

Kirsten Jaysel: Pota! Hahaha!

Chicken balls, fishballs, squid balls!

Di pa kasi ako tapos.

Hay, K, ikaw talaga ang madumi ang utak dito, eh.

Kirsten Jaysel: Ako pa nga? Hahaha!

Oo, ikaw naman talaga. I'm so innocent kaya. 😇

Kirsten Jaysel: Ewan ko sayo. Maghanap ka ng kausap mo.

Hahaha!

--

Telegram

Simon Judas
10:13 PM

Kuya!

10:15 PM ☑☑

Simon Judas: Ano yun?

Simon Judas: Bakit di ka pa natutulog, panget?

Ang aga pa kaya. 🙄

Simon Judas: May pasok ka pa bukas.

Para naman akong bata niyan.

Simon Judas: Oo, batang isip.

Kuya!

Simon Judas: Hahaha!

May tanong lang kasi ako.

Simon Judas: Ano ba yun?

May kilala ka bang Jesus King Castillo?

Simon Judas: Why? How did you know him?

Ah, eh, nabanggit lang ng co-teacher ko.

Teammate mo ba yun?

Simon Judas: Kilala mo lahat ng teammates ko, di ba?

Baka kasi may dumagdag nang di ko alam. Hahaha!

Simon Judas: Hay, Mary Anastacia. Matutuyuan ako ng dugo sayo.

Hahaha!

Pero sino nga yun, Kuya?

Simon Judas: Player ng kalaban naming team. Our rival team, to be exact. Mga team kasi namin ang kalimitang nagkakaharap sa finals.

Simon Judas: Rivals din kami as a player. Magkasabay kaming nagpa-draft. Kami ang nagkalaban sa Rookie of the Year noon. Unfortunately, siya ang nanalo.

Simon Judas: Okay na bang sagot yan?

Pero, di naman kayo magkaaway sa labas ng court?

I mean, di ba, may ibang players na nagkakainitan sa laro, pero after the game, friends na ulit.

Simon Judas: We're not friends, pero civil naman kami sa isa't isa.

Oh, okay.

Thanks, Kuya.

Simon Judas: Okay.

Simon Judas: Matulog ka na. Tama na ang panonood ng porn.

Kuyaaa!

Simon Judas: Hahaha!

The Hot Shot Club 1: The Late Night Caller (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora