CHAPTER 5

1K 37 1
                                    

Cherafhel

"Salamat ulit."

Isang hindi pilit na ngiti ang iginawad ko kay Sebastian nang maihatid niya ako sa bahay. Siya pa mismo ang nag bitbit ng groceries papasok sa bahay kaya laking pasasalamat ko sa kanya.

Bagaman naguguluhan ako sa inaakto niya pero hindi ko maipagkakailang masaya ako. Kung kanina hindi niya man lang ako binigyang pansin, ngayon hinatid pa niya ako.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba akong walang tao sa bahay dahil baka may ibang makakita kay Sebastian at akalain nila ang hindi dapat. Though, tungkol sa sinabi niya nung nakaraan kay Nanay, hindi ko pa na explain. Na busy kasi ako sa trabaho.

"It's fine." Ang tanging sagot niya sa pasasalamat ko bago ako tinanguan at pumasok sa kanyang kotse.

Tanging tanaw na lamang ang aking ginagawa sa papalayo niyang kotse. Naiwan sa ere ang nakataas kong kamay na agad ko ding ibinaba.

"May mood swing kaya siya?" Bulong ko sa sarili na inilingan ko.

Tumingin ako sa orasan ng phone at nakitang malapit nang mag alas sais. Mula nung araw na nagbago ang schedule ko ay tuloy-tuloy na ito ngayon.

Papatayin ko na sana ang phone mo nang makatanggap ako ng text. Galing ito kay Miricris.

From: Miricris

Bilisan mong pumunta dito! Marami ka pang iku-kuwento sa akin!

Nangunot ang noo ko. Hindi na lamang ako nag reply sa text niya sa akin at pumasok nalang sa bahay para magbihis.

Kung ano man ang ibig sabihin ni Miricris sa kanyang text ay hindi ko alam. Malalaman ko lang ito kapag nakarating na ako sa Isla at makaharap siya.

Ilang sandali pa'y nakarating na ako sa Isla bandang alas singko emed'ya. Tinext ko nalang si Nanay na nasa trabaho na ako para hindi siya magtaka.

"Hoy! Anong ibig sabihin nung nakita ko kagabi?"

Kakapasok ko palang sa dressing room nang bigla akong hilahin ni Miricris sa isang tabi. Tuloy ay hindi ko maiwasang mangunot ang noo dahil sa pinagsasasabi niya.

"Ano bang pinagsasa—aray!" Sinamaan ko siya ng tingin nang walang pasubaling hinampas niya ako sa braso. Hindi naman ganun kalakas pero masakit pa din!

"Ako pa talaga pinaglololoko mo! Woi, nakita kita kagabi kausap si Sebastian tungkol sa kung saan. Naudlot nga lang nang may dumating na haliparot."

Speaking of Sebastian. Napangiti tuloy ako nang maalala ang ginagawa niya sa akin kanina lamang. Naguguluhan man ako dahil iba ang kanyang pakikitungo sa akin pero masaya pa din ako.

Hayys, ano ba itong mga pinagsasasabi ko? Buang na siguro ako.

"Ui, ui, ui. Anong nginiti-ngiti mo diyan? Baka iba na yan ah!"

Nawala tuloy ang ngiti ko at napalitan ito nang pagsimangot nang pitikin ako sa noo ni Miricris. Napa-tsk nalang ako bago kinuwento sa kanya ang nangyari sa pagitan namin.

Ayaw ko mang sabihin sa kanya pero wala na akong choice dahil nakita niya kami kagabi. Kung bakit naman kasi napaka chismosa ni Miricris, eh sana nanatili itong sekreto.

"At ayun nga. Nagkita kami kanina sa Convenience Store at hindi niya ako pinansin."

Hindi ko na dinagdagan ang sinabi ko dahil baka masabi kong hinatid ako ni Sebastian sa bahay. Ayokong iba ang isipin ni Miricris. Hangga't maari, gusto kong isipin niya na galit parin ako kay Sebastian. Well, sort of.

Black Mafia 8: Sebastian EnriquezDonde viven las historias. Descúbrelo ahora