CHAPTER 21

845 35 1
                                    

Cherafhel

Napangiwi ako nang bumalatay na naman sa kaloob-looban ko ang nakakamatay na sakit na galing sa pagkababae ko. Kanina pa ito nang magising ako at alam kong dahil ito sa ginawa namin ni Seb.

It's my first and he's big. Hindi nakakapagtakang ito ang nangyari sa akin matapos namin yung gawin.

Hindi ako makalakad kaya nandito lang ako sa kama at nakahiga. Kaya hindi tuloy ako nakapasok sa una kong trabaho instead nakatambay ako dito sa condo.

Seb is with me. Siya ang nag-alaga at nag-asikaso sa akin dahil responsibilidad daw niya ako. Aba malamang! Hindi naman ako nag-eexpect na sobrang laki pala niya. Mukha tuloy akong na imbalido dahil sa halimaw niyang sandata.

"That doctor will be here after a moment. Humiga ka lang diyan at magpahinga. Wag kang gumalaw."

Kakapasok lang ni Seb sa kwarto ay iyon agad ang sinabi niya. May dala siyang breakfast naming dalawa sa isang tray.

"Hindi naman ako mamamatay diba?" Nakangiwi kong tanong sa kanya nang mailapag niya ang tray sa side table.

He chuckled and help me sit. "Hindi ka talaga mamamatay. Your womanhood hurts because it's your first and your so tight."

"Ang sabihin mo sobrang laki mo kaya mukha akong imbalido ngayon." Pabiro ko siyang inirapan.

"Mukha lang pero hindi ka literal na imbalido. A week or so babalik ka na din sa dati."

"A week?!" I hissed.

Kung isang linggo akong ganito, paano ako makakapagtrabaho? Paano ko matutulungan si Seb sa trabaho? Kung isang linggo ba akong ganito, ibig sabihin isang linggo ding absent si Seb?

"I'm not sure yet. Hula ko lang naman yun."

Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi pero hindi parin ako panatag. Paano kung totoo nga ang sinabi niya? Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi yun imposible.

Tumingin ako sa kanya na kinuha ang laman ng tray. "Sorry inabala pa kita. Imbes na magtatrabaho tayo ngayon, na postpone pa dahil sa akin." Bulalas ko.

Napatingin siya sa akin saka bumuntong hininga. "It's not your fault Cherafhel. Ako ang dahilan kung bakit ka nakatambay dito. Don't be sorry dahil hindi mo ako inabala. Kagustuhan kong alagaan ka sa abot ng makakaya ko." Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ko. "Magpahinga kana lang, okay? Mas mapapanatag pa ako kapag gagawin mo yun."

Nakangiting tumango ako sa kanya ayon na din sa kagustuhan kong gawin ang kanyang pinapagawa. I don't know why but I love the feeling that his pampering me. Take care of me. Like this time.

Umupo siya sa kama na kaharap ko at sinubuan ako. I didn't insist dahil gusto ko din naman ang kanyang ginagawa. The breakfast is bacon and scrambled egg. Naghanda siya ng dalawang strawberry juice na para sa aming dalawa.

Imbes na mahiya sa harapan niya dahil sa nangyari, wala akong maramdaman bukod sa kasiyahan. I'm happy that he's my first and nothing else. Gusto kong siya ang unang tao na makakasama ko sa mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Gusto kong siya ang palagi kong una.

I know I'm not he's first. Pero gagawin ko ang lahat para ako ang magiging huli niya. He's the reason kung bakit naging mas confident ako sa sarili ko. Siya ang dahilan kung bakit tumaas ang self esteem ko. Siya ang dahilan kung bakit naniniwala ako sa kakayahan ko.

"What are you thinking my little piglet?"

He pinched my nose that's why I came out from my reverie. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.

Black Mafia 8: Sebastian EnriquezWhere stories live. Discover now