CHAPTER 33

812 32 0
                                    

Cherafhel

It's been a week when Seb and I we're official and it seems fine. Habang tumatagal ay mas nagiging sweet sa akin si Seb at caring. I can't even do my usual doing in condo because he always insisted. Halos sa condo na nga siya tumitira dahil minsan lang siyang pumunta sa kanyang condo. Magbihis at maligo lang siguro.

My co-employee knows about our relationship and they are happy for us. Naging OA nga si Beka dahil bakit ko daw siya inagawan ng mapangasawa. And Leizel in the other hand complained Beka.

This day is my day off and I have plan already. Nag promise ako kay Nanay at Tatay na babalik ako duon sa next day off ko. Sa pagkakataong ito, tatanungin ko na talaga sila Nanay kung ano ang ibig sabihin nun ni Miricris nang magkausap kami. Nakalimutan ko kasing itanong yun sa kanila at sa pagkakataong ito, hindi ko na iyon kakalimutan. I want to know the truth.

"Let's go hija?"

Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Tita. I smiled at her. Si Tita ang makakasama ko sa pagbalik sa bayan imbes na si Seb. Gusto kasing makilala ni Tita ang parents ko at maraming gagawin si Seb dito kaya hindi niya ako masasamahan.

"Yes Tita."

"Take care of her mom. Okay?"

Nasa parking lot kami ng condo ngayon at nagpapaalam sa isa't isa. Hawak si Seb ang kamay ko at wala yatang balak pakalawan ito.

"I know son. Let me have her so we could bond. Tapusin mo nalang ang trabaho mo dito para makasunod ka sa amin."

Walang nagawa ni Seb kundi sumuko at tumango sa kanyang Ina. Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa noo nang maunang pumasok si Tita sa kotse.

"Mom is sometimes curious. Kapag feeling mong private na ang tinatanong ni mom, wag mong sagutin. Just divert the topic if she talks too much. Kinakabahan ako kapag kasama mo si mom."

Natawa ako. "Hindi mo kailangang kabahan. I think nililimitahan din ni Tita ang pagtatanong sa akin. I understand her. Sasagutin ko hangga't maari ang kanyang tanong. That's curiosity Seb."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Fine. Pakikamusta nalang ako kela Tita at Tito. Enjoy your day with mom."

Binigyan niya ako ng maliit na halik sa labi bago buksan ang shotgun seat ng kotse ni Tita. Kumaway siya sa amin bago paandarin ni Tita ang kanyang kotse papaalis.

"Sa tingin mo susunod si Seb Tita?"

"I think it's a yes hija. Hindi yun mapapakali kapag wala ka sa tabi niya."

"I think so."

Natahimik na ang loob ng kotse habang binabaybay namin ang daan. Tita looks energetic today. Paniguradong gising siya buong biyahe namin na mukhang pinaghandaan niya.

"Did you already confess your love to my son?" Si Tita ang unang bumasag sa katahimikan na namagitan sa amin.

Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil tungkol sa 'love' ang pinag-uusapan namin ngayon.

"H-Hindi pa po."

"Why?"

Nakagat ko ang dila ko. "Natatakot po kasi ako kung ano ang sasabihin at magiging tugon niya. I'm not yet ready. Okay na po ako hangga't kasama ko siya."

"But love is different hija. It was different if you already confess your love to the man that you love. I know it's not my decision to make but why make it a try?"

"Ayokong mag risk Tita dahil natatakot ako. If ever na umamin ako sa kanya, anong sasabihin niya? That he like me? It's fine for me. Pero kilala ko si Seb. If he know that I'm not comfortable, gagawa siya ng paraan para maging komportable ako. H-Hindi ko naman gusto na ang pagmamahal na ibibigay niya sa akin ay pilit. Gusto ko, yung kusa niyang maramdaman. Darating naman siguro ang panahon na yun."

Black Mafia 8: Sebastian Enriquezحيث تعيش القصص. اكتشف الآن