CHAPTER 34

834 35 0
                                    

Cherafhel

"Palaging nagrerebelde ang ate mo nang mawala ka dito sa bayan. Kasama niya palagi ang kanyang barkada para pumunta sa mga bars at club. Minsan ko ng kinompronta ang isa sa mga barkada niya para sabihin sa akin ang katotohanan. Nung nagtatrabaho ka pa sa bar, palagi ng umaalis si Nalia para pumunta sa pinagtatrabahuan mong bar kasama ang kanyang mga barkada."

Suminghap ako ng hangin. Hindi masyadong kalakihan ang kwarto ni Tatay pero pakiramdam ko nasa maliit kaming kahon ngayon at pinagsisiksikan ang mga sarili. I'm thankful that Tita is quite and just  listening at us. Hindi ko pa nga siya naipakilala kay Nanay pero baka magkakilala na sila.

"Sa bar na pinagtatrabahuan ko? Bakit hindi ko siya nakikita duon?"

"Hindi ko din alam anak. Ang sinabi lang ng barkada niya ay duon sila pumupunta."

Siguro pinagtataguan ako ni ate para hindi ko siya makita at maisumbong kay Nanay? What's the point of hiding kung malalaman lang naman pala namin?

Huminga ako ng malalim. "Magpatuloy ka Nay."

"Nang mawala ka dito sa Isla ay mas lalong nagrebelde si Nalia. Sinagot-sagot niya ang Tatay mo kaya siya inatake sa puso. Nung una kaya pa ng Tatay mo. Pero sa pagkakataong ito, humina na ang kanyang katawan."

Nagtagis ang bagang ko. How could ate Nalia do that to our father?!

"Tinulungan ka man lang ba niya na isugod sa hospital si Tatay?"

Mahinahon ang boses ko pero konting-konti nalang sasabog na ako sa sobrang galit. Hindi ko gustong magpadala sa galit ko dahil alam kong makakalikha ako ng maling desisyon. Pero paano ko yun pipigilan gayong ang pinag-uusapan dito ay ang Tatay namin?

Nakita ko kung paano lumunok si Nanay. Halatang hindi gustong sagutin ang tanong ko pero wala siyang magagawa dahil makulit ako.

"H-Hindi na yun importante—"

"Anong hindi importante Nay?!" Hindi ko napigilang ang pagtaas ng boses kaya huminga ako ng malalim. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Pero wala naman akong magagawa para paalisin ito. "Tatay naming dalawa ang sinagot-sagot niya. Nawala na ba ang kanyang respeto dahil sa nangyari ilang taon na ang nakakaraan? Tanggap ko namang galit siya sa akin pero dinamay niya kayo eh. Siya ang dahilan kung bakit nandito si Tatay imbes na nagpapahinga sa bahay o kasama ang kanyang mga kumpare sa laot. Anong hindi importante duon Nay? Sabihin niyong tumulong si ate sa inyo o hindi?"

Mariin na napalunok si Nanay. "Y-Yung mga kapitbahay ang tumulong sa akin anak."

Napayuko na lamang ako sa nalaman. Ayokong makita nila ang galit sa mga mata ko. Ayokong makita nila ang pagtagis ng bagang ko.

How could you ate?! Paano niya nagawa ang ganito kalaking kasalanan? Ayos lang sa akin kung habambuhay siyang galit sa akin at hindi ako tratuhin katulad ng dati. Pero sobra na ito. Dahil sa walang kwenta niyang pagrerebelde ay nandito si Tatay. Nakahiga sa kama at nagpapahinga.

Suminghap ako at nag-angat ng tingin kay Nanay. Napansin kong nakahawak si Tita sa kamay ni Nanay na naluluha na.

"Anong dahilan ng pagrerebelde ni ate?"

Iyon nalang ang gusto kong makompirma ngayon para mas maintindihan ko ang lahat. Imposible namang walang dahilan ang kanyang ginawang pagrerebelde kung wala siyang galit sa amin. Sa akin. Oo alam kong galit siya sa akin, pero nakakatiis naman siya sa akin noon. Anong nangayari ngayon?

Hindi makatingin ng deretso si Nanay. May nagbabadyang luha sa kanyang mga mata at kinailangan ko pang mag-iwas ng tingin dahil nahahawa ako. Ayoko munang umiyak ngayon. Gusto kong maging matatag dahil ako nalang ang inaasahan ni Nanay. Kung magiging mahina ako, wala na siyang masasandalan.

Black Mafia 8: Sebastian EnriquezDonde viven las historias. Descúbrelo ahora