Prologue

170K 1.3K 92
                                    

Kwadro Alas Book 1 - Aldrin and Hannah

by TOYANTZ.

Romeo Q. Loñosa III

supertoyantzfingers@gmail.com

August 25 2012

Prologue

Tahimik na pinagmamasdan ng isang bata ang paligid.. Naglalakihang gusali ang kanyang nakikita.. Madilim na, pero halos parang ngayon palang nagigising ang buong lungsod..

Lungkot na lungkot sya pagkat lilipat na sila ng bahay.. Mula sa bahay ng Lolo at Lola nya ay lilipat na sila sa bahay na nabili ng kanyang daddy.. Di nya alam kung saang lugar yon.. Basta ang sabi kanina ng mommy nya ay masaya daw dun.. 

Tinutulan nya iyon.. Di hamak na mas maganda ang dati nilang tahanan.. Sa piling ng kanyang mga Lolo at Lola, mga dating kaibigan at si Lelay.. Ang kanyang childhood crush...

Sa pagkaka alala sa kababata ay bigla syang binalot ng di maintindihang lungkot.. Di matanggap ni Lelay na lilipat na sila ng bahay.. Naghahanap ito ng rason pero wala syang maibigay... Nakaukit pa rin sa kanyang munting isip ang mga huling palitan nila ng mga salita ng kanyang kababata..

          "L-lelay aalis na kame.." bulong ng batang si Aldrin..

Nakatalikod lang sa kanya ang kababata.. Di nya batid kung umiiyak ito o tumatawa..Kinalabit nya ito pero iwinaksi lang nito ang kamay nya..

          "Lelay.. Wag ka namang ganyan..Babalik naman ako.. Dadalawin kita lagi..Malapit lang siguro yung pupuntahan namin.." pang aalo ni Aldrin sa kaibigan..

Marahas na bumaling ng tingin ang batang si Lelay... Nagulat si Aldrin at agad na nakaramdam ng awa sa itsura ng kaibigan..Basang basa ang mukha nito sa luha..

          "Sinungaling !.. Iiwan mo na ako!.. Iiwan mo rin pala ako!.." sigaw ni Lelay..

Napayuko lang si Aldrin at nagsimula na ring humikbi..

          "H-hindi ko gusto..Ayaw ko naman talaga don.. Pero sabi ni Mommy malayo na daw sa work ni Daddy..Ayaw kong iwan ka.." mahinang sabi ni Aldrin..

Napaupo si Lelay at lumakas ang hagulgol..

Agad syang niyakap ng batang si Aldrin.. Tinulak ni Lelay ang kaibigan.. Pero nagmatigas si Aldrin at pilit na niyayakap ang kaibigan..

          "Babalikan kita Lelay.. Pangako.." bulong ni Aldrin sa tenga ng kaibigan..

Unti unting huminto ang pag iyak ni Lelay hanggang sa naging hikbi...Lumipas ang ilang minuto na magkayakap ang magkaibigan..

Binasag ni Aldrin ang katahimikan..

          "Babalik ako.." matigas na pangako ng batang paslit sa kaibigan..

Tumitig si Lelay sa nag iisang kaibigan nya..

          "Hihintayin kita.." nakangiti nitong sabi sa kaibigan..

Nagkangitian ang dalawa..Maya maya may kinapa si Lelay sa bulsa..

          "Eto.. Wala kasi akong pera.. Ayaw ko naman manghingi kay Inay.. Eto isuot mo.. Sana maalala mo ako.. Ingatan mo ito hanggang sa magkita tayo muli Potpot.." sabi ni Lelay sabay abot sa hawak nya..

Agad kinuha ni Aldrin ang regalo ng kaibigan.. Pinagmasdan nya ito... Lalo lang namuo ang luha sa mga mata nya pero pinigilan nya dahil ayaw nyang umiyak na naman ang kaibigan nya..Agad na hinubad ni Aldrin ang suot na kwintas na regalo sa kanya ng Ina.. 

Kwadro Alas - Ace of HeartsWhere stories live. Discover now