Chapter 1: First Day

55 2 0
                                    

(Look for the video above, tour for USJR)

Credits: Maria Joyce Clarus
____________________

"Saan ba yung papuntang Magallanes?" I talked to myself. It's been a long time when we came here at Cebu. It's been a year actually. Dito na kami tumira pagkatapos ng ipina-demolish yung mga bahay namin sa Siargao. Masyadong mamahalin ang mga lupa doon kaya lumuwas kami papuntang Cebu, kasi dito mas okay, and at the same time we can afford some house rentals.

Pero kahit na matagal na ako dito, naliligaw pa din ako. Kasalanan ko ba na ayaw ko masyado lumabas sa bahay at laging naka-cellphone lang? Of course not!

So here I am now, wondering where Magallanes is, papunta akong University of San Jose Recoletos - Main Campus or USJR para madali.

Papa-enroll sana ako, sayang scholarship ko, nung nakarating kasi kami dito ayaw pa ni mama na papa-aralin ako kasi hindi ko alam, wala akong alam kung anong rason niya. At hindi ko na kailangang alamin pa, I mean why? Mas okay na nga yun tamang chill lang sa bahay.

Pero nang lumampas one year na kami, ayun sinabi niya sakin na mag-aaral na ako ulit, at first ayoko, pero wala akong magawa kasi baka mamatay kaming lugi at walang narating sa buhay at isa pa sayang katalinohan ko! What is scholarship without my brain? Oh nga-nga diba.

Napakamot nalang ako kasi hindi ko talaga alam yung sasakyan ko ano maglakad lang ba ako? Mag jeep? O sasakay ng kalesa? May kalesa kasi dito nakatambay malapit sa mall. Amazing diba?

Naghahanap ako ng matatanungan at nag tanong.

"Manong, saan papuntang USJR?" tanong ko kay Kuya Manong na nagtitinda ng sigarilyo sa gilid.

"Pwede mo lang namang lakarin iha, malapit nalang iyon pero pag ayaw mo, dun ka sa kabilang daan maghintay ng jeep papuntang Magallanes." sagot naman ni kuya, hindi naman ako tamad kaya maglakad nalang ako.

Habang naglalakad ako ay nagtitingin-tingin ako para naman pagbalik ko ay hindi ako maligaw, not gonna lie but this place is kinda crowded. Napansin ko kaya crowded siya kasi madami ang nagtitinda ng kung ano-ano kaya expected yun para siyang own version of Divisoria ganoon.

Habang nagmuni-muni ay may nakita akong babaeng naka-uniporme ng USJR kaya nilapitan ko.

"Miss, USJR ka ba nag-aaral?" mahinahong tanong ko.

"Ah, oo bakit po?" sagot niya naman feeling ko 2nd year college pa to.

"Pwede makisabay sayo? Hindi pa kasi ako masyadong familiar sa school niyo at balak ko sanang mag-enroll for 3rd year? Okay lang ba sa iyo? Hindi ka pa ba mahuhuli?" tanong ko naman. Tinignan niya yung phone niya at sa palagay ko ay tinitignan niya kung anong oras na.

"Okay lang naman may time pa ako, dali po kayo." sabi niya at ngumiti, ngumiti naman ako.

Nung nakarating na kami sa entrance ay napa-nganga ako. Naks naman, parang museum. Tinignan ko talaga ng maayos, mula sa labas ang laki na how much more sa loob ng school? Parang excited na ako.

"Ate magpapa-enroll ka diba?" Tanong niya sa akin habang ako ay napatingin pa din sa paligid natauhan naman ako at tumingin sa kanya.

"H-ha? Ah oo, saan ba?" utal na sabi ko.

"Dito po ang office pasok lang po kayo, or gusto mo samahan nalang kita?" Ngiti niyang sabi.

"Ay hindi okay lang, baka ma-late ka na o may gagawin ka pa, salamat nalang, see you around" ngiti ko namang sabi. See you around talaga mamaya ligaw ang kataposan nito.

Kumatok muna ako sa pinto ng faculty at tinanaw sa loob, lumingon naman ang babaeng nasa loob at sinenyasan akong pumasok.

"Ano iyon iha?" tanong niya sakin habang abala sa mga paperslips na binabasa niya.

"Magpapa-enroll po sana ako for 3rd year college miss." sabi ko. Umupo naman ako sa tapat niya.

"Hm, ganun ba, did you bring requirements?" nakatingin na niyang sabi sakin.

"Yes miss, ito po." Binigay ko naman sa kanya ang mga dinala kong requirements for enrollment. Habang tinitignan niya ay niyakap ko ang sarili ko, grabe naman ang ginaw dito. Ganito din ba pati sa mga rooms?

Habang ganin pa rin ang ginawa ng nag-asikaso ng enrollment ko ay tinanong ko siya.

"Miss may aircon ba sa mga room?" sabi ko at iniinda ang lamig, buti at hindi ako nanginginig habang nagsasalita ang pangit non sobra.

"Meron din bakit? May problema ka ba sa mga aircons?" takang tanong niya. Ngumiti naman ako bilang tugon at lumingo.

"Ah wala naman po nagtatanong lang" nahihiyang sabi ko. Tumango naman siya.

"So scholar ka pala?" Tanong niya tumango naman ako

"You are are getting Arts?"

"Yes po"

"Okay I already check your requirements and you can go to your subjects now, here" at binigay sa akin yung schedule ko. Nanlaki naman ang mata ko, waw ha ang daming subjects. Arts lang naman ang kinuha ko.

"Thank you po, um iwan ko lang po ba yung mga requirements for enrollment ko sayo?"

"Yes iha, you can go now baka ma late ka pa you onle have 1 hour nalang." Ngiti niyang sabi.

"Okay po miss, salamat po." At lumabas na paglabas ko ay napahinto ako.

Now let's do a tour halata namang ma tour ko to lahat lalo na at hindi ko alam ang mga lugar dito.

Ang ganda naman pala ng lugar na to. Ang Main Library nila ang laki. Basta ang daming rooms.

And finally nahanap ko na ang room ko for the first subject. Pag pasok ko ay naghanap ako ng ma upuan nilibot ko din ang loob ng room, may aircon talaga pagpasok ko palang giniginaw na ako, hindi naman kasi ako mahilig sa aircon kaya giniginaw talaga ako masyado.

"Miss, ikaw ba yung kanina?" Napalingon naman ako sa nagtanong, lumaki naman ang mata ko yung babae kanina.

"Ay hala, hello classmate naman pala tayo eh" nahihiya kong tugon.

"Oo, kung alam ko palang edi sana hinintay nalang kita, naligaw kaba papunta dito?" parang nag-aalalang tanong niya.

"Hindi naman nagtanong-tanong nalang ako tsaka natagalan talaga ako pumunta pa kasi ako sa Library ang ganda pala dun." Ngumiti naman siya sa sinabi ko. Ano ba naman ako parang first time nakapag-aral pumikit ako saglit at ngumiti sakanya.

"Oo, gusto mo mamaya standby tayo dun?"

"Pwede ba?" Tanong ko tumango naman siya.

"Ah by the way I am Ashley." ngiti niyang papakilala sakin.

"Kianna, Kianna Ferrer." Ngiti ko ding pagbati sakanya.

"Nice to meet you"

"Nice to meet you" sabay naming sabi. Napahinto kami at nagtinginan sa isa't-isa saka tumawa.

Isa pang maganda dito, ang mga ugali ng mga estudyante.

I guess this will be my new daily life.

_______

And that's it! My first chapter! I hope you like ittt grr, please comment down below yur opinions I want to hear them out feel free! About nga pala sa enrollment at lugar for enrollment hindi ko alam kung tama ba yun please tell me para ma edit ko. Thank you!❤️ To Josenians reader out there helloo!

Finding A Stranger Around Magallanes (Cebu Street Series #1)Where stories live. Discover now