18

337 23 0
                                    

[Merry Christmas in Advance!] Zack greeted me over the phone.

Right now, we were having a Noche Buena and we were celebrating it here at our grandparents' ancestral house—side of my father's family. 

Sa katunayan, dito talaga kami nagpapalipas ng kapaskohan at lahat ng kapatid ni Daddy ay dito rin nagpapasko. Minsan lang kasi nagtitipon-tipon ang pamilya nila kaya minabuti na lang nila na tuwing pasko ay rito na lang ipagdiriwang.

Nasa kuwarto ako ngayon at nagtatawagan kami ni Zack. Sa paglipas ng isang buwang pagsasamahan namin ay lalo kaming nagkakamabutihan ng loob. Having a kind of typical couple relationship, that mostly you see out there.

"Hey! Pagkauwi ko na lang ibibigay 'yong gift mo. Baka after pa ng New Year," I said and pursed my lips.

[It's okay, babe. Where do you plan to spend your New Year?] he asked.

"My parents decided to spend it at my grandparents' ancestral house. Sa side ng Mommy ko," I replied and my heart skipped a beat when someone knocked at the door.

"Sweetie! Exchanging of gifts will begin soon. Come downstairs, okay?" Mommy said outside the door.

Inilayo ko ng kaunti ang phone ko sa tenga ko bago sumagot kay Mommy. "Okay po!" simple kong tugon.

Napabuntonghininga ako dahil ibababa ko na ang tawag niya. 

"Ibababa ko na 'to," malungkot kong sabi.

Gusto ko pa sanang makipag-usap sa kanya pero wala ng oras dahil pinapababa na ako.

[Merry Christmas, babe! Take care always.]

"Merry Christmas din at sa family mo!" I greeted him back, trying to sound normal.

[Perhaps... can I call you later?]

Nabigla ako sa tanong niya at agad na may gumuhit na malaking ngiti sa aking mukha. I was excited from the thought of having conversation with him later.

"Sure!" I exclaimed in delight.

I already ended the call and went downstairs. My family was already preparing their gifts and as usual, we made a big circle.

Last three days, sinagawa namin ang pabunot ng mga pangalan at ang nabunot ko ay pangalan ni Lola. I really did my best to find a perfect gift for her. Pagkabukas din ay agad akong namili kung ano ang ireregalo sa kanya.

Hindi naman gano'n ka materialistic 'yong Lola ko. Kahit anong ibigay mo masaya na siya basta't galing sa puso ang pagbigay mo nito sa kanya.

"Merry Christmas!" masigabong bati namin sa lahat nang mag-alas-dose.

Lahat kami ay nagsimula nang kumanta para sa palitan ng mga regalo. Syempre kusa akong nagboluntaryo na mauna.

Nagsimulang gumalaw ang aking katawan na sumabay sa maligayang himig nila. Nang huminto ang kanta, dahan-dahan akong nagtungo kay Lola at binigyan siya ng mainit na ngiti sabay pag-abot ng regalo ko sa kanya.

"Merry Christmas, Lola! I hope you like it," maligaya kong bati sa kanya.

Niyakap niya ako nang mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik. I felt her warmth against my body. It was so long and I missed her embrace.

"I will surely love this, ihja. Thank you!" she said and it made me glad.

Kumawala na ako sa yakap niya at nagsimula silang umawit ulit. Habang tumatagal ang oras, pasaya nang pasaya naman ang nangyayari. Nang matapos ang pagpapalitan ng mga regalo, agad akong nagtungo sa kwarto na tinutulugan ko.

Our Substantial Hopes (High School Teen Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now