•15•

8.5K 182 50
                                    

KLARE

Maaga akong umuwi dahil sa nangyari sa aming dalawa. Si Case naman ay pumunta sa kanyang meeting with the VIP.

Nagulat nga si Tita 'bat ang aga ko raw, sinabi ko na lang na pinapauwi na ako ni Case. Wala naman na kasi akong gagawin sa office niya.

Already five in the afternoon na, tapos na siguro iyong meeting niya with the VIP, kanina pa kasi iyon ng two in the afternoon.

After naming mag-make love sa kanyang office, nagulat na lang ako na may ring na siyang nilagay sa aking finger. It's our promise ring.

Tinignan ko ito at napangiti. Kailangan ko ng sabihin ang tungkol sa akin. Ang totoong ako. Kung sino ba talaga ako.

Tinawag na ako ng isang kasambahay para sabihing kakain na kami ng dinner pero laking gulat ko n wala pa si Case. Hindi pa rin umuuwi sabi ni Tita.

Hindi naman ako kinabahan, maging si Calum kasi ay wala pa rin sa bahay. Kasabay kong kumain sina Tita, tito and si Cassian. Wala rin kasi si Craig. Nasa probinsiya raw at may ginagawang bahay. He's an architect, by the way.

Lumalim na ang dilim pero wala pa rin si Case. Ano na bang nangyayari sa isang iyon? Tinatawagan ko ang phone niya pero naka-off ito. Baka kung anong nangyari na sa isang iyon. Oh, god, wag naman sana.

Tinawagan ko siya nang tinawagan pero naka-off pa rin ang kanyang phone. Tinawagan ko ang phone ni Calum baka kasi magkasama silang dalawa. Wala pa rin kasi siya.

"Hello? Hello, Calum?" Sabi ko sa kabilang linya ng sumagot ito sa unang ring.

"Oh, hello, Klare? Napatawag ka?"

"Magkasama ba kayo ni Case ngayon? Pareho kasi kayong wala pa sa bahay." Kinalma ko ang aking sarili at nananalangin na magkasama silang dalawa.

"Nope. I'm with Maria tonight... Why?"

"A-are sure? K-kanina pa kasi siya wala, e... A-akala ko tuloy magkasama kayo?"

"Yes, I'm sure, Klare. Kanina pa kaming magkasama ni Maria. Try to call him." He asked.

"Tinawagan ko na siya, naka-off iyong phone niya, e..." sabi ko rito.

Kinakabahan na talaga ako. Baka kung ano na nangyari kay Case.

"Just calm down, Klare. Baka kasama lang niya ngayon si Dino. Surf boarding, you know. Mamaya nandya na rin niyon. Matulog ka na, okay?" At, agad niyang binaba ang tawag.

"T-teka..." Urgh! Magtatanong pa ako kung bakit magkasama kayo ni Maria ng ganitong oras!

Nakatakas ang isang iyon sa akin, ha? Itong Maria na 'to! Hindi nagsabi sa akin na magkasama sila ni Calum.

Dapat ba akong maniwala kay Calum? Baka ngang magkasama lang iyong dalawang iyon? Ba't wala kasi akong number ni Dino! Kainis!

##

I wake up early baka kasi nandyan na si Case sa room, hindi nga ako nagkamali. Tulog na tulog si Case sa kanyang kama, wala pa ngang kahit shirt sa kanyang pang-itaas man lang.

Ano ba nangyari sa'yo? Sobra akong nag-alala...

Hinawi ko ang kanyang buhok na nakaharang sa kanyang mukha at hinalikan ko ang kanyang noo at ang kanyang labi.

"I love you, Case... Matatanggap mo ba ako? Kung sasabihin ko sa'yo kung sino ba talaga ako? Sana matanggap mo... Love..." Hinalikan ko ulit siya sa kanyang noo at lalabas na sana ako ng tumunog ang kanyang phone.

Carson's Series #2: Case Carson ✓Where stories live. Discover now