•18•

14.7K 253 101
                                    

KLARE

"Ate Klare! Ate Klare! Wake up, please..." Wala akong nagawa kung hindi bumangon  at buksan ng pinto ang kapatid ko.

"Karlo, inaantok pa si ate... Anong kailangan mo?" Habang hinihikab ako sabay taas ng aking mga kamay.

"Grandpa said bumaba ka na raw. Si Kuya Case ay nag-iigib na..."

"What? Nag-iigib?" Hasik ko sa kapatid ko.

Tumango ito sa akin at dinemostrate pa ang pag-iigib, "likes this oh..."

Oh gosh. Si Case mag-iigib. Wow! Isang himala naman yata.

"Are sure, Karlo? Na si Case niyon? Baka nagkakamali ka." Ulit kong tanong sa kapatid ko.

"Yes, ate. I saw him with my big eyes." Sabay pinalaki ang kanyang mga mata.

"Nag-iigib po siya sa may balon, ate..."

Balon? Halos nasa parteng dulo na iyon ng hacienda namin kung saan malapit sa garden namin.

"Ngayon lang ba siya nag-igib, Karlo?" Umiling ito sa akin.

"Kanina pa siya nag-iigib, ate. Mga ganito..." Sabay taas ng kanyang kamay.

Seryoso? Four in the morning?

Nandito pa ang mga Carson. Mukhang pinagtatawanan siya ng mga kapatid niya.

Buti nga sa kanya kung gano'n.

"Siya lang ba nag-iigib?" Umiling ulit ito sa akin.

"Hindi po ate. Saka si kuya Craig..."

"Bakit pati siya nag-iigib?" I asked.

Imbis na sagutin ako nagkibit-balikat lang si Karlo, "sige na, ate, maligo ka na raw sabi ni Grandpa at bumaba ka na. Babye!" Sabay waved nito sa akin.

Sinarado ko ang pinto at nagtataka pa rin. Bakit pati si Craig nag-iigib? May nangyari na ba sa kanila?

Napakamot na lang ako sa buhok ko at saka pumasok sa bathroom. Makaligo na nga lang.

After kong maligo, agad akong bumaba. Nakita kong abala ang mga kasambahay namin.

"Ma'am Klare, nasa dining hall na po silang lahat." Ani sa akin ng isang kasambahay namin. Tumango ako rito at nagpasalamat.

Nakita kong kumpleto kaming lahat maging si Kuya Sand na nasa Manila ay umuwi. Si kuya Bench lang ang wala sa amin.

"You may seat down, Klare..." Tumango ako kay Dad at umupo sa tabi niya.

Hindi ko alam kung ano na naman ang pag-uusapan. Parang kinabahan yata ako. Kapag kumpleto kami ibigsabihin may importanteng sasabihin si Grandpa sa aming lahat.

Pabilog ang lamesa na nandito sa dinning hall kasya para sa aming angkan. Nasa kabilang lamesa ang mga Carson.

Tumayo si Grandpa at humarap sa aming lahat, "Hindi lang pala si Klare ang pakay ng mga Carson dito..." Tumingin ito kila Tito, "pati si Fely ay pakay nila. Ang pang-apat nilang anak na si Craig Carson at ang apo kong si Fely ay may nangyari na rin sa kanilang dalawa..."

Parang ako lang ang nagulat sa narinig ko. So, alam ba nila? Bakit hindi malaman ni Grandpa ang kalokohan ng triplets and itong si Nadia na palihim na tumatawa.

Tumayo si Craig, "handa po akong panagutan ang apo niyo po, Sir. Hindi po kami aatras sa mga ipapagawa niyo sa amin."

So, kaya pala kasama siya sa nag-iigib.

"Kailangan nyo talagang panagutan ang mga apo ko, Young Carson's! Walang sinuman ang makakakuha sa mga apo ko na hindi pinapanagutan ng kung sino man." Nakakatakot ang boses ni Grandpa. Parang mangangain.

Carson's Series #2: Case Carson ✓Where stories live. Discover now