CHAPTER 9

576 13 0
                                    

Chapter 9


Let's have dinner tonight


"I'm sorry.."

Napatingala ako kay Shane ng magsalita siya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Hindi ko alam anung sasabihin ko. Bumubuka ang bibig ko pero walang lumalabas na salita.

"I.. I was just worried and.. and nadala lang ako sa galit. Wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko kanina," ani niya.

I just stared at him. I'm still trying to sink in everything he said. Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi niya. Naikwento na niya sa amin dati na ni-rape ang pinsan niya pero wala akong ideya kung sino ang taong gumawa nun sa pinsan niya.

Bigla akong natameme dahil sa naging reaksiyon ko kanina. Nahihiya akong tingnan siya sapagkat kung anu-anong iniisip ko kanina pero nag-aalala lang pala siya. Hindi ko naman alam na ganoong klaseng tao ang dinala ko dito sa loob.

"Please speak, dammit!!"

Napaigtad ako ng biglang lumakas ang boses niya. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.

"I... I just can't believe.. He seems to be a good p-person. Nung nag-usap k-kame, kampante naman a-ako. W-wala akong nasesense na may masamang balak siyang gawin. He even offered me something for business."

Totoo naman. Kaya kampante akong nakipag-usap sa kanya dahil bukod sa maamo niyang mukha ay maayos din siyang kausap. May sense of humor at mabait. Wala akong napapansing kakaiba sa kanya.

"Naniwala ka naman? Of coarse hindi niya yun ipapahalata. He'll act like a good sheep but surely have dark plans." He exclaimed.

I took a deep breath at sinalubong ang mga titig niya. Nakikita ko parin ang pag-aalala sa mga mata niya.

"I didn't know. I don't have idea na ganu'ng klaseng tao siya. A-and.. and.."

"Hush.. It's fine. As long as you're okay at wala siyang ginawa sayong masama."

Nagulat ako ng bigla niya akong kinabig at niyakap. Sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. He hugged me tightly pero hindi naman ako nasasaktan. Ramdam ko ang pag-iingat sa yakap niya.

My heart is beating so fast. Ganun din sa kanya. I can feel his heart's beating fast dahil katapat lang ng mukha ko ang puso niya.

"Sobra akong nag-aalala ng makita kong kausap mo siya kanina dito sa loob. Lalo na ng sumama kapa talaga sa kanya sa labas." He whispered. Naramdaman ko ang malakas niyang hininga sa aking tainga.

Hindi ko alam anong isasagot. Hinayaan ko nalang ang sarili sa loob ng mga bisig niya. Pinikit ko ang aking mga mata at dinamdam ang init ng mga yakap niya. His warm embrace calms my being. I smelled his manly scent. Unti-unti ko siyang niyakap pabalik.

Hindi ito ang unang beses na pinagtanggol niya ako. Maraming beses na niya itong ginawa sakin dati pero naiinis pa rin ako sa kanya kahit sabihin niyang nag-alala lang siya dahil inaasar niya pa rin ako pagkatapos, pagtatawanan o di kaya ay pagsisigawan na parang tatay ko. Kaya hindi ko ramdam ang pag-aalala niya dati.

Pero napapansin ko na iba ang kinikilos niya ngayon. Ramdam kong totoong nag-aalala talaga siya. I feel safe and secure sa mga yakap niya.

Napamulat ako ng mata when I felt him kissed my temple. Mas lalo lang naghuhuramentado ang tibok ng puso ko. This is new. I've never been feeling this way before. Ilang beses na niya akong niyayakap noon o hinahalikan sa noo pero normal lang ang nararamdaman ko. But now, here's this feeling that I can't explain. Well, siguro ay dahil hindi pa rin nawawala ang takot ko sa Franco na 'yon kanina kaya bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko.

Blindfold  (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon