Chapter 1: Strange

2.8K 33 0
                                    

Jennie's Point of View

"JENNIE, wake up!"

Tumalikod ako nang maramdamang may humawak sa pisngi ko. Kaunti na lang, makakatulog na uli ako nang maramdamang may humablot ng kumot ko.

Tamad na iminulat ko ang mga mata ko ngunit nagising ng diwa ko nang makita ang babaeng nakatayo sa harap ko. Walang emosyon ang kanyang mga mata at nakahalukipkip ang mga braso.

Shit! I fogort!

"Aish!" Naiinis na sabi niya.

"What are you doing here?" Halos takpan ko ng unan ang aking mukha para hindi niya makita ang itsura ko.

Damn it! I almost forgot! Narito pala kami sa condominium unit na binila niya para sa 'ming dalawa. Para hindi na namin kailangang magbiyahe nang matagal araw-araw dahil malapit lang ito sa pinapasukan naming school. 

"I'm here to wake you up." Tumalikod na siya sa 'kin. "Magbihis ka na at mag-almusal," wika niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Dali-dali akong lumapit sa salamin para tingnan ang itsura ko. Namula ang buong mukha ko sa kahihiyan nang makita ang itsura ko sa salamin. Mukha akong ginahasa ng kapre- Err!

Napanguso ako nang makita ang wall clock. Alas-sais pa lang ng umaga, at alas-otso pa ang pasok namin. Nakalimutan kong kasama ko pala sa iisang bubong ang Supremo at ang dating presidente.

Damn it! Mukhang araw-araw masisira ang tulog ko dahil may kasama akong tao na pinahahalagahan ang bawat segundo, Great! Dapat masanay na ako.

"Faster!" Sigaw niya sa labas na parang alam niyang hindi pa ako kumikilos.

Nag-inat-inat pa ako bago kumuha ng towel at pumasok sa banyo. Napapikit ako nang balutin ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Parang nawala lahat ng antok ko sa katawan dahil do'n.

It's our first day as college students and we're in the same school. Hotel and Restaurant Management ang kinuha kong course habang Business Management naman siya para matulungan si Seulgi sa pagma-manage ng kompanyang iniwan ng kanilang ama.

The president is richer than me!

Pagkatapos kong patuyuin ang buhok, lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Lisa na nakaupo sa sofa at nanonood ng cartoons. Nakabihis na rin siya ng uniform pero medyo basa pa ang buhok. Napatingin sa 'kin ang mapupungay niyang mga mata at saka ngumiti ang kanyang mapupulang mga labi.

"Maganda ka pa sa umaga."

Gusto kong sumimangot pero hindi ko kaya. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang agang pambungad naman niyon sa 'kin. Parang nawala ang inis ko dahil sa pambubulabog niya sa tulog ko.

Damn her smile!

"Breakfast na." Iginaya niya ako sa kusina.

Napapikit ako nang maamoy an gisang pamilyar na amoy na nagpakalam sa tyan ko. "Adobo?!" Masayang wika ko at agad na umupo.

Ipinaghain niya ako ng kanin at ulam.

Mabilis naman akong sumubo ng pagkain. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa 'kin pero hindi ako nagpatinag. Gutom ako at wala akong panahong mahiya.

"Hinay-hinay lang."

Tiningnan ko siya na nakaupo na sa isang upuan at mabagal na nginunguya ang pagkai. Nahiya naman ako sa kanya. Mas babae pa siyang kumilos sa 'kin.

Di rin nagtagal, natapos na kaming kumain. Bumalik kami sa sofa at nag-usap tungkol sa mga dapat at hindi ko dapat gawin.

Seriously? I am not a kid! In fact, I can give her a baby- Err!

Chasing YG | JenLisaWhere stories live. Discover now