Chapter 21: Letter

328 12 0
                                    

Lisa's Point of View

"What do you want?"

Ang malalim na mata ni Jeongyeon ay nakatingin sa akin. Wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Ibang klaseng babae. Paano niya nagagawang maging kalmado sa lahat ng oras?

Inilatag ko sa lamesa ang mga picture niya na kuha ng CCTV. Ito ang mga picture na nakalagay sa brown envelope.

Kitang-kita ang pagsakal ni Jeongyeon sa lalaking pinagbabantay ko kay Jennie hanggang sa mawalan ito ng hininga at dahil sobrang higpit nun ay medjo nawarak pa ang leeg ng lalaki.

"Hmm. I like there stolen shots." She commented.

Sinuri niya ang mga litrato habang nakangisi.

"Why?" I asked.

"What?" Medjo natawa ito bago sumandal sa upuan. "Aren't you going to thank me? I just saved your girlfriend." She flashed a playful smirk.

I knew it. May rason talaga kung bakit niya ginawa 'yon at alam kong sa ikakabuti 'yon.

"You asked for our help. Wish granted."

"Pero siya ang inutusan kong magbantay kay Jennie."

"Magbantay?" Medjo natawa ito sa sinabi ko. "O baka naman pumatay? Someone manipulated him. Kahit na hindi ko kilala ang nasa likod nito ay napansin ko 'yon. Pinag-aralan ko ang kilos niya and to my surprise, binalak niyang patayin si Jennie 'pag pumasok siya sa CR." Pagpapaliwanag nito.

Natahimik ako sa sinabi niya. Bumaliktad sa amin ang tauhan ko? Bakit? Sino ang nasa likod nito? Was it YG?

"To make it short. Inunahan ko siya, I killed him to save Jennie."

Binalot kami ng katahimikan matapos ang sinabi niya. Napakaraming bagay ang umiikot sa aking isipan at wala man lang akong maisip na matino. Ang labo.

"Hindi mo ba talaga kilal ang mga nasa likod ng ito?" May pang-aasar na tanong niya.

Sumeryoso ako ng mukha. "I have a lead. but— Malabo pa rin." Naguguluhan kong sagot.

"Malabo? Talaga? Baka naman ayaw mong tanggapin?"

"Ano bang sinasabi mo?" Medjo naiirita kong tanong.

She shrugged her shoulder at hindi na muling nagsalita. Bigla kong naisip si Jennie dahil baka uwian na nila kaya tumayo na ako. Baka naiirita na naman 'yon sa waiting shed.

"I have to go."

"Hunted by the past."

Hindi ko na ito pinansin at nagdiretso na lang ako palabas sa kanyang opisina na pinagtatrabauhan niya. Halos takbuhin ko na ang parking lot para habulin lang ang oras.

She must be tired of waiting.

Kailangan ko na sigurong sabihin lahat kay Jennie. Tama si Mr. Bambam, kailangan niyang malaman. Hindi ko malulutas ito ng mag-isa, I need her.

Pinaharurot ko ang saking sasakyan palabas ng parking lot. Napansin ko ang phone ko na nasa sahig na malamang ay nahulog ko kanina dahil sa pagmamadali.

Inabot ko ito at binuksan. Mabilis na kinain ako ng kaba ng makita ang two missed calls galing kina Jennie at Hanbin. Pero mas kumunot ang noo ko kay Hanbin.

Nakita ko rin ang isang voice mail galing kay Jennie. Nanginginig na play ko ito dahil connected sa speaker ang aking phone at dinig na dinig ko lahat.

Mabilis na napreno ko ang sasakyan.

"L-Lisa... Lisa. Natatakot ako. T-Tulingan mo ako. Lisa, please?"

Chasing YG | JenLisaWhere stories live. Discover now