Chapter 5: Phone

678 16 2
                                    

Jennie's Point of View

Mariin kong isinara ang labi ko nang maramdamang maduduwal ako. Sumandal akosa upuan para kahit papaano'y mawala ang pagkahilo na bumabalot sa ulo ko.

"Pumunta ka lang dito para uminom?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Nayeon na nakakunot ang kilay. "You could have done this at your condo. You are messing my apartment." Sermon nito habang pinagmasdan ang mga kalat ko.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Pakiramdam ko ay nakakatawa ang sarili ko. "I am really a mess. You don't have to remind me." Mapait kong tugon.

Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya bago sinulyapan ang labas ng bintana ng binabalot na ng kadiliman.

"Alam ba niyang narito ka?"

Umiling ako dahil tumakas lang ako. "Nayeon, muntik na naman siyang mapahamak dahil sa akin." Halos pumiyok ako habang tinatapon ang mga salitang 'yon.

Tanga ba talaga ako? Lapitin ng aksidente? Am I really a dangerous person? Nasa panganib ba lagi ang buhay niya kabapg kasama niya ako?

"Pinili niyang mapahamak para mailigtas ka. Wala kang kasalanan, Jen."

Natawa ako ng mapait. Alam ko naman 'yon pero hindi ko lang matanggap na maging siya ay muntik ng mapahamak. Alam ko naman na ganon talaga si Lisa. Alam kong kaya niyang gawin lahat para sa akin at ganon din naman ako.

Namulat ang mata ko nang maalalal ang ngisi ng lalaking 'yon. Hindi ko siya kilala at hindi ko man lang siya namukhaan dahil natatakpan ang mata niya ng sumbrero pero sa tuwing naalala ko ang ngisi niya... tumatayo lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Okay ka lang?" Tanong ni Nayeon nang mapansin na lumutang na naman anag isip ko. "May iba pa bang nangyari?" Alalang tanong nito.

Lumunok ako bago umiling. Nagsalin ako muli ng alak at nilagok ang laman no'n. Umawang ang bibig ko nang maramdaman ang pait.

"Bakit ang init naman dito?"

"JENNIE! Huwag ka ngang maghubad!" Pigil niyang nang makitang inaalis ko ang blouse ko. "Todo na ang aircon, lasing ka lang." Dugtong pa nito.

Tumawa ako. "Todo na ang aircon at nag-iinit pa talaga ako. Tanong ko lang, Nayeon. Am I that hot?" Tanong ko.

Wala na! Tinamaan na ako! Lasing na ako at hindi ko na makontrol ang mga katagang nilalabas ng bibig ko at kung saan ko nakukuha ang mga 'yon.

Tumayo ako at pinunit ang blouse ko.

"What the fuck?!" Bulalas ni Nayeon na hininaan ang aircon. "Magsuot ka nga ng damit! Baka magkasakit ka, naku lang! Ako ang malilintikan nito kay Lisa eh." Ngumuso ito.

Naramdaman ko naman na kahit papaano ay naginhawaan ako sa ginawa ko. Bale naka jeans na lang ako at bra. Inayos ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko bago muling nagsalin at bago ko pa 'yon maitutok sa bibig ko ay may mga kamay na agad na pumigil.

Ngumuso ako at pinagmasdan ang pag-agaw niya sa akin ng baso at ibinigay kay Nayeon na napakamot na lang sa ulo.

"Let's go home." Aya sa akin ni Lisa na hindi man lang makatingin sa akin.

Itong babaeng 'to? May kasalanan pa siya sa akin. Halos himatayin ako sa pagseduce sa kanya kanina ngunit wala man lang sa kanya.

"Lisa..."

"J-Jen, uuwi na kita."

Hinablot ko ang kamay kong nakahawak sa kanya at hinila ang batok niya. Inangkin ko ang labi niya na ginantihan niya.

Chasing YG | JenLisaWhere stories live. Discover now