CHAPTER FOUR

14 3 0
                                    

TRIS

"I'm Tris."
I said out of the blue, ang awkward kasi.
"Hello Tris, I'm Jake."
Then he smiled.

Nilahad niya ang kamay niya para makipag shake hands pero nagulat ako ng bigla niya akong hilain patayo.

"Hey! San tayo pupunta?"
I asked

"Tara na, san ka ba nakatira? Hatid na kita sa inyo"
sabi niya habang nire-ready ang motor niya.

"A-no, hindi na. Okay na'ko dito. O 'di kaya ihatid mo na lang ako sa highway kanina."
I gave my best convincing look para maniwala siya, pero kumalam ang tiyan ko.
Ugh. Bakit ngayon pa?

"I can handle na talaga, promise!"
I heard him sigh.

"Sakay na."



Ang buong akala ko'y dadalhin niya ulit ako sa highway kanina pero we end up in-front of an old 5 storey apartment.

"Anong gagawin natin dito?"
I asked but he didn't give me a response.
I rolled my eyes, basta na lang kasi siyang pumasok sa loob ng entrance ng walang pasabi.

Wala na akong ibang nagawa kundi sumunod.

Wait.
Why am I even following him?
Pa'no kung kidnap pala 'to?!
Baka ma-rape ako!

And with that thought, agad kong hinawakan ang dibdib ko.

"Huy para kang baliw diyan, pumasok ka na."
Pero hindi ako gumalaw.
He sighed before he left the door open.
Nanatili ako sa labas ng unit nila.
Pinagmasdan ko ang buong building, we're on the second floor at kada palapag ay may anim na unit.

It really looks old, parang napag lipasan na ng panahon.
Kahit yung mga dinaanan namin na hagdan ay rusty na ang railings, faded na din yung pintura sa mga unit.
Parang napabayaan na.

Napalingon ako sa unit nila Jake ng makaamoy ako ng familliar scent.

Sinangag.

Kumalam talaga ang tiyan ko ng maka amoy ng favorite breakfast ko kaya wala na akong choice kung hindi pumasok.

"Oh ano? Kala mo naman may gagawin akong masama sa'yo."

Rinig kong sabi ni Jake habang nakatalikod at naka apron.
Wait.
Naka apron?!
Cute.

Hindi ko na lang siya sinagot.
I roamed around their unit, maliit lang pero malinis.
Pansin ko rin ang mga gamit na pang babae.

"Baka magalit sa'kin yung girlfriend mo? Dinala mo'ko dito?"
Sabi ko habang hawak ang isang picture frame, may kasama siyang babae na familliar sa'kin.
Saan ko nga ba siya nakita?

"Hindi ko siya girlfriend."

"So ano mo siya? Don't tell me you're married? Or baka live in—

"She's my sister"
He cut me off.
Edi okay, sister naman pala e.

Ano naman sa'yo kung kapatid niya?
Duh.

"OMG!!"
Napatili ako ng makita ang bagay na nakapukaw sa atensyon ko.
Is this even real???
As in FOR REAL?

"Bakit? Ano 'yon?!"
Nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko, may dalang sandok.

"S-sorry, na excite lang ako sa nakita ko. Sa'yo 'to?"
Tanong ko habang tinuro yung Limasawa Street Album.

"Ah. Hindi, sa kapatid ko."

"Grabe! Nahirapan kaya ako makahanap nito! Tapos nung naka bili ako, hindi ko napa-pirmahan!" I'm about to touch it pero pinigilan niya ako.

"'Wag mo galawin."

Okay?

"Tara na, kain na." Dumiretso na siya sa dining table kaya sumunod na rin ako, pero hindi ko talaga matanggal ang tingin ko sa album.

"Same pala kami ng taste sa music ng kapatid mo, 'san siya ngayon?" Sabi ko habang kumakain.

"Tapusin mo na 'yung kinakain mo."
Ang cold ha, parang kanina lang may pangiti-ngiti ka pa.

Why? Did I say something wrong?

Ride Home Where stories live. Discover now