CHAPTER FIVE

11 4 0
                                    

TRIS

After namin kumain ay pinagbihis niya ako, I wore his shirt since maliit ang sa kapatid niya.
Pagkatapos ay ay nakasakay na naman kami sa motor.

Papunta sa ospital.

Papunta sa ospital?!

Hobby ko na ba talaga ang pag uulit ng sinasabi ko kapag na realize ko na yung ibig sabihin n'on? Ugh.

Nang maiparada niya ang motor niya sa parking space ng hospital ay agad akong bumaba at tumalikod paalis pero napahinto ako.

"Jake?!"
Sigaw ko pero nakatalikod pa rin siya at may kung ano anong binubutingting sa motor niya.

"Thank you!"




It's been six hours since tumakas ako, siguro ay hindi pa naman napapnsin ni Mike ang pagkawala ko. Kung napansin niya man ay sigurado akong kani-kanina lang.

"Yes tito, hindi ko din po alam. Mag da-dalawang oras ko na po siyang hinahanap."

That's the words I heard from Mike ng matapat ako sa room ko.
Pabalik-balik siya sa loob ng kuwarto habang minamasahe ang sentido niya.

Gosh.

I'm really sorry for causing you trouble.

Nang makita kong papunta siya sa direksyon ng pinto ay agad akong nag tago at hinintay na makalabas siya.
I silently sneak to the room, agad kong kinuha ang pouch at phone ko.

"Excuse me, miss?"
I froze.
Akala ko ba aalis siya?!
Napapikit ako ng madiin.

"A-ano, sorry maling room yung pinasok ko."
Sabi ko habang hindi pa humaharap sa gawi niya, pilit kong pinalaki ang boses ko para hindi niya mahalata.

I heard him sigh, I must think a way to get out of this room.
But how?
Aish.

"Patrice, I know it's you."
He coldly said, after that I heard footsteps.
In a blink of an eye, he's in front of me.

"Mike..."
I said while looking at the floor.
Gosh, ano bang dapat excuse ang sabihin ko?
Pumasyal lang ako saglit sa Manila bay?
Na nakisakay lang ako sa motor ng iba saglit tapos nakikain sa ibang bahay—

"It's fine."
Bigla siyang nagsalita kaya natuon ulit ang tingin ko sa kaniya.
Kumunot ang noo ko, fine?
Anong fine?

"You can go."
Napaamang ako, hindi ko alam ang sasabihin.

"'Wag ka mag papahanap kay Tito, Patrice."
He cupped my face and smiled.
I hugged him.

"Thank you."
Papalabas na sana ako ng kwarto ng bigla niya ulit akong tawagin kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Patrice, I love you."

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na.


Malawak ang ngiti ko ng mapadpad ako sa cafeteria ng hospital, dito ako dinala ng mga paa ko dahil sa uhaw.

Pagkatapos kong pumila sa counter para bumili ng bottled drinks ay nag salpak ako ng earphone, di ko namalayan na masyado na pala akong nag eenjoy sa pakikinig ng music kaya naman nasagi ko ang kaka alis lang sa lane.

"Shemay, sorry!"

"Hala sorry po!"

Sabay naming sabi habang pinupulot ang mga binili ng nakabangga ko.
Pag angat ko ng tingin sa mukha ng babae ay napangiti ako.

"It's you."
Dahil sasinabi ko ay nag angat din siya ng tingin sa'kin at rumehistro ang ngiti sa mukha niya.
"Ate, ikaw ba 'yan?"

"I knew it, it's really you."
"Hala, ikaw nga po."

Sabay naming sabi.

Pag katapos ko siyang tulungan ay sabay kaming lumabas sa cafeteria.

"Grabe, kumusta ka naman?"
I asked.
Her angelic face never failed to amaze me.

"Eto po, sinugod na naman."
Sa sinabi niyang 'yon ay noon ko lang din napansin na naka hospital gown pala siya.

Nakita ko kung paano lumungkot ang mata niya.
I felt sad for her.

"Talaga? Same talaga tayo. Kakadischarge ko lang din actually."
I lied, kailan ka pa nadischarge Patrice?!

"Teka, bat ka pala nandito?
Nasan yung kasama mo?
Buti pinayagan ka lumabas?"
Sunod-sunod na tanong ko.

"Sama ka po sa kwarto ko ate, iniintay ko po yung kuya ko."

"Sino ba yang kuya mo? Sa tuwing makakasama kita ay laging wala ang kuya mo."

Reklamo ko sa kaniya, habang nag lalakad kami ay napatitig ako sa mukha niya.

It's been two years mula noong makasama ko ang batang 'to sa infirmary ng isang event.

Kalagitnaan ng concert when I got sick at sinugod ako sa medic, that's where I met her.

Pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa amin ang pigura ng lalaking nakatalikod.

"San ka galing?"

Wait.

That voice...

Ride Home Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora