CHAPTER EIGHT

9 4 0
                                    

TRIS

"Good morning guys! Bangon na kayo! Maaga pa tayoooo!"
Bungad ko sa magkapatid habang nag hahanda sa lamesa.
It's been two days since I got the phone call from Mike.

"Si Ate naman, ang aga-aga ang ingay."

"Hoy Janinay! Baka gusto mong 'wag kita ilibre ng concert ticket diyan mamaya?"
Pagtataray ko sa kaniya.

"Anong meron ngayon Tris? Ang hyper mo."
Puna sa'kin ni Mike, my knees began to tremble.

"Huy, okay ka lang ba?"
He asked, I just gave him an assuring smile.

"Concert kasi ng Ben&Ben, excited na ako! Kaya kayong dalawa bilisan niyo kumilos kasi may dadaanan muna tayo."



"SHOOT!"
Sabay kaming nag apir ni Jane ng mashoot ni Jake ang pangatlong bola.

"Oh ano? Happy na?"
Napasimangot naman ako sa pagka-sarcastic ni Jake, hindi naman daw kasi siya nag lalaro ng mga laro sa amusement park pero pinilit namin siya.

"Sungit mo ngayon kuya, i-enjoy mo na lang kaya?"

"Oo nga! Seize the moment!"
Segunda ko kay Jane.

Seize the moment.
Napakagat ako sa labi dahil sa naisip ko.

"Grabeeee, ngayon lang ako nakapunta dito ate Tris!
Punta ulit tayo dito ha?"
Jane saved me from diving in the ocean of my thoughts.

Nakita ko 'yong excitement sa mata ni Jane habang nag lilibot kami sa amusement park, napangiti naman ako.

Next time. Sana nga.





JAKE

Halos dalawang oras din kaming naglaro sa amusement park bago nag pasiyang kumain.

"Ate, try natin next time yung ibang rides ha?"
Sadness quickly flashed at Tris' eyes before nodding.
Hindi ko alam pero she seems weird, these past few days.

"Ako na kukuha ng order natin."
Agad siyang tumayo bago pa ako maka angal.
Hindi talaga ako kumportable na iba ang kinikilos niya, tatlong buwan na namin siyang kasama ni Jane sa bahay at alam kong iba ang kinikilos niya.

"Jane talking to Earth!!!"
Napakurap ako dahil sa sigaw na 'yon ni Jane.

"Ano ka ba kuya? In love na in love ang peg?"

I just shrugged, hindi ko makuhang sakyan si Jane ngayon dahil binabagabag pa rin ako ni Tris.

"Sundan mo na kuya."
Pagkasabi ng kapatid ko non ay may kung anong humatak sa mga paa ko para sundan si Tris.

Nakita kong napahinto siya sa paglalakad.

"Tris."
Halatang nagulat pa siya noong sumunod ako.

"Okay ka lang di ba?"
What kind of question is that Jake?!

"Y-yes, oo, oo naman! Tara na? Dalhin ko na 'to doon ha?"
She said leaving me dumbfounded.




"SABING SANDALIIIII,
'WAG MAG MADALIIIIIIII!
TEKA LANG,
TEKA LANG,
TEKA LANG MUNAAA!"

Sa lahat ng mga taong nakapaligid sa amin ay nangingibabaw ang boses ng dalawa kong kasama.
Natatawa kong itinapat ang video cam sa kanila.

"Tahan, pwede ko bang malaman? Laman ng iyong isipan."
I sang along with the band performing on the stage while looking at Tris.

Sana lang ay alam ko talaga kung ano ang mga nasa isip niya sa mga oras na 'to.

Whatever's bothering her now seemed to be complicated, it brings back the old Tris.
Yung dating Tris na nakita ko sa gilid ng kalsada, 'yong dating Tris na dalawang beses na nag breakdown sa Manila Bay.

Lumipas ang oras hanggang sa huling performance na ng banda ay nasa kaniya lang ang paningin ko, parang may nagsasabi sa'kin na titigan ko lang siya.

Bakit ba ako natatakot ng ganito?

"Kami, ang Ben&Ben at kayo ang aming Liwanag!"
Rinig kong sabi sa stage pero mas nagulat ako ng tumingin sa akin si Tris, ngumiti.

It gives me unfamiliar sensation in my system.
Parang huminto ang oras sa pagitan naming dalawa.

"They'll lead me back to you, I'll keep coming back to you." 
I froze noong bigla siyang lumapit at ibinulong iyong iniba niyang lyrics sa tainga ko.

Why? Why it seems like this is the last time Tris?



"Masaya ba?"

"Grabe ate! Buti na lang di ako inatake ng hika ko! Hahaha!"

Pauwi na kami at Nasa likod lang ako nilang dalawa, iniisip pa rin kung ano ang ibig sabihin ni Tris kanina.

"Tris."
I called her, pero noong lumingon siya ay kinabahan ako sa nakita ko.
Kahit si Jane ay halatang naalarma.

"Sht"
She Cursed after seeing the blood coming out of her nostrils.

In an instance, she lost her consciousness.





"Sino ang relatives ng pasiyente?"
Tanong ng doctor sa harap ko.

"K-kami po. Kasama niya po kami sa bahay."
Si Jane ang sumagot.

"How are you related to the patient?
Cousins? Brother? Sister? Boyfriend?"

Wala kaming masagot ni Jane, napayuko ako.

Kaano-ano nga ba kami ni Tris?

Ano nga ba kami ni Tris?

"Excuse me, I'm asking here. Sino ang relatives sa inyo ng pasiyente—

"Ako po."
Napa angat ang tingin ko sa isang hindi pamilyar na lalaki.
He's wearing a formal attire.

"Kaaano-ano ka ni Ms. Reyes?"

"I'm Mike Alonzo, her fiancé."
Nagulat ako sa sinabi niya,
I've felt a multiple stabs at my chest.

Ride Home Where stories live. Discover now