Chapter 5

1.5K 125 14
                                    

Bless's POV

Agad siyang napabangon sa sama ng panaginip niya. Hindi, hindi iyon panaginip. Totoong pinagdaanan niya iyon.

Nanginginig ang kamay na napasabunot siya sarili at napaiyak. Bat ba ito ang naging kapalaran niya? Hindi naman siya masamang tao, pero bat naging ganito?

"Ok ka lang?"

Agad na napamulat siya at napasinghap ng makita si Matthew na nasa may pintuan.

"Kumukuha ako ng tubig when I hear some movements here so I came to check on you." Sabi nito at itinaas pa ang baso ng tubig na hawak.

Nasa bahay na siya nito at ito ang unang araw niya doon.

"Gusto mo bang pumasok ako at pag usapan natin ang napanaginipan mo?" Tanong nito at tigas siyang umiling.

Kahit na sa halos isang buwan niyang nakikita at nakakasama ang lalaki ay hindi parin niya ito lubos na dapat pagkatiwalaan.

People can be deceiving.

Bumuntong hininga ito bago humakbang papasok sa kwartong inuukupa niya kaya agad na naramdaman niya ang pagpapanic ng katawan niya.

"Hey it's ok. Ilalapag ko lang ang baso dito. Sayo nalang dahil mukhang mas kailangan mo." Sabi nito bago ito tumalikod agad pagkalapag ng baso sa may side table ng kama niya.

Matthew stand again on the doorway at tinitigan siya.  "Drink the water please. It will make you feel better. I will leave now and lock the door so no one can enter here ok?" Sabi nito at hindi na siya hinintay na sumagot. Well di naman siya nakakasagot dahil wala paring boses ang lumalabas sa bibig niya.

Ng maisara ang pinto ay agad siyang kumilos at ininom ang tubig na bigay nito. Her body movements is finally come back in full recovery. Boses nalang talaga niya ang kailangan.

Pagkatapos maubos ang baso ng tubig ay umupo siya sa gitna ng kama bago niyakap ang tuhod. Then those memories came back again.

And in that moment she cried her life that got wasted. Hindi niya alam kung maibabalik paba siya sa dati pero napaka imposible nun.

Tila siya baliw na napahawak sa tenga para takpan iyon para di niya madinig ang tawanan ng dalawang lalaking kumidnap sa kanya at bumaboy sa katawan niya.

Mga tawang pang demonyo habang pinaglalaruan ang katawan niya, mga tawang aliw na aliw pag sumisigaw siya sa sakit pag pinapatay ng mga ito ang sindi ng sigarilyo sa mga palad niya.

Tama na, tama na. Sigaw ng isip niya habang umiiyak siya sa ibabaw ng kama at nakapikit.

She was so in of the scenario in her mind na hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto nang kwarto niya at ang pagmamadaling pagpasok ng lalaki at lapit sa kanya.

"Hey it's ok, its ok". The voice said bago niya naramdaman ang pagyakap nito sa kanya. "I'm here now, calm down. No one will ever hurt you again."

Nanginginig siya sa halo halong emosyon na nararamdaman. But hearing him say those words  habang masuyo nitong hinahaplos ang likuran niya ay dahan dahang kumalma ang pagkatao niya.

"Calm down, thats right. I won't hurt you. I promise." Bulong nito at sa di maipaliwanag na dahilan ay gustong maniwala  nang puso niya.

Her hand moves and response to his hug bago siya nagsalita na ikinagulat nila pareho.

"P-pr-romise?"

—————————-####—————————
Ok this is next hahahaha

Gabriel143

Broken SoulWhere stories live. Discover now