Chapter 19

1.5K 142 28
                                    

Bless's POV

Dahan dahan niyang ibinuka ang mga mata at mapakunot noo ng makita ang mukha ni Matthew na himbing na himbing na natutulog katabi niya.

She sits on the bed and look around only to see that she's in Matthew's bedroom. Then she remembered all the talk they did and her confession.

Agad siyang namula sa naisip. Did she really said I love you to matthew?

Bago paman sumagot ang utak niya ay may mga braso nang yumakap sa bewang niya.

"Good evening." Paos ang boses na anas nito bago isiniksik ang ulo sa may bewang niya. "Mom wants to meet you." Sabi nito kaya napabuntong hininga siya.

May usapan nga pala silang magpapanggap siya bilang asawa nito.

"Kinakabahan ako." Di niya mapigil na sabihin.

Matthew sat up and look at her. "Don't be, di naman kita pababayaan."

When she look at him ay tila siya namagneto sa pagtitig dito. Gusto niyang sabihin dito na kalimutan ang sinabi niyang mahal niya ito, pero nahihiya siyang magbukas ng salita lalo na sa nararamdaman nila.

Yes she love Matthew, sino ba ang hindi mahuhulog dito? Pero hindi siya umaasa. He deserve someone na kalevel nito. Yung may malinis na pagkatao at di gaya niya.

At alam niya sa sarili na hindi siya yun, at kahit nakakapanghinayang eh tanggap niya yun.

Matthew got up then grab a box on the bed side table, and when he open it infront of her ay napaawang nalang siya. May laman iyong tatlong singsing. An engagement and wedding rings.

Kinuha nito ang dalawa dun bago hinawakan ang kaliwang kamay niya. "This is me saying that you are mine Bless. Wear this as a sign of our marriage, I want you to flaunt it to let everyone know that I owned you." Sabi nito.

"Matthew."

"Even if it just pretending, i will treat you as a wife. I will still be your protector and safety. This is my promise rings to you Bless. A promise that no one, as long as I'm alive will ever hurt you."

Napanguso siya bago nangilid ang mga luha. Bat ito ganito magsalita, idagdag pa ang mga mata nitong may masuyong tingin sa kanya. Ang puso niya, dear god paano ba hindi mahalin ang lalaking to?

"Your turn baby." Sabi nito kaya kinuha niya ang singsing.

Tumingin siya sa mga mata ni Mathhew bago napayuko at abot ng kamay nito. Halos di magkamayaw ang puso niya sa kaba dahil ramdam niya ang mga titig nitong tila binabantayan siya.

"Thank you." She said bago isinuot ang singsing dito. Matthew wpull his  hand ng hawakan niya yun ng mahigpit. "Thank you for being you Matthew. Hindi ko man palaging sinasabi, pero salamat sa bagong simula na binigay mo. This new life happens because of you. Kaya asahan mong lagi akong andito para sayo." Sabi niya.

Tinitigan siya nito bago huminga ng malalim. Akala niya ay baba na ito sa kama pero ganun nalang ang gulat niya ng humiga ito at hinila siya pahiga kaya napaunan siya sa may dibdib nito.

"Dinig mo ba?" Tanong nito.

"Ang alin?"

"Ang lakas ng tibok nang puso ko?" Mahina nitong tanong kaya napaangat siya dito ng tingin.

"Matt—."

"Ikaw ang dahilan niyan." Sabi nito kaya napakagat labi siya.

Gusto niyang mag isip, pero ayaw niyang umasa kaya ngumiti nalang siya.

"Matthew." She said bago sumandal ulit sa dibdib nito.

"Hmm?" Sagot nito bago sinimulang haplusin ang buhok niya.

"Hanggang kailan ako mananatili sa bahay at buhay mo?" She asked all of a sudden na ikinatigil nito.

"Why did you asked that all of a sudden?"

"Para makapag handa ako..."

"Hindi ka aalis sa buhay ko Bless." Putol nito sa kanya.

He rolled over at siya na ang nasa ilalim habang nakapatong ito sa kanya. Di naman mabigat dahil naka aalalay ang mga kamay nito sa katawan.

"Dito ka lang sa akin hanggang sa huli."

Napakagat labi siya dahil ramdam niya ang pamumula ng itsura. Matthew look at her bago sa gulat niya ay pumikit at tila nanghihina na bumalik ng higa sa tabi niya. Then he moved and lay sideways and placed his face on her neck.

"Wag mong kagatin ang labi mo baby, natetempt ako." Sabi nito kaya napamaang siya. "Tsk sana may pari para sabihan akong you may kiss the bride na." Mahina nitong sabi na tila kausap ang sarili.

Gusto niyang matawa, Biglang ang saya ng puso niya.

"You may now kiss the bride." Sabi niya at agad na umangat ang ulo nito at tiningnan siya. "Diba ang kasal laging may ganun?" She asked bago inangat ang kamay na may mga singsing. "Kasal na tayo, kahit kunwarian lang pero kasal na tayo."

Kita niya ang paglunok nito bago napatingin sa labi niya kaya di niya maiwasang basain iyon na nagpakunot ng noo nito.

"Damn." He said bago bumalik ang tingin sa mga mata niya.

"Gusto kitang halikan baby." Deretso nitong sabi. "Pero ayaw kong maka trigger ng masamang ala ala sa nangyari sayo."

"Di ako pipikit." Sabi niya at natigilan ito. "Habang hina halikan mo ako di ako pipikit para ikaw ang nakikita ko."

"Bless."

"Gusto din kitang halikan matthew." She said.

"Sigurado ka?"

"Ays wag na nga lang..ang tagal." Sabi niya at halos mapahalakhak siya ng bigla itong pumatong ulit sa kanya. "Joke la—-."

Agad naputol ang sasabihin niya ng sinakop ng labi nito ang labi niya.

Matthew

—————————-####————————-
Gabriel143

Broken SoulWhere stories live. Discover now