Chapter 13

1.5K 132 14
                                    

Bless's POV

"Namimiss mo ba sila?"

Napatingin siya kay Matthew dahil sa tanong nito. Nasa balkonahe sila ng kwarto nito.

Oo, kwarto nito. Inimbita siya nitong mag stargazing. At first time niyang tumingin sa labas ng bahay nito pagkatapos ng matagal na pananatili niya sa loob ng bahay.

"Sino?"

"Magulang mo." Sabi nito kaya napabuntong hininga siya at tumingin sa langit.

"Oo." She sighed again and look at the brightest star. "Araw araw mula ng mamatay sila. Sundalo ang papa ko, tas si mama normal na may bahay lang. Nag iisa lang akong anak at kinse anyos palang ako ng sabay silang kinuha sakin."

Ngumiti siya ng mapait bago nagpatuloy. "Nasa mindanao nun si papa, doon nakadistino. Tas si mama naman ay bumibisita lang ng ilang araw. Pero inambush sina papa at kasama ang ilang sundalo ay namatay ang mga magulang ko. At mula nun mag isa nalang ako."

"At dahil kinse palang eh kinupkop ako ng dswd. At nung nag disi otso eh namuhay na akong mag isa, hanggang ngayon."

Matthew look at her bago ito tumango. At di siya makapaniwala na napakadali sa kanyang sabihin ang buhay niya dito. Matthew is her security blanket. Buong puso niyang tanggap yun.

"Do you want me to sing you a song?" Biglang tanong nito kaya ngumiti siya at tumango.

Ilang ulit naba siya nitong kinantahan para makatulog lang? He got beautiful voice at sino siya para tanggihan ang ganito?

Kinuha nito ang gitara at umayos ng upo sa harap niya. Nasa lapag silang dalawa at may inuupuan na makapal na kumot na nakalatag sa sahig. May mga pagkain din sila kaya para silang nagpipicnic.

Unang bitaw palang ng kanta ay di na magkamayaw ang puso niya lalo na at wagas ang pagtitig nito sa kanya. Gusto man niyang umiwas ng tingin ay di niya magawa, dahil tila may magnet ang mga mata nito at hinihila siya para titigan ito ngayon.

🎶 The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath
Emeralds from mountains and thrust towards the sky
Never revealing their depth
Tell me that we belong together
Dress it up with the trappings of love
I'll be captivated, I'll hang from your lips
Instead of the gallows of heartache that hang from above

I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life🎶

Agad nangilid ang luha niya dahil sa chorus ng kanta. It seems like a promise from Matthew. After all the things that happened to her, ito lang ang bukod tanging constant sa lahat.

Utang niya ang buhay niya dito, at ngayon habang nakatitig sa mukha nitong may masuyong tingin sa mga mata, isa lang ang na realize niya.

🎶 I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life🎶

Yun ay ang kaalaman na Nahuhulog na siya.

Nahuhulog na siya sa taong nagbigay ng bagong tsansa sa buhay niya. Sa taong kinupkop siya kahit di kilala. At sa taong naging lakas niya.

Nahuhulog na siya kay Matthew, at alam niyang wala ng takas ang puso niyang ang lakas ng tibok habang nakatitig dito.

—————————####—————————
Gabriel143

Broken SoulWhere stories live. Discover now