EMAIL

603 16 0
                                    


To Ms. Yessa Lee

This is CG Entertainment, we are happy to announce that you are chosen as the supporting actress. We hope that you can come to our office for further briefing and signing of the contract. We are looking forward working with you.

CG ENTERTAINMENT

Nabasa kaagad ni Yessa ang email sa kaniya ng CG Entertainment pagka gising niya. Hindi niya alam kung malulungkot ba siya o matutuwa.

May parteng nalulungkot siya dahil hindi niya nakuha ang lead role pero may parte ding masaya siya dahil kahit papaano ay nakapasok pa din siya. Tumayo siya para maghilamos at mag toothbrush.

Pagkatapos niya ay dumiretso siya sa dining area nila para mag almusal. Naabutan niya ang kaniyang magulang at si Jimin na kumakain.

"Baby, kain ka na.." aya ng ama ni Yessa.

"Daaaaady, sabi ng wag ng baby eh." sabi ni Yessa sabay yakap sa likod ng kanyang ama.

"Baby pa naman kita ehh.."

"Baby damulag.." sabat ni Jimin sabay ngiti.

"Oppa! Ang sama moo!" reklamo ni Yessa sabay upo ni Yessa at nagsimulang kumain.

Napansin ng ina ni Yessa na hindi ito mangiti.

"May problema ba anak?" tanong ng kaniyang ina sabay lagay ng ham sa pinggan ni Yessa.

"Hindi ko po nakuha 'yung lead role." sagot nito habang nakatingin sa kinakain.

"Okay lang 'yan.. Nagsisimula ka pa lang naman." sagot ng kaniyang ina.

"Supporting role lang po nakuha ko."

"Aba! Ang galing naman ng baby ko!" sabi ng ama ni Yessa sabay tingin ng masaya sakanya.

Malungkot pa din ang mukha ni Yessa dahil pakiramdam niya ay pinapalakas lang nila ang kaniyang loob.

"Anak, to tell you the truth.. Maswerte ka na." Sabi ng ina ni Yessa sabay hawak sa kaniyang kamay.

Lumingon naman si Yessa.

"Bakit naman po?"

"Naka ilang audition ako before bago ako nakakuha ng role noon. Take note, 2 scenes lang amg meron ako noon.." paliwanag nito sabagay ngiti kay Yessa.

"Talaga po?" nanlaki ang mata ni Yessa dahil hindi siya makapaniwala.

"Oo anak, totoo sinasabi ni Mamsy mo. Kaya wag kang panghinaan ng loob.." sabi naman ng ama ni Yessa.

"Support lang kami sayo." dagdag pa ni Jimin sabay kindat sa kapatid.

Biglang tumunog ang cellphone ni Yessa. Binuksan niya iyon.

09********

Goodmorning. This is from the office of CG Entertainment, please come here tomorrow 9am. We would like to discuss your role. Thank you.

"Who is that sis?" tanong ni Jimin.

"Sa CG, pinapapunta ako sa office bukas.." sagot ni Yessa.

"Be ahead of time na binigay sayo para matuwa sila sayo, tatawagan ko na din si Jhope." sabi ng ina ni Yessa.

"Bakit po mamsy?"

"Siya magiging manager mo remember?"

"Bakit sya mamsy? He is so young, tiwala ka agad?" tankng ni Jimin sabay inom ng tubig.

"Why not? Let's see what he can do." sagot ng ina nila Yessa.

"Sure mamsy, no problem." sagot ni Yessa.

EUPHORIA: You Are The CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon