Close To You

335 12 0
                                    

6PM

Sinundo ni Jungkook si Yessa at nagpunta sa isang restaurant. Medyo hindi matao ang restaurant at alam ni Jungkook na safe na magpunta doon. Nagbalot si Jungkook para hindi siya masyadong makilala ng mga tao.

 Nagbalot si Jungkook para hindi siya masyadong makilala ng mga tao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makarating sila sa restaurant ay naupo na sila. Nag order kaagad sila ni Yessa at hinintay na lang maserve ang pagkain.

"Uhm, may nakakaalam ba na magkikita tayo?" tanong ni Jungkook kay Yessa.

"My family and si Nayeon lang." sagot ni Yessa.

"Can we trust her?" tanong ni Jungkook.

"Si Nayeon? Yes, of course. She is my bestfriend." nakangiting sagot ni Yessa.

"Good."

Hindi nila alam ay may nakasunod nanaman sa kanila para makuhanan ng pictures.

"Sorry nga pala. Alam ko-"

"No, ako dapat mag sorry. But I think wala din naman tayong kasalanan dahil wala naman tayong ginagawang masama.." sabi ni Jungkook.

"Kung hindi ako sumama-"

"No, no. Okay lang yun, and its okay for me na makasama ka." nakangiting sabi ni Jungkook.

Namula si Yessa sa sinabi ni Jungkook.

"Bakit mo nga pala ako inaya mag dinner?" tanong ni Yessa.

"Because I want to see you. Ewan ko, kahit alam ko na I will cause trouble nanaman I just cant help it. Gusto kitang makita.." seryosong sabi ni Jungkook.

"Oppa.."

"Dont call me that way. Jungkook lang."

Tumango lang si Yessa dahil hindi niya malaman ang kanyang sasabihin.

"About sa sinabi ko sayo nung hinatid kita, thats true. Alam kong kelan lang tayo nagkakilala pero I can't get you out of my mind."

Nabibigla si Yessa sa sinasabi ni Jungkook, kinikilig siya sa kanyang kalooban. Alam din niya sa kanyang sarili na gusto niya si Jungkook.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Yessa kay Jungkook.

"Here's your order po."

Dumating bigla ang order nila kaya hindi na nakasagot si Jungkook. Nag alis ng mask at hood si Jungkook.

"Let's eat." sabi ni Jungkook.

Nagsimula na silang kumain. Habang kumakain ay nagkuwentuhan lang sila ng tungkol sa kanilang mga sarili.

Nalaman ni Yessa na pangarap talaga ni Jungkook na maging isang sikat na singer. Naipangako din niya ito sa kaniyang mga magulang na magiging matagumpay siyang singer.

Marami silang nalaman sa isat isa at na enjoy nila ang oras na magkasama sila. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na ni Jungkook si Yessa.

Pagdating sa bahay nila Yessa, bumaba si Jungkook at pinagbuksan ng pinto si Yessa.

EUPHORIA: You Are The CauseWhere stories live. Discover now