Crush On You

441 20 0
                                    

"Pansin ko kanina ka pa tinitignan ni Jungkook ah?" sabi ni Nayeon kay Yessa.

"Ha? Hindi ah. Baka naman namamalikmata ka lang." sabi ni Yessa sabay inom ng Soju.

"Of course not. Nakikita ko kaya.."

"Madami na tayong naiinom and for sure baka nahihilo ka na kaya kung anu ano nakikita mo.."

"Aish, hindi nga!"

"So, di pa din ba nagtatapat sayo si Kuya?" tanong ni Yessa kay Nayeon sabay ngiti.

"Chingu, pwede ba. Wala naman kasing gusto sakin si Jimin."

"Sure akong meron.." sabi ni Yessa sabay kindat kay Nayeon.

Maya maya pa ay nagpaalam si Yessa kay Nayeon na mag ccr. Lumabas agad si Yessa. Napansin naman ni Jungkook na lumabas si Yessa at medyo di na ito tuwid maglakad kaya sinundan niya ito.

"Saan kaya to pupunta? Mag ccr?" takang tanong ni Jungkook sa sarili.

Lumapit naman si Nayeon kay Jimin na kausap ang iba nilang kasama.

"Jiminssi, cr lang din ako."

"Sige." sagot ni Jimin sabay ngiti.

Lumabas na din si Nayeon para mag cr.

Sinundan ni Jungkook si Yessa, nagtataka siya dahil may cr naman sa loob ng room nila.

"Lasing na siguro 'to.." bulong ni Jungkook sa sarili.

Maya maya pa ay nakita na niyang medyo gumegewang si Yessa sa paglalakad kaya minadali niyang malapit dito. Pagkalapit niya ay muntik na itong matumba.

"Hey hey.."

Nasalo agad ni Jungkook si Yessa.

"You okay?" tanong ni Jungkook kay Yessa.

"Hehe oo.." sagot ni Yessa sabay ayos sa pagkakatayo.

"Saan ka ba papunta?"

"Mag ccr!" sagot ni Yessa sabay turo sa kung saang direksyon.

"Hindi mo na nga alam kung saan ka magpupunta eh. Come on, may comfort room sa loob natin."

Biglang ngumiti si Yessa kay Jungkook. Halatang tinamaan na si Yessa ng iniinom nila.

"Oo nga pala hehe.." sagot ni Yessa habang pungay na pungay ang mata sa pagkaka ngiti.

Nangiti si Jungkook sa itsura ni Yessa.

"I really like how you smile.." seryosong sabi ni Jungkook.

"Ako din. Ang cute mo kaya!" biglang sabi ni Yessa. Hindi na niya mapigilan ang mga sinasabi niya dahil sa kalasingan.

"Really?" nakangiting tanong ni Jungkook.

"Naiihi na ako Oppa.."

"Lets go back."

Inalalayan na lang ni Jungkook si Yessa sa paglalakad hanggang sa makabalik sila. Hindi nila alam ay may kumukuha pa din ng litrato sa kanila.

Pagkapasok ng room ay dumiretso agad si Yessa sa cr. Naupo naman si Jungkook sa tabi ni Jimin.

"Yessa is drunk." sabi ni Jungkook kay Jimin.

"Okay lang yan, kaya niya yan. Kilala ko yan.."

Napalingon naman sila sa pumasok.

"Nakalimutan ko, may cr nga pala dito. Si Yessa?" tanong ni Nayeon pagpasok.

"Shes inside the comfort room.." sagot ni Jungkool sakanya.

EUPHORIA: You Are The CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon