Chapter 3

0 0 0
                                    

♧♧Flynn's POV♧♧

Paglabas ko galing restroom ay nakita ko si Nyx na parang hinihintay ako.

"Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ang tagal mo. Hindi mo tuloy ako nakita na naglaro."
Maktol niya na parang nagtatampo.

"Haha. Tinawag ako ng likas na yaman eh." Sabi ko  habang lumalapit sa kanya.

"Ang galing mo dun kanina ah." Puna niya.

"Talaga?"

"Oo. Lalo na nung naputol yung tali sa buhok mo. Para kang Master of Volleyball."

"Weh? Di nga?"

"Oo! Volleyball player ka ba dati?"

"Hindi eh. Ang gagaling kasi nung mga volleyball player dun sa dati kong school."

"Eh anong sports mo?" Tanong niya at sumenyas na maglakad na kami.

"Wala. Pero mas gusto kong maglaro ng rubics cube at chess."

"Magaling ka ba maglaro ng rubics?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Hindi ko alam pero ang pinakamabilis na pagsolve ko ng puzzle sa rubics ay 20 seconds."

"Ang bilis ah!"

"Naman! Gusto mo turuan kita?"

"Sige ba!"

Nang makabalik na kami sa classroom ay pinabihis pa kami sandali. Nung mataposna kaming magbihis ay wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-aral.

Buong araw aral talaga.

Hindi ko talaga malimutan si Fritz.

Nang matapos na last subject namin ay hinatid ako ni Nyx pauwi sa bahay. Nung una ayaw ko pa nga eh. Pero ayaw niyang magpapigil.

Matapos niya akong mahatid ay nagpasalamat ako.

Hindi pa nakauwi si mama nang dumating ako sa bahay. Umakyat ako sa taas at inilagay sa gilid ang mga gamit ko.

Nagpasya na rin akong magbihis ng pantulog. At mag study nalang pero hindi ako makapag focus.

Parang nangangati ang mga kamay ko na manakit.

Tumingin ako sa wall clock.

6:30

Masyado pa atang maaga para maghanap ng babasaging bungo kaya tumayo nalang ako at inihanda ang mga gamit

Matapos ang ilang oras ay nagpasya na akong umalis.

Pupunta ako ngayon sa isang underground battle para makuntento ang sarili ko.

At para malimutan ang mapait kong nakaraan.

I may look perfect in the outside but I still find myself holding my dark past.

Tinawagan ko si Bella.

{"Hello?"}

"Nasan ka ngayon?"

{"Pauwi na. Bakit?"}

"Sunduin mo ko. Punta tayong underground."

{"Sige. Saan kita susunduin?"}

"Dito sa bahay. Bilisan mo ah?"

{"Kapal ng mukha mo ah? Ikaw na 'tong magpapasundo minamadali mo pa ako. Wag nalang kaya kitang sunduin?"}

"Sige na. Lab naman kita eh."

{"Oo na! Papunta na dyan."}

"Sige bye! Lab yu!"

Matapos kong sabihin yun ay pinatay ko na ang tawag. Si Bella ang matalik kong kaibigan galing sa dati kong school. Dun parin sya nag aaral hanggang ngayon.

Ilang sandali pa ay may bumusina na sasakyan. Lumingon ako dun at nakita ko si Bella na kumakaway sa'kin.

"Oy bilisan mo na dyan!" Sigaw niya sa'kin.

Ngumiti na lang ako at lumapit at binuksan ang upuan ng passenger's seat.

"Oh ano na naman ang pumasok sa kukote mo at naisipan mong pumunta sa underground?" Tanong noya sa'kin at nagsimulang paandarin ang kotse niya at nagmaneho.

"Wala. Nangangati kasi ang kamay kong manakit." Sagot ko sa kanya.

"Na naman?"

Sa halip na magsalita ay tumango na lang ako bilang sagot.
Narinig kong nagbuntong hininga sya.

"Flynn, mabait ka. Hindi lang sa panlabas kundi sa panloob mo rin. Siguro panahon na para kalimutan mo na ang nakaraan mo diba?"

Namuo na naman ang galit at sakit sa damdamin ko dahil naalala ko naman ang nakaraan ko.

"Bella alam mong mahirap tanggapin at kalimutan yun. Nag-iwan yun ng malaking sugat sa'kin."

"Basta lagi mong tatandaan nandito lang ako para sa iyo."
Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa'kin.

Dumaan kami sa isang pribadong daan na ang mga miyembro lang ng underground ang makakadaan. Huminto kami sa isang luma at sira-sirang guard house.

Lumabas ang matandang lalaki sa guard house at kumatok sa bintana ng sasakyan namin.

Unang ini-scan niya si Bella. Pinakita niya ang invisible tattoo sa kamay niya. Nang masiguro ng lalaki na miyembro siya ng underground ay lumipat ito sa bintana ko at kumatok.

Lumabas ako at itinaas ang laylayan ng t-shirt ko at pina-scan ang invisible tattoo sa gilid nang tiyan ko. Sumenyas siya na pwede na kaming dumaan. Pumasok na ako sa sasakyan.

Dumaan na kami papasok sa underground.

Nang makapasok na kami ay bumungad sa'min ang mga taong sumisigaw. Nakita ko ang dalawang lalaking naglalaban.

Sigurado akong talo ang lalaking nasa kaliwang bahagi. Hinang-hina na ito at puro nalang iwas sa mga suntok at sipa sa kalaban niya.

Nang natumba na ang lalaking nasa kaliwang bahagi ay idineklara na ang nasa kanang bahagi na lalaki ang nanalo.

Pumasok na kami sa isang silid na para lang sa mga matataas ang posisyon dito sa underground.

Nakita ko si Christian na nakaupo sa isang couch.

"Oh antagal mo ding hindi nakabalik ah?" Tanong niya sa'kin.

"Busy eh." Sagot ko sa kanya.

"Lalaban ka?"

Tumango lang ako sa kanya. Sumenyas siya sa isang lalaki na lumapit sa kanya at may binulong.

Alam ko kung anong gagawin niya. Hindi ako tanga dahil alam kong naghahanap siya nang paraan para mapabagsak ako at magmakaawa sa kanya na tulungan ako. Ang kapalit nga lang ay magpapakasal ako sa kanya.

Isa kasi iyon sa mga rule dito sa underground. Kapag humingi ka ng tulong sa isa sa mga may matataas na posisyon at pumayag sila na tulungan ka ay papakasalan mo ang tumulong sa iyo.

Ilang bese niya na iyang ginagawa pero palpak siya. Kasi ako ang parating nanalo.

Tinawag na ako para lumaban hinubad ko ang jacket ko. Nakablack sando nalang ako at black leggings.

Pinili ko ang laban na walang dalang kahit anong sandata.

Pumasok na ako sa isang field kung saan makikita ng lahat ng tao kung paano ako makipaglaban.

Nakita ko ang lalaking kalaban ko. Ngumiti siya sa'kin na parang nang-aasar.

Nag smirk na lang ako sa kanya. Pintunog ko ang leeg ko at mga daliri ko.

This is gonna be a long night.
________________________________________________________

astraea_writes

Innocently DangerousWhere stories live. Discover now