Chapter 4

2 0 0
                                    

♧♧Flynn's POV♧♧

"ARAY!" Sigaw ko nang biglang diniinan ni bella ang cotton na may betadine sa sugat ko.

Paano ba naman kasi eh! Ang sakit niyang maggamot. Yung maliit lang na sugat pinapasakit niya! Dinidiin niya talaga.

Napanguso nalang ako nang naging seryoso sya na parang galit.

"Ayan! Makikipaglaban sa undeground tapos pag ginagamot ang sugat umaaray!" Sermon niya sa'kin.

Nasugatan kasi ako dahil nasuntok ako nang pangpitong kalaban ko.

Oks lang sa'kin kasi nasa ospital na naman iyon.

'Kala niya?! Hindi ako gaganti?! Duh!

Ako magpapa-api? Ang isang Flynn Razel Samonte magpapa-api?!

Lintik lang ang walang ganti noh!

"Oh paano iyan?! Anong idadahilan mo sa mama mo?!" Tanong niya sa'kin.

⊙~⊙

Anong idadahilan ko?

Hmmmmmm.........

Hmmmmmm......

Hmmmmmm......

Ay alam ko na!

"Sasabihin ko na mags-sleep over tayo sa bahay niyo!"
Sabi ko na parang nagmamalaki.

Talino ko noh?

Muahahahahaha-

"Aray!" Napadaing nalang ako nang bigla niya akong sinapak.

"Tanga! May magic powers ka ba?! Para gumaling iyang sugat mo nang overnight?!" Sigaw niya sa'kin.

T~T

"Eh ano?!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Ewan ko sa'yo! Problema mo na 'yan!"

"Yun na nga dito ako matutulog tapos bukas sasabihin ko na nagb-bike tayo tapos na aksidente! Idadahilan ko na sadyang tanga ka kaya hindi mo nakita ang dumaan na aso!"

"Aba! Hoy! Ako pa ang idadahilan mo?! Eh kung tawagin ko kaya si tita at sabihin na pumunta ka nanaman sa underground?!"  Pananakot niya sa'kin.

Biglang naging maamo ang mukha ko sa banta niya.

"Eto naman! Hindi na mabiro! Ikaw na nga nag sabi diba problema ko na iyon?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti.

"Hay nako--" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Kinuha niya ito at bahagyang nanlaki ang mata niya.

Pinakita niya sa'kin kung sino ang tumatawag.

⊙¤⊙

Si mama! Si mama ang tumatawag!

Sumenyas ako sa kanya na manahimik. Tumango lang siya sa'kin.

Sinagot niya ang tawag at pinindot ang loud speaker.

"Hello tita?"

{"Hello Bella? Kasama mo ba si Flynn?"} Tanong ni mama sa kabilang linya.

"Opo. Mags-sleep over po kami dito sa bahay." Magalang na sagot ni Bella kay mama.

{"Ah ganoon ba? Sige mag-ingat kayo hah? Ipapahatid ko nalang diyan ang uniform ni Flynn para susuotin niya bukas."}

"Opo ma!" Sagot ko kay mama.

{"Sige ba-bye anak."}

"Bye po ma~~"

Innocently DangerousWhere stories live. Discover now