Chapter 5

0 0 0
                                    


♧♧Flynn's POV ♧♧

Tatlong linggo na simula nung sinumbong ako nung chismosang jeanie.

Sinadya ko talagang palipasin ang tatlong linggo para hindi sila magtaka kung anong gagawin ko ngayon.

Lintik lang ang walang ganti jeanie!

Nalaman ko ring na nag away si mia at si jeanie ngayon. Si mia ay kasama rin sa FG.

Hinanda ko na ang gagamitin ko para mamaya. Nandito ako ngayo sa cr, hinihintay ang pagpasok ni jeanie.

"Oh my god! Mia is so kainis!" Maarteng sabi ng babae na sa tibhin ko ay si jeanie.

"Talaga! She's a slut!" Sabi nung kasama ni jeanie na tingin ko ay bea.


Nung nakapasok na sila sa cr ay tahimik akong naghihintay dito sa isang cubicle.

"Let's pee na!" Sabi ni bea.

Nasa gitna ako na cubicle nasa magkabilang gilid ko sila.
Hehehe...

Dahan dahan kong inangat ang baldeng may basura na hinaloan ko ng tubig.

Pagkatapos ay ibinuhos ko ito kay jeanie at dali dali akong tumakbo palabas. Dumiretso ako sa isang tagong classroom na minsan lang ginagamit.

"AAAAAAAAHHH!!!" Dinig kong sigaw ni jeanie.

Pinipigilan ko na lang ang sarili kong tumawa.

Nagpalipas muna ako ng oras dito. Linibot ko lang ang paningin ko sa classroom.

Pansin kong matagal na 'tong classroom. Pansin ko lang heheh.

Paikot ikot ako habang naglalakad hanggang sa may naapakan ako.

Tinignan ko ito at kinuha. I.D. 'to ah.

Pinunasan ko ito at nakita ang pangalan ng may ari.

Chess Aiden Perez

Aba ang wafu!

Isasauli ko nalang to sa SSG office.

Sala ka tu a pippi ti bo a pippi ti poppiti boo~~

Kinuha ko ang cellphone ko na tumutunog.

Ni-tap ko ang answer ng nakita ko si Nyx ang tumatawag.

"Oh napatawag ka?" Tanong ko sa kanya.

["Nasaan ka na? Padating na so Prof! Magpapa exam siya! Ang late bagsak agad!"] Natataranta niyang sabi.

Tumingin ako sa relo ko. 8:30.

"Oh anong oras siya dadating dyan?" Tanong ko.

["8:45! Asan ka ba kasi?"] Nanlaki ang mata ko ng napagtantong 15 minutes nalang.

Nasa kabilang building pa naman ako! At ang masaklap eh sa fifth floor ako!

Dali dali kong linagay ang I.D. na nakita ko sa bulsa at lumabas agad.

Paglabas ko tumakbo agad ako. Napapatingin na nga sa'kin ang ibang estudyante. Pero wala akong pakialam dito nakasalalay ang grades ko!

Binilisan ko na rin ang pagbaba sa hagdan. Tuminyin ako sa relo ko at nakita kong may sampung minuto nalang akong natitirang oras para makaabot sa exam.

Tinalon ko na ang mga hagdan. Shuta sana makaabot ako! Sana makaabot ako! Sana makaabot ako!

Natigil ako ng may muntik na akong mabangga buti balang alerto ako.

Hindi ko sya pinansin at linagpasan sya.

Bahala sya sa buhay nya uy. Kailangan kong isalba ang grades ko.

Nang nakarating na ako sa first floor ay patakbo agad akong pumunta sa building namin at inakyat ang mga hagdan.

Hoo! Konting tiis! Bakit ba kasi ang daming hagdan! Pagdating ko sa floor namin nakita ko si ma'am papunta sa classroom namin agad kong tinakbo ang classroom at paslampak na umupo sa upuan ko katabi ni Nyx.

Grabe nakakapagod! Ang daming hagdan! Agad inabot ni Nyx ang bottled water sa'kin.

Agad ko itong kinuha at binuksan para inumin.

"Good morning class!" Bati niya sa amin.

"Good morning ma'am!" Sagot ng mga kaklase ko.

Nagtaas agad ako ng kamay para magtanong.

"Yes Ms. Samonte?" Tanong ni ma'am.

"Mag eexam po pala kayo ma'am?" Tanong ko sa kanya.

Nakita kong kumunot ang noo niya.

"Sinong nagsabi Ms. Samonte? Wala akong sinabing magpapa exam ako ngayon."

Tumingin ako kat Nyx na pinipigilan ang tawa.

"Ay sorry po ma'am. Si Mr. Santos po kasi ang nagsabi."

"Narinig ko lang po kanina." Sabi ni Nyx na natatawa.

Few minutes later~~~

Paglabas namin ng classroom ay malakas kong sinapak si Nyx sa ulo.

"Aray! Bro naman! Ang sakit! Prank nga lang 'yon eh!" Sabi niya sabay himas sa ulo niya.

"Ang daming hagdan na tinalon ko para makaabot dito tapos sasabihin mong prank?!"

"Atleast 'di ka late diba?"

"Ewan ko sayo Santos!" Naglakad na ako.

"Sorry na bro libre kita pagkain." Malambing niyang sambit.

"Pagkain mo mukha mo!"

"Sayang...may milk tea dun...chocolate cake,halo-halo,pizza--"

"Ito naman 'di mabiro 'lika na! Ang bagal mong maglakad! Libre mo ah?"

Ngumiti sya at inakbayan ako.

"Sabi na nga ba eh basta pagkain hindi 'yan aayaw si Flynn Samonte!"

Magkaakbay kaming pumunta sa cafeteria habang tumatawa. Sana ganito nalang palagi. Ang sarap sigurong magkaroon ng kapatid na tulad ni Nyx.
________________________________________________________

astraea_writes

Innocently DangerousWhere stories live. Discover now