Chapter 7

0 0 0
                                    

A/N: Hello po! Ang picture po ni Flynn Razel Samonte ay nasa itaas po.

Tignan nyo nalang po kung gusto niyo.

♧♧ Flynn's POV

Kringgggg~~~

Hindi ko na napansin na tapos na pala ang last subject namin sa araw na ito.

"Flynn sabay na tayo." Sabi ni Nyx sa akin.

"Ah hindi na. May pupuntahan pa ako."

"Sige ihahatid na kita." Sabi niya at akmang hahawakan ang bag ko para buhatin pero naunahan ko siya.

"Nako h'wag na!" Sabi ko sa kanya.

"No. I insist." Sabi niya sa'kin at kinuha ang bag ko.

Wala na akong magawa kundi ang pumayag. Sabay na kaming lumabas papuntang parking lot.

Sosyal ng paaralan namin noh? May parking lot. Haha.

Yayamanin kasi ang mga estudyante dito. Hindi ko nga rin alam kung paano nabayaran ni mama ang tuition fee.

Huminto kami sa harapan ng isang itim na sasakyan. Halatang mamahalin ito.

Binuksan niya ang passenger's seat para paupuin ako.

Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Sinabi ko sa kanya ang address.

Agad siyang umikot para umupo sa driver's seat.

Pinaandar niya na ang sasakyan at nagsimulang magmaneho.

"Ano nga pala ang gagawin mo dun?" Tanong niya sa'kin habang nakatingin sa daan.

"Ah may kakausapin lang." Sagot ko sa kanya.

"Kakausapin lang? Mag-ingat ka ha?"

"Oo naman."

Nakarating na kami sa restuarant.

"Salamat Nyx. Alis na'ko hah?" Akmang bubuksan ko ang pintuan ng tinawag niya ako.

"Flynn..."

"Bakit?"

Nagulat na lang ako ng hinalikan niya ang pisngi ko.

Ngumiti lang siya sa'kin.

"Sige na. Mag ingat ka ha?"

Tumango lang ako at lumabas.

Lutang ang isip ko papasok sa restaurant.

Pagpasok ko dun ay bumungad sa akin ang isang babae.

"Do you have a reservation ma'am?" Tanong niya sa'kin.

"I'm here for Chess Perez."

"This way ma'am." Sabi niya at sumenyas na sundin sya.

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa harapan ng isang pulang pintuan na may nakalagay na gintong VIP.

Kumatok ang babae ng tatlong beses. Pagkatapos niyang kumatok ay may nagsalita galimg sa loob.

"Come in."

"He's waiting inside ma'am." Sabi niya sa akin.

"Thank you." Sambi ko sa kanya bago siya umalis,

Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Chess na nakaupo.

Sumenyas siya na umupo ako sa upuan na kaharap niya.

Umupo ako sa upuan at nahmasid sa paligid.

Nakaupo kami ngayon sa pandalawahang tao na lamesa.
Sa itsura namin ay para kaning nagd-date.

May binigay siya na menu sa akin.

"What do you want to eat?" Tanong niya sa'kin.

Tumingin ako sa menu.

Spaghetti with meatballs

Chicken Salad

Garlic Chicken

Chicken Curry

Pepperoni Pizza at kung ano ano pa.

Ang sarap sana ng mga pagkain pero ang mamahal!

"Wag na. Wala naman akong pera eh." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"I'll pay."

"Wag na. Ano pala ang gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.

"I'll tell you if you eat first."

"Sige. Garlic Chicken."

May pinindot syang itim na bagay sa gilid ng lamesa.

"Yes sir?" Tanong ng kabilang linya galing sa itim na bagay.

"1 Garlic Chicken, 1 Chicken Curry and two lime juice."

"Copy sir." Pagkatapos ay namatay na ang linya.

"Anong gagawin natin dito?"

"I want to thank you for returning my wallet."

"Okay? You're welcome. Is there anything else?"

Alam kong hindi lang pagpapasalamat ang dahilan.

"You see... I have a favor to ask."

"At ano yun?"

"My mother is thinking why you returned my wallet. There's a black card there and it costs billions. It means you can buy anything through that card. So she's wondering who you are."

"Oh tapos? Anong kailangan mo sa'kin?"

"She wants to personally meet you."

========================================================

astraea_writes

Innocently DangerousWhere stories live. Discover now