CHAPTER 2

308 16 1
                                    

"Taehyung, kelan pa ang sweldo mo? Nauubos na yung natitira kong budget pambili ng gamot nila Nanay at Tatay" tanong ni Ate habang inihahanda ang umagahan naming pagkain na kanin at hotdog.

"Sa linggo pa sahod ko ate" sagot ko.

"Hayst naiinis ako! Bakit ganito ang mga nangyayari sa pamilya natin!"

"Gagawa ko ng paraan ate para mabigyan kita mamaya ng pera"

"Sige, hahanap na din ako ng sideline"

Mabilis lang ang ginawa kong pagkain at si Ate Mina nalang daw ang magpapakain kela Nanay at Tatay

Habang nasa byahe ay nag iisip ako kung paano ko kakausapin mamaya si Sir Jungkook para kunin na yung sasahudin ko sa akinse. Nakakahiya dahil kakasimula ko palang ng trabaho sa kanya ay babale na agad ako pero kakapalan ko na din ang mukha ko kasi need na talaga

"Nandito kana iho" biglang sambit nung manong dahilan para bumalik ako sa wisyo.

"Ay salamat po" inabot ko na sa kanya ang bayad ko at tsaka na ko bumaba sa taxi at nagsimula ng maglakad patungong office.

Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng building ay biglang may nanggulat sakin mula sa likod dahilan para mapatalon ako

"What the---" muntik na kong makapagmura dahil sa panggugulat sakin ni Jimin na ngayo'y utas na sa kakatawa.

"Gulat ka HAHAHAHAHA no?" natatawang pang-aasar niya.

Hindi na ko natutuwa sa lalaking to ah, i hate him so much!

Hindi ko nalang siya pinansin at inis na naglakad na ko papasok ng building

"Wait for me!" rinig kong sigaw ni Jimin pero hindi ko siya pinansin. Mas lalo kong binilisan ang paglakad patungo sa elevator.

"Hey! I'm sorry okay!"

"Sorry your face" pabulong kong sabi.

Pagkapasok ko sa elevator ay pandalas kong pinindot ang button patungong 5th floor habang si Jimin ay patuloy pa din sa paglalakad patungo sakin pero bago pa siya makapasok din sa elevator ay nagsara na ito

Woooh thanks God

Habang nasa elevator ay nag iisip pa din ako ng mga magagandang words para payagan ako ni Sir na bumale sa kanya

"Sir, nakakahiya man pero..." napatigil ako dahil ampanget nung naisip ko.

Kunwaring nasamid muna ko bago muling nagsalita.

"Sir, alam kong bago palang po ako dito pero..." napatigil ulit ako sa pag acting dahil agad ng nagbukas ang elevator.

Hayst bahala na kung anong lumabas mamaya sa bibig ko

Nagtaka ako nung hindi ko nakita si Sir Jungkook sa may office table niya kaya nagpalinga linga ako sa loob pero wala siya

Inilapag ko nalang ang gamit ko sa may sofa at tsaka umupo muna dun

"Nasan kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.

Maya maya lang ay laking gulat ko nung may biglang nagbukas ng pinto ng banyo dito at iniluwal nun ang naka topless habang may tapis lang ng tuwalya sa baba na si Jungkook

Shit. Ang Hot.

Halos nanlaki ang mata ko at napalunok ako ng ilang beses nung makita ko ang mga abs niya at malulusog na muscles

Nung dahan dahang napatingin sakin si Sir Jungkook ay agad akong napatayo at tumalikod

"Pinag nanasaan mo ba ko?" biglang tanong ni Jungkook na ikinalaki ng mata ko.

MY BRAVE BOSSحيث تعيش القصص. اكتشف الآن