CHAPTER 22

221 13 4
                                    

JIMIN'S POV

"I'm here na po!" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay. Napaupo nalang ako sa sofa namin at napahawak sa labi ko nung maalala ko ang nangyari kanina.

Hindi man para sakin yung halik na yun pero grabe yung tama sakin. Argh Taehyung this is your fault.

"Congrats"

Natigilan ako nung bigla kong marinig ang boses ni Jungkook sa likod ko kaya agad akong napalingon, bigla akong napatayo nung seryosong nakatayo siya malapit sa may pinto at nakatingin sakin

"J-jungkook? San ka galing?" utal na tanong ko. Hindi muna siya sumagot at umupo na din sa isa pang sofa.

"Galing ako kela Hobi"

Kinabahan ako sa sagot ni Jk. No this can't be, what if he saw Taehyung kissing me? No!

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya at napaupo nalang ulit ako sa sofa.

"Ikaw san ka galing?"

Kinakabahan ako na sagutin si Jungkook lalo na't parang kakaiba ang tanong at tono ng boses niya

"Hey, i said where have you been?" walang emosyong tanong ulit ni Jungkook.

"Kela Hobi din" sagot ko dahil alam kong nakita niya ko dun at wala na kong palusot pa.

"Yes i know at alam ko din na kasama mo si Taehyung"

Napalunok nalang ako ng tatlong beses sa sinabi ni Jungkook. Pano ko ipapaliwanag sa kanya yun kung nakita niya man kami ni Taehyung

"Jungkook, inaantok na kasi ako kaya goodnight matulog kana din" tatayo na sana ko pero bigla ulit siyang nagsalita.

"Akala ko ba aalagaan mo lang si Taehyung habang wala ako? Pero bakit parang sinasamantala mong wala ako sa tabi niya para maagaw mo siya sakin?" biglang tumayo si Jungkook at humarap sakin.

"Katulad ka din pala ng nanay mo" dagdag niya pa na nagpakuyom sa kamao ko.

Bigla nalang akong napatayo din at hinarap si Jungkook dahil sa sinabi niya. Hindi ako papayag na idamay niya si Mommy sa usapang to

"Wag mong idadamay si Mommy" nanginginig sa inis na sabi ko pero napangisi lang siya.

"Wae? Totoo naman diba? Inagaw ng Mommy mo si Daddy sa Mommy ko at ngayon ginagawa mo din yun, inaagaw mo sakin si Taehyung"

*BUGSH*

Nanlaki nalang yung mga mata ko nung bigla kong nasuntok ng malakas si Jungkook at nakita ko ang pagdugo ng labi niya. What the fvck, bat ko yun ginawa?

Agad akong lumapit kay Jungkook para tulungan siyang tumayo pero hinawi niya lang ang kamay ko

"WAG MO KONG HAHAWAKAN!" malakas niyang sigaw at tsaka dahan dahang tumayo.

"I'm so sorry Ju---"

"Sorry your face!"

"Ayoko lang talagang dinadamay si Mommy sa away natin, past is past sana magmove on ka---"

"MOVE ON?! NEVER MAWAWALA ANG GALIT KO SA MOMMY MO! SHE'S THE REASON KUNG BAT WALA NA KONG MAGULANG! KAYA WALA KANG KARAPATANG SABIHIN SAKIN NA MAGMOVE ON NA KO!" malakas na sigaw na naman ni Jungkook at nakita ko ang unti unting pagpatak ng mga luha sa pisnge niya.

Hindi ko siya gustong masaktan kaya sinisisi ko ang sarili ko ngayon kung bat siya nagkakaganyan.

"Jungkook, listen. Kung nakita mo man yung ginawa sakin kanina ni Taehyung. Walang may gusto non, lasing si Taehyung at hindi niya alam ang ginagawa niya" paliwanag ko pa.

MY BRAVE BOSSWhere stories live. Discover now