CHAPTER 6

242 14 0
                                    

TUESDAY

Pagkatunog ng alarm clock ko ay agad na kong bumangon tsaka naligo ng mabilis at bumaba sa may kusina

Tahimik ang buong bahay ngayon at mararamdaman mong lahat kami ay di pa din nakaka move on sa pagkawala ni Inay

Nagluto na ko ng almusal namin at tsaka na tinawag si Ate na lumabas naman agad ng kwarto tsaka kinuha si Itay sa kabilang kwarto

"Taehyung, umamin na sa akin ang ate mo na tumigil ka daw sa pag-aaral" biglang sambit ni Papa habang inaayos siya ni Ate sa upuan. Napatingin naman ako kay Ate na tinanguan lang ako.

"Ahm... Opo, sorry po kung di po namin pinaalam agad sa inyo. Pero babalik din naman po ako sa pag-aaral kapag okay na ang lahat" ngumiti ako ng pilit para ipakita kay Itay na okay lang sakin.

"Siguraduhin mo yan ah dahil ipinangako niyo yang magkakapatid sa amin ng nanay niyo pero walang tumupad" malungkot ang tono ng boses ni Itay kaya napatingin ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay niya.

"Pangako po Itay, di ko kayo bibiguin" at ngumiti ako kaya napangiti din siya pati si Ate.

"Oh siya kain na tayo" sambit ni Ate at nagsimula na kaming kumain.

Nagpaalam na ko kay Ate at Itay dahil papasok na ulit ako sa trabaho. Ready na kong masermonan kasi ilang araw akong di nakapasok tas di pa ko nagpaalam kay Sir Jungkook, wala naman kasi akong cellphone.

Mabilis lang ang naging byahe at nakarating agad ako sa opisina

"TAEHYUNGGGGGGGG!" nagulat ako sa malakas na sigaw ng isang lalaki at papalapit na siya sakin ngayon at akma pa kong yayakapin kaya umiwas agad ako.

"Jimin, umayos ka nga" sambit ko at nag pout naman siya.

"Bakit ngayon kalang pumasok? Di ka man lang nagpaalam sakin na di ka papasok ng ilang araw?"

"Bakit? Ano ba kita para magpaalam ako sayo?" walang emosyong sabi ko at umacting siya na parang nasaktan.

"Awts, that's hurts! Hindi ba kaibigan ang turing mo sakin?" at tumalikod siya bigla at akmang lalakad na palayo pero agad akong nagsalita.

"Oo na! Kaibigan na kita" sigaw ko pero nakasimangot pa din siyang tumingin sakin.

"Napipilitan kalang ata e"

"Tss, hindi nga"

"So, bat ka nga hindi nakapasok ng ilang araw?"

Hindi ko na sana sasagutin si Jimin kasi ayoko ng ibalik at alalahanin muli yung pagkawala ni Inay pero ayoko namang magsinungaling

"Ahm... Iniwan na kasi k-kami ng Inay ko" nanginginig na sagot ko at nagbabadya na namang muling pumatak ang mga luha ko.

"What do you mean sa iniwan? Nilayasan kayo o...?" biglang natigilan si Jimin sa tanong niya at tumango nalang ako dahil alam ko naman ang isa niya pang tanong.

Biglang lumapit sakin si Jimin at agad akong niyakap dahil tumutulo na ang mga luha ko

Sobrang sakit pa din, never na atang mawawala ang sakit dito sa puso ko. Never akong makaka move on

"It's okay, i'm here para damayan ka. Ang isipin mo nalang ay masaya na ngayon ang inay mo kung nasan man siya ngayon at lagi niya kayong babantayan sa journey niyo" bulong ni Jimin habang tinatapik ang likod ko.

Ilang segundo kaming magkayakap ni Jimin at ako na ang unang kumalas dahil baka anong isipin ng mga tao. Nagpaalam na ko sa kanya na pupunta na ko sa taas at tumango nalang siya

Habang nasa elevator ako ay iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag ng ayos kay Sir Jungkook ang mga pangyayari kung bakit hindi ako nakapasok ng ilang araw

MY BRAVE BOSSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang