Chapter 2 Hapunan Ng Pamilya Callejo

161 3 0
                                    

Pumasok ang kotse ng nanay nya sa isang malaki at modernong bahay, hindi nya akalain na ganon pala kayaman ang stepfather nya.

Ang luwang ng bakuran at ang ganda ng garden sa may gawing kaliwa ng bahay samut saring halaman may mga namumulaklak at may nakita syang mga laruan at swing sa may garden, ito siguro ang playground ng kanyang kapatid.
Kung nagandahan sya sa labas palang ng bahay lalo na syang namangha ng makita ang loob, hindi kaya sobrang yaman naman yata ng pamilyang ito, may swimming pool na kung saan matatanaw mo dahil mula sa sala at sa taas ng mga kwarto mga salamin ang mga yon, ibig sabihin mula sa mga kwarto paglabas mo sa pinto makikita mo kung sino maliligo sa pool dahil parang nasa gitna ito.
Napaka ganda ng disenyo ng bahay, napahanga sya talaga... Sinalubong sya ng stepfather nya at niyakap.

"welcome home Ceyan" wika nito.

"thank you po tito Art" naka ngiteng tugon nya dito.

"halika na at umakyat na tayo sa kwarto mo. Manang paki tulungan nga kami sa mga gamit, paki akyat nalang sa hinanda kong kwarto kay Ceyan" nakangiteng wika ng kanyang ina..

Maganda ang kwartong inihanda ng kanyang ina, ngunit hindi nya maiwasan ang kwartong iniwan nya sa San Simon, hindi nya dinala ang gitara nya at ilang pang gamit, hindi nya alam pero parang nahihiya sya, siguro dahil alam nyang marami silang nakatira dito, hindi katulad sa bahay ng Papa nya, kahit anong ingay nya wala naman nakakapansin dahil dalawa lang sila sa bahay. Napa buntong hininga nalang sya at nag umpisa ng ayusin ang kanyang mga gamit.

Nakatanaw si Rocco mula sa taas, nakita nyang bumaba ang kanyang tita Alyson ang kanyang stepmother na kasama ang anak nito...

So dito nga talaga titira ang anak nito, base sa dami ng gamit na dala nito.
Sabi kasi ng kapatid nyang si Maxine.
Pero hindi nya pinaniwalaan dahil akala nya mag babakasyon lang ito ng ilang linggo sa kanila,ngayon mukang totoo nga ang sinabi ng kapatid nya...

Kumatok si Rocco sa pinto ng kwarto ni Ceyan,isang kwarto lang ang pagitan nila ang kwartong yon naman ang kay Maxine sa kapatid nya.

Ngunit nakakailang katok na sya hindi pa rin sya pinag bubuksan ng pinto.
Kaya naman dahan, dahan nyang binuksan ito at pumasok.

Nakita nyang mahimbing na nakatulog si Ceyan sa kama, at mukang hindi pa ito tapos mag ayos ng mga gamit nya..

Linapitan nya ito sabay upo sa may gilid ng kama, mahimbing itong natutulog marahil itoy napagod
Pinagmasdan nya lamang ang dalaga sa mahimbing nitong pag kakatulog, pero hindi nya maiwasan ang haplusin ang mukha nito...

"you look like a baby, sweetdreams"

pabulong na wika ni Rocco.
Lumabas na sya ng kwarto pag katapos nag paalam na aalis at may gimik sila ng barkada nya...

Nagising si Ceyan na papadilim na, naligo muna sya bago bumaba ng kwarto, nasa kalagitnaan sya ng hagdanan ng mY isang pares ng matang nakatingin sa kanya, nanlaki ang mga mata nito.

"ate Ceyan!"
Excited na tawag ni Maxine sa kanya, sinalubong sya nito sa may hagdan.

Naupo sila pareho sa may sala at nag umpisang mag kumustahan.

"pumasok ako sa kwarto mo kanina ate Ceyan, yon nga lang natutulog ka kaya hindi na kita ginambala pa. Nag mall kasi kami kanina ng mga kaibigan ko kaya wala ako ng dumating ka." wika nito.

"a ganon ba," wika naman nya...

Biglang bumungad sa sala si Alyson..

"halina kayo at kakain na tayo,puntahan mo na ang kapatid mo Max." utos ng kanyang ina dito.

"wala po sya mommy, nakita kung umalis yong kotse nya" wika ni Max.

Habang nasa hapag kainan sila,hindi maiwasan ni Ceyan ang matakam pawang lahat ay masasarap ang mga naka hain, ibat ibang putahe, mukang mananaba yata sya dito ah, iyon nalamang naisip ni Ceyan, ng biglang magtanong ang tito Art nya kay Maxine.

"max, hindi ba nag paalam si Kuya Rocco mo kung saan na naman pupunta,nakakahiya kay Ceyan dapat nandito sya" tanong nito...

"hindi naman nag papaalam yon talaga kung saan pumupunta, pero alam ko may gimik sila ng mga kaibigan nya sa bar ni kuya Thart." wika ni maxine.

Bumaling ng tingin si Art kay Ceyan.
Sabay hinge ng paumanhin.

"pasensya kana iha, gusto ko sana na kumpleto tayo ngayong dinner ngayon ang unang araw mo sa bahay gusto kung maramdaman mong welcome ka dito."

"ano ka ba naman honey,ayos lang yon, may magandang dahilan naman siguro si Rocco kaya hindi sya nakasabay ngayon, bueno may iba pa naman pag kakataon kumpleto tayo sa hapag kainan." pag aalo ng kanyang ina sa asawa nito.

Nag patuloy na silang lahat kumain, ngunit lihim na nag pasalamat si Ceyan na hindi nakasabay sa hapunan ang binata, hindi nya alam pero naiilang sya dito,hindi lang pala ilang kundi galit sa ginawa nito sa kanya ng araw ng kasal ng nanay nya.
Kaya hanggat makakaiwas sya gagawin nyang hindi sila magkasalubong man lang, imposible pero gagawin nyang umiwas dito at hindi papansinin ang binata yon ang napag pasyahan ni Ceyan.



 Dont Kiss Me My Devil Stepbrother(completed) Where stories live. Discover now