Chapter 9

91 4 0
                                    

Maagang nag dismiss ng klase ng tanghaling iyon, kaya naman maaga din silang nag lunch na mag kakaibigan, konti pa lang ang mga kumakain sa canteen.
Muntik na syang masamid sa iniinom na juice, bigla kasing may umupo sa tabi nya pag lingon nya si Rocco pala yon,nakangite itong binati sya.

"hi! Pwede ba akong maki share ng table sa inyo." tanong ng binata sa kanila pero hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.
Hindi pa man sya nakakasagot, pumayag na kaagad ang dalawa nyang kaibigan,binalingan nya ang mga ito halatang nagulat din ang dalawa tsaka umayos ng upo ang mga ito.
" hah! Tingnan mo nga naman akala mo mga mahihinhin, kanina panay ang daldal tapos ngayon parang ingat na ingat sa mga sasabihin, panay pa ang pa cute ha!" bulong ni Ceyan.

"may gagawin ka ba mamaya?" tanong ng binata sa kanya.

Biglang naubo si Wen, si Francine naman kunwari walang narinig. Tiningnan nya ang mga kaibigan ano na naman kaya ang mga ina arte ng mga ito.

"may lakad kasi kami, nagkayayaan manood ng sine." wika ng dalaga.

"ah okey!" nadidismayang sagot ni Rocco.
Bigla namang sumagot ang bakla.

"if you like pwede kang sumama samin, tatlo lang naman kami ei, mas masaya pag marami diba Francine? Hehehe."

"ah oo! Sumama ka na Rocco."

Tumingin si Rocco sa kanya hinihintay sya nitong pumayag, napangite sya tsaka tumango rito.

Sa sinehan, hindi sya pumayag na pumagitna kina Wen at Francine si Rocco kaya naman gumawa sya ng paraan para maupo ang binata sa dulo at tsaka naupo sya sa tabi nito.
Kinurot sya ni Wen sa tagiliran tsaka bumulong ito sa kanya.

"madamot ka, hindi mo naman boyfriend yan noh!!!"

"baka pag samantalahan mo kawawa naman, hehehe." bulong din nya dito.

Nag umpisa na ang palabas kaya lahat sila nakatuon na ang atensyon sa pinapanood.Nabigla pa sya ng palihim hinawakan ni Rocco ang kamay nya, napatingin sya rito nakangite naman ito sa kanya,tsaka binalik ulit ang atensyon sa pinapanood, hanggang sa matapos ang pelikula mag ka holding hands pa rin sila ng binata.

Pag katapos nilang manood at kumain sa isang fastfood nag paalam na sya sa mga kaibigan, hindi pa uuwi ang mga ito mag iikot ikot pa raw.

Nag taxi lang sila pauwi ni Rocco, ngunit bago pa sila bumaba may binigay na bracelet sa kanya ang binata, may palawit itong maliliit na gitara. Nagustuhan nya ang bigay nito sa kanya.
"salamat."nakangiteng sabi nya sa binata.

Ngumite lang ito sa kanya, at hinalikan sya sa noo. Sabay kabig sa kanya palapit sa katawan nito, nanatili sila sa ganoong ayos hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay ng mga ito.

Kinabukasan...

Naabutan nya ang kanyang ina at kapatid na si Alei,na nanonood sa may sala, kakauwi nya lang mula sa eskwelahan. Hinalikan nya ang ina at kapatid

"anak! Nag usap kami ng papa mo, tutal wala namang pasok sa friday pwede kitang ihatid doon, tapos sa sunday papasundo kita kay Mang Gil.
Miss ka na raw ng papa mo kaya, kinausap ako na kung pwede mag stay ka muna sa kanya." sabi ng kanyang ina.

"talaga po! Sige po pero huwag na po kayong mag abala na ihatid at sunduin ako, kaya ko naman pong mag bus nalang  mommy." excited na sabi ni Ceyan.

"hindi pwede anak gusto kung masiguro ang safety mo kaya ihahatid kita." sabi ng mama nya.

Ngunit ipinilit ni Ceyan sa ina na mag co commute na lamang sya kalaunan pumayag din ang ginang.

Pagkatapos nilang mag hapunan nanood sila ni Maxine ng pelikula sa kwarto nito,maya maya pumasok din si Rocco. Umupo ito sa tabi nya,tinanong sya nito.

"uuwi ka raw sa papa mo? Gaano ka ba katagal doon? Kailan alis mo?." sunod sunod na tanong nito sa kanya.

"bukas ng umaga" casual na sabi nya rito.

"Max, kumuha ka nga ng chips." utos nito sa kapatid.

"e pause nyo muna ha!" wika ni Maxine,agad naman itong lumabas ng kwarto.

Binalingan sya ni Rocco, mukang wala ito sa mood.

"bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na uuwi ka pala!"

"ha bakit hindi mo pa ba alam? Narinig mo naman kanina ng ipag paalam ako ni mommy  sa inyo diba?" sagot ni Ceyan.

"iba pa rin syempre yong personal mong sasabihin sa akin, boyfriend mo ako kaya may karapatan din akong malaman kung saan ka pupunta sa tatlong araw na yon." masama ang loob na sabi ni Rocco.

Naintindihan naman ni Ceyan kung bakit nag hihimutok ang binata, kaya kaagad nya iyong inamo at nilambing.

" sorry na! Hindi na mauulit yon, pag pasensyahan mo na ako at ngayon lang naman ako nag ka boyfriend noh! Kaya wala akong alam sa mga ganoong bagay."
Niyakap nya ang binata sa may likuran.

"talaga ako ang first boyfriend mo?" tanong ng binata sa kanya.

Tumango naman sya rito. Pag karaan bumaling ito sa kanya at hinawakan sya sa mag kabilang balikat tsaka sinabing.

"ma mimiss kita"

niyakap naman nya ito at tumingala rito.

"ma mimiss din kita."

"ano kaya kung sumama ako sayo doon." wika ng binata.

"ano ka ba, hindi pwede noh! Hindi pa alam ng pamilya natin ang relasyon natin." wika ni Ceyan.

"okey sige na nga" pag sang ayon na lamang ni Rocco.

Samantala bago pa makabalik si Maxine bumalik na sila sa pwesto nila dati ni Rocco, baka mahuli pa sila ni Maxine na nag lalambingan.
Natapos nila ang pinapanood na palihim silang nag hoholding hands ni Rocco.

Hinatid sya ni Rocco kinabukasan sa sakayan ng bus pauwi sa kanila. Hindi umalis ang binata hanggang hindi nakakaalis ang sinasakyang bus ni Ceyan.

 Dont Kiss Me My Devil Stepbrother(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon