Chapter 6 Markus Rocco

98 3 0
                                    

"san ba tayo pupunta ha?"
Tanong nya sa dalawa, akay akay sya ni Wen at Francine.

"basta sumama ka na lang" halos mag kasabay pa na sabi ng dalawa.

Kung hindi sya nag kakamali ang tinatahak nilang daan pa punta sa pinaka dulo ng building kung saan ang room ng special class.
Ano na naman kaya ang kalokohan ng dalawang ito naisip na lang ni Ceyan.

Pag karaan huminto sila sa room na yon at sumilip sa may bintana, sabi na nga ba't eh,anak ng magtataho ito nga ang section ni Rocco, natanaw nya ang binata habang nakikipag usap sa kaklase nito, napaka pogi talaga nito lalo na ngayong naka ngite at maaliwalas ang mukha nito habang kausap ang kaklase.

"hindi ba napaka pogi naman ni Markus" Wika ni Francine...

"oo lahat naman silang apat mga good looking, hay naku kompleto na araw ko." kinikilig na sabi ni Wen..

"ano ba kayo nakakahiya, kung alam ko lang na ganito gagawin natin hindi na ako sumama sa inyo, tara na! Tara na bilis! at baka may makakita pa sa atin dito." aya nya sa dalawa..

Nang biglang bumaling ang tingin ni Rocco sa bintana, parang naramdaman nyang may naka tingin sa kanila, kanina pa sya nakikipag kwentuhan kay Thart at willy hinihintay nila si Nick para mag punta sa cafe.may biglaang meeting ang mga teacher kaya maaga silang pinapauwi.
Nakita nya kaagad si Ceyan na pilit hinahatak ang mga kaibigan nito sa may bintana kaagad syang lumabas. Sumunod naman ang dalawang kaibigan nya.

"anong ginagawa nyo dito? "tanong ni Rocco.

" ay naku kabayo!!! "nagulat na sambit ni Ceyan.
Naku! Huli na ang lahat paano pa sya makakaiwas sa binata, kung sana nakinig tong dalawang kaibigan nya ei, walang ginawa kundi mag hunting ng mga poging lalake sa campus.Ano ba naman tong pinasok mo Ceyan, nasa isip nya.
Bumaling sya kay Rocco.

"well nakita mo naman napadaan lang talaga kami dito! Diba?"
Baling nya sa dalawa, sabay kurot sa tagiliran ni Francine...

"ah ei kasi, oo tama nga napadaan lang talaga kami dito." nag kaka bulol bulol na sabi ni Francine..

Napataas ang kilay ni Rocco tumingin sa mga kaibigan,seryoso ang mukha nito, kaya biglang kinabahan si Ceyan..

"napadaan? Diba dulo tong section A!" baka naman may sinadya talaga kayo dito. "nakangite na sabi ni Willy.

Bumaling sya kay Wen, muntik na syang matawa ng makita ang reaksyon ng kaibigan, naku naman lord, nakakahiya! Hindi man lang itago ng baklang to na kinikilig ito sa mga binatang kaharap nila.
Kailangan nyang makaisip ng dahilan mag mumukha silang katawa tawa rito..

"ah kasi tama ka,may sadya kasi kami kay Markus, diba!" muling baling nya sa dalawang kaibigan..

Naka nganga ang dalawang kaibigan" napatingin sa kanya.
Samantala si Wen bumaling ng tingin kay Francine, bumulong.

"ano bang sinasabi ni Ceyan."

"hindi ko alam!" wika ni Francine..

"anong sadya nyo kay Markus."tanong  ni Rocco.

Napansin nyang natatawa na ang mga kaibigan nito, yong dalawa naman nyang kasama halos wala ng kulay sa pamumutla nagulat pa ang dalawa ng muli nyang tanungin ang mga ito..

"diba kukunin natin yong hiniram ni Markus na aklat mo Wen?" muli nyang pag sisinungaling patawarin sya ng diyos at ng kung sino mang Markus kung nadadawit sa mga kasinungalingan nya huwag lamang syang mapahiya rito..

Nag kanda ubo ubo si Wen, pero hindi nag salita, nag tatawanan na ang lahat maliban sa kanilang tatlo, ngunit seryoso pa rin si Rocco.

"Ceyan tara na dali!" aya sa kanya ni Francine.
Pilit din syang hinahatak ni Wen.

Napansin nyang namumula na si Rocco sa pag pipigil ng tawa nito..

"well! Sa pag kaka alam ko wala akong hinihiram na aklat kay Wen."wika nito.

" ano't, hoy hindi ikaw ang sinasabi ko, si Markus nga! "nag pipigil na sya sa inis dito...

Binalingan nya ang mga kaibigan, parang estatwa nang hindi makakilos ang mga ito sa pag kabigla.

" tara na bumalik na tayo sa room. "sabay irap at talikod kay Rocco.

Narinig nya ang tawanan ng lahat,kaya lalo pa syang nag ngitngit sa inis, hindi pa man sila nakakalayo muli itong nag salita sa kanya.

" ah miss! "tawag nito sa kanya.

" bakit!!! "naiinis na baling nya kay Rocco.

" ako nga pala si Markus Rocco"
Nakangiteng sabi nito.
"nice to meet you" sabay kindat sa kanya

Lalong lumakas ang tawanan ng lahat,
Nagulat si Ceyan sa nalaman, pulang pula ang mukha nya, kung pwede nga lang sya mag laho ginawa na nya sa sobrang pag kapahiya...
Bumaling sya sa dalawang kaibigan..
Naku naman oo ano ba itong pinasok nya.

"Francine!!! Wen!!! Humanda kayo sakin! " sigaw nya dito..

Nag tatakbo ang dalawa ng makitang binilot nya ang folder para gawing pamalo sa mga ito...
Nag habulang sila at pinag hahampas nya ang dalawa...

Samantala hindi mapigilan ni Rocco ang sarili na ma ngite sa nangyari kanina,hindi maalis sa isip nya ang magandang mukha ni Ceyan kahit namumula na ito sa hiya, napaka cute parin nito para sa kanya.

"hey bro! Ngayon ko lang nakita na natuwa ka sa mga girls na nag fli flirt sayo ah, kadalasan kasi hindi mo sila pinapansin. "wika ni Thart, sabay tapik sa balikat nya.

Nangingite nalang din ang dalawa nyang kaibigan.

" flirt? Hindi naman nag flirt sakin ah!
Nakita mo ba, mala tigre ang babaeng yon, kaya paano mo nasabi yon, tsaka hindi sya ganoong tipo ng babae, ano ka ba naman Thart!"
Pag tatangol nya kay Ceyan.

Nag katinginan ang mga kaibigan nya..

"hahaha! Ngayon lang kita nakitang nainis ng ganyan, bro.! Mukang tinamaan ka yata sa babaeng yon." natatawang sabi ni Willy

"ang weird mo ngayon bro. Ipakilala mo nga ako dun sa girl na yon, interesado ako kung bakit ka ganyan ngayon hahaha!" tumatawang sabi ni Nick.
Wala pa kasi ang binata noong nangyari ang  insidente sa kanila ni Ceyan.

"kayo ang weird at hindi ako, mga Baliw!!!" natawa nalang din si Rocco sa mga pang aasar ng mga kaibigan..

Samantala sila Ceyan naman....

"bakit hindi nyo sinabi sakin na si Markus na pala yong kaharap ko kanina, ako ba talaga kaibigan nyo?" naiinis na tanong nya sa mga kaibigan.

Nasa may paborito nilang tambayan sila sa may ilalim ng puno, naka upo sila sa may bench.

"hindi na kasi ako naka imik dahil ngayon ko lang talaga nakita ng malapitan si Markus at mga kaibigan nya, wala akong masabi kundi, thank you lord dahil sinugo mo ang mga lalaking ito para pasayahin ang buhay ko."
Kinikilig pa na sabi ni Wen.

Hinampas nya ito sa braso.

" manahimik ka nga,last na yon ha, mula ngayon iiwasan natin ang apat na yon."

"ay naku,alisin mo sakin ang cellphone ko huwag mo lang akong pigilan makita sila. Gosh! Nakita nyo ba kanina sa akin nakatitig si Thart." Wika ni Francine.

Hay naku! Napa buntong hininga nalang si Ceyan.Pagkaraan nag paalam na rin syang mauuna ng umuwi... Kailangan nya ng pahinga masyadong napagod ang isip nya sa kahihiyang sinapit kanina.

 Dont Kiss Me My Devil Stepbrother(completed) Where stories live. Discover now