Chapter Ten

14K 422 18
                                    


The bar hoping was fun and Ceilo got wasted too much. I told her about what happened between me and Marco, and she just laughed. Mahirap daw talaga si Marco malapitan kahit ng mga kaibigan niya. But one thing about him, he will just have a girl for a kiss. He will only taste their lips but never take them to bed for sex. Iyan daw ang sabi ng iilan na nakasama na niya.

He's very extravagant and will pay you a lot for a company. Pero hanggang doon lang daw iyon, at walang nangyayaring sex. He will kiss and tease, and that's all. They all think that he is looking for someone's lips.

Natawa lang ako ng sinabi ito ni Ceilo. Pero bakit pagdating sa akin ang init ng dugo niya! At nauubos ang pasensya ko sa kanya.

"Just go with the flow, Fia. Ikaw rin naman ah. You have your past and you choose to forget it! Re-e-mmberr," lasing na tugon niya. Nasa condo ko siya ngayon at dito siya matutulog. Mas mabuti na nga ito para may makasama ako.

"Did I? Realy?" wala sa sariling tugon ko.

Umiling iling na siya at nahiga na sa kama. Nahimasmasan na 'ata! Ang dami din kasi ng nainom niya.

"Yes! Oh, my God! I feel sad..." Naiiyak niyang tugon.

"The heck! Matulog ka na nga!" Sapak ko sa kanya.

Mabilis lang niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya. Nabaliw na ang bakla! Umiyak na talaga! Kaya napaupo na ako mula sa pagkakahiga.

"Hoy! Okay lang? Ano ba!" Yugyog ko sa balikat niya.

"You're so unfair, Fia. I know everything what happened to you because you told me and yet, you choose to forget it. At ako... ako ang nakakaalam sa sekretong iyon!" Mas malakas na iyak niya.

Natawa na ako. Nabaliw na ang bruha! Wala kasi akong maalala talaga. Ito siguro ang dahilan kaya kinalimutan ko na at kinalimutan na ito ng memorya ko.

"But I am happy best friend, because it fixed you. Dahil kung hindi, baka nabaliw ka na kagaya ko!" Sabay yakap niya sa akin na umiiyak at natatawa pa.

"Na-sobrahan ka 'ata ng ininom mo, Ceilo. Pagagalitan ka na talaga ng boyfriend mo." Niyakap ko na rin ang bruha. Pero mas naiyak na siya ng husto.

"Have you forgotten that I don't have a boyfriend anymore. Kasama 'ata iyong nabura sa alala mo. Wala na akong boyfriend gaga! Matagal na kaming wala. Dalawang taon na!"

Natulala na ako at agad na pinagmasdan ang mukha niya. Parang namutla ako ngayon.

The heck! Iilang detalya pa ba ng buhay ko ang nabura at kinalimutan ko na?

"Are you serious? Hindi mo man lang sinabi sa akin? Akala ko kasi--"

"Oo, akala mo kasi. That's part of your treatment that you've been through, Fia. And its okay, no big deal best friend," ngiti niya.

Mas yumakap na siya sa akin nang husto. Nawala na rin ang iyak niya.

"I'm sorry, Ceilo..." mahinang tugon ko.

"It's okay, at least you didn't forget me. Matulog na nga tayo! Ang daming drama!"

Nahiga na agad siya at binalot ang kumot ang buong katawan niya. Natawa na akong pinagmamasdan siya ngayon.

Now, I'm beginning to get curious about my past and why did I do that? Hindi ko alam kung handa na ba akong balikan ang memoryang binura ko, o mas hayaan na lang ito.

Napatitig ako ngayon kay Ceilo. She knows everything... Ang bigat siguro nito sa dibdib niya.

IT WAS late again when I woke up. But what surprise me more is Ceilo's message. Nag-iwan siya ng mensahi sa ibabaw ng mesa bago umalis ng condo. Kumunot lang ang noo kong binasa ito.

The Billionaire Next Door ✅(MBBC#2)    Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon