𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 1

336 42 0
                                    

╔══════꧁𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘꧂══════╗

𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇.
𝖠𝗅𝗅 𝗇𝖺𝗆𝖾𝗌, 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖽𝗎𝖼𝗍 𝗈𝖿 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋'𝗌 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇. 𝖠𝗇𝗒 𝗌𝗂𝗆𝗂𝗅𝖺𝗋𝗂𝗍𝗒 𝗍𝗈 𝖺 𝗋𝖾𝖺𝗅 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗍 𝗂𝗇𝗍𝖾𝗇𝖽𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗎𝗋𝖾𝗅𝗒 𝖼𝗈𝗂𝗇𝖼𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝖺𝗅.

𝖠𝗅𝗅 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍𝗌 𝗋𝖾𝗌𝖾𝗋𝗏𝖾𝖽.
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗏𝖾𝗅 is related to men-to-men relationship. If you were not into these kind of affections nor even certified homophobic, better leave this book and find another novel that can satisfy your taste.

╚═════════════════════════════╝

➛𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 1

𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 ng mall ang magkaibigang Hades at Sean. Pinapasadahan na ni Hades ang hawak na listahan ng mga bibilhin. Busy naman si Sean sa pag ti-text. Hindi nila pansin ang tumatakbong magandang babae na pasalubong sa kanilang direksyon. Bahagya pa itong umiwas kay Hades kaya hindi niya ito nabangga. Hindi rin nakita ng magkaibigan ang kasunod na tumatakbong lalaki. Habol nito ang naunang babae. Huli na nang makita ito ni Hades pasalubong sa kanya. Hindi na siya nakaiwas. Sumalpok sa kanya ang lalaki. Para silang kotse na nag-head on collision.

"Ay!" malakas na tili ni Hades.
Paano, pagbangga sa kanya ng lalaki ay sabay yapos sa kanya ng mahigpit. Tsansing ang unang pumasok sa kaniyang isip.

"Ay!" tili rin ni Sean na nagulat sa nangyari. Pero pansin niya ay tinulungang iayos ng lalaki sa pagkakatayo ang kaibigan. Dahil sa lakas ng impact ay na-off balace siguro si Hades.

Kumawala si Hades. Nang dumistansiya ang lalaki ay isang suntok sa panga nito ang pinakawalan kasunod ang malakas na sampal sa kaliwang pisngi.

"Hayop! Walanghiya! Manyakis!" may tili pang kasabay ng kanyang aksiyon.

Napatulala ang lalaki. Nahaplos nalamang ng palad ang kaliwang pisngi. Hindi ininda ang suntok sa mukha, napatitig sa kaharap, na lalong ikinagalit ni Hades.

"Tulong! Tulungan n'yo kami! Tsinansingan ako!" Dahil doon ay waring nagising ang lalaki. Saka kumaripas ng mabilis palayo lalo't nakita niyang ilang lalaki ang patakbo sa direksiyon nila habang sige ang tili ni Hades.

Pinalibutan siya ng dalawang lalaki habang ang dalawa ay nagtangka pang habulin ang manyakis. Pero nakasakay na ito sa taxi na mabilis na humarurot papalayo.

"Nasaktan ka, Miss?" tanong agad ng isang lalaki .

"Ano'ng ginawa ng manyakis na'yon?" usisa ng isa pa.

"Ang hayop! Tanghaling tapat gumawa ng kalaswaan!" gigil ni Hades. "Niyapos niya ko. Kundi siguro ako pumalag kung anong kahayopan pa ang ginawa!"

"Ang galing mo, Miss Sapol sa mata ang unang suntok mo. Kitang-kita ko!" papuri ng ikatlong lalaki.

"Maraming salamat sa inyo. Naku, pag nakita ko siya uli, baka hindi lang yon ang kanyang inabot."

"Para kang martial arts athlete, miss." papuri ng unang lalaki.

"Black belter siya ng judo-karate. At student ng taekwondo!" imporma ni Sean.

"Salamat sa inyo, mga sir. Salamat talaga. Sige, mamimili na kami at s'yaka lalaki din po kami." Pinipigilan ng dalawa matawa sa mukha ng tatlong lalaki. Dahil mukha itong nakakita ng multo sa sinabi ni Hades

Matched Better || (ON-GOING)Where stories live. Discover now