𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 2

189 42 3
                                    

╔══════꧁𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘꧂══════╗

𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇.
𝖠𝗅𝗅 𝗇𝖺𝗆𝖾𝗌, 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖽𝗎𝖼𝗍 𝗈𝖿 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋'𝗌 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇. 𝖠𝗇𝗒 𝗌𝗂𝗆𝗂𝗅𝖺𝗋𝗂𝗍𝗒 𝗍𝗈 𝖺 𝗋𝖾𝖺𝗅 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗍 𝗂𝗇𝗍𝖾𝗇𝖽𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗎𝗋𝖾𝗅𝗒 𝖼𝗈𝗂𝗇𝖼𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝖺𝗅.

𝖠𝗅𝗅 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍𝗌 𝗋𝖾𝗌𝖾𝗋𝗏𝖾𝖽.
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗏𝖾𝗅 is related to men-to-men relationship. If you were not into these kind of affections nor even certified homophobic, better leave this book and find another novel that can satisfy your taste.

╚═════════════════════════════╝
➙𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 2

𝗕𝗔𝗚𝗢 pa makasagot ng kanyang alibi si Shiro ay sinugod na siya ng dalawa at pinagkukurot.“Walanghiya ka. Dahil sa iyo'y nakagulpi ako ng tao!” Pahingal na galit ni Hady.

“Kung nagkataon, sa city jail kami pupulutin.” dagdag ni Chingchong. Napapangiti nalang si Aling Rosa. Sanay na siya sa anak at kay Shiro. Magkalaro sila sapul pagkabat. Isang araw lang ang pagitan ng kanilang pagsilang. Una si Shiro. Kinabukasan ay ipinanganak niya si Hades. Bueno, si Sean ay late comer friend, gaya ng tawag sa kanya nina Hades at Shiro, trese na sila nang lumipat sa di kalayuan ang pamilya ni Sean.

“Lumaki ang dalawa na very close. Sanay na ang mga tagaroon na kung saan nila makita si Hady ay naroroon din si Shiro, o vice versa. Marami ang nagsasabing baka sa huli'y sila rin ang magkakatuluyan lalo't kilala na nila ang isa't isa.

Naririnig man ng dalawa iyon noong mga bata pa sila'y hindi nila binibigyan ng pansin. Basta magkasundo sila. Masaya kung magkasama at wala nang maari pang sumira noon.

“Alam mo, Hady, bagay kayo ni Shiro.” minsan ay nasabi ni Chingchong. Bago palang silang magkaibigan noon ni Hady.

“Naku, Chingchong, marami na ang nagsasabi niyan. Nag-akala. Pero malabo. Mag-best friends lang kami ni Shiro. Hindi siya ang tipo ko, alam mo ba. Saka marami pa akong pangarap na marating para ihandog ko sa mga magulang ko. Dahil umiba ng linya ang kuya ko. Tatlong taon pa'y iu-ordian na siya as priest. At isa sa kanyang mga pangarap bilang pari mag-join sa missionary work. Para na ring wala sa poder namin si Kuya. In spirit nalang. Masaya kami dahil alam naming makapaglilingkod siya kay Lord," paliwanag ni Hady sa bagong kaibigan.

“Isa pa, sobra namang chick boy Si Shiro, Hady. Hindi ka magiging masaya pag siya ang gugustuhin mo. More than a year pa lamang ako rito, e naka apat nang girlfriend si Shiro.”

“Ngayon nakita mo na kung bakit hindi ko siya trip. Gusto ko kasi, isang lalaking mahal ko at ako lang ang mamahalin. Pero mahirap yatang hanapin 'yon. Kung sabagay, malayo pa ang araw na iyon. E, ikaw ba, ha, Chingchong. May crush na? May one and only ka na ba bago kapa lumipat dito?”

“Crush lang. Pero hanggang du'n lang. Feeling ko'y magiging malaking influence ka sa akin. Ikaw ang idol ko. A role model.”

“Ba, bahala ka. Pero kung makita mong hindi tama ang gusto kong mangyari sa buhay ko, libre kang umiba ng landas.”

“Siguro hindi na. Alam mo ba, para na ring kapatid ang turing ko sa inyo ni Shiro. Alam n'yo namang nag-iisa lang akong anak ng mama ko. Hindi kaila sa iyo na love child lang ako. Ang dady ko'y may sariling pamilya. Nag papasalamat na lang ako dahil hindi kami pinabayaan ni Dad. Kahit pa may trabaho ang mama ko.”

Matched Better || (ON-GOING)Where stories live. Discover now