Chapter 6

51 20 55
                                    


╔══════════꧁𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘꧂═════════╗

𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇.
𝖠𝗅𝗅 𝗇𝖺𝗆𝖾𝗌, 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖽𝗎𝖼𝗍 𝗈𝖿 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋'𝗌 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇. 𝖠𝗇𝗒 𝗌𝗂𝗆𝗂𝗅𝖺𝗋𝗂𝗍𝗒 𝗍𝗈 𝖺 𝗋𝖾𝖺𝗅 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗍 𝗂𝗇𝗍𝖾𝗇𝖽𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗎𝗋𝖾𝗅𝗒 𝖼𝗈𝗂𝗇𝖼𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝖺𝗅.

𝖠𝗅𝗅 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍𝗌 𝗋𝖾𝗌𝖾𝗋𝗏𝖾𝖽.
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗏𝖾𝗅 is related to men-to-men relationship. If you were not into these kind of affections nor even certified homophobic, better leave this book and find another novel that can satisfy your taste.

╚════════════════════════════════════╝

🍯- 𝙎𝙬𝙚𝙚𝙩 𝙖𝙨 𝙨𝙪𝙜𝙖𝙧. 𝘾𝙤𝙡𝙙 𝙖𝙨 𝙞𝙘𝙚. 𝙃𝙪𝙧𝙩 𝙢𝙚 𝙤𝙣𝙘𝙚, 𝙄'𝙡𝙡 𝙠𝙞𝙡𝙡 𝙮𝙤𝙪 𝙩𝙬𝙞𝙘𝙚.

➙𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 6

𝗡𝗔𝗡𝗚 magbalik ang hinahon ay pabuntung-hiningang tumayo si Hady. Dumiretso sa banyo at naligo. Matagal siyang tumapat sa shower para mawala ang pag-iinit ng katawan na nabilad sa araw.

Para ring gumaan ang kaniyang pakiramdam na bumigat dahil bukod sa pilit na pagkukubli biya ng nararamdaman para kay Shawn ay nabuko siya ni Sean. Ibig sabihin ay very obvious pala ng kaniyang mga kilos at transparent pala ang kaniyang damdamin.

Tinuyo niya ang buhok at nag bihis nang maluwag na pantulog at nahiga para ipahinga ang pagod na katawan at isip. Hindi niya namalayang nakatulog siya nang mahimbing.

Nagising lamang si Hady nang yugyugin siya ng kanyang mama.

"Bangon na. Maghahapunan na. Hinahanap ka ng Kuya Noel mo."

Papungas-pungas siyang dumilat.

"Gabi na po pala. Hindi ko namalayan. Napagod kasi ako pagga-garden." katuwiran niya sa ina.

"Susunod na po ako."

Gusto sana niyang itanong kung makakasalo na naman nila si Shawn. Pero napigil niya ang sarili.

Bahagyang sinuklay ng dalaga ang buhok pagkatapos magpalit ng damit pambahay ay sumunod na sa ina. Nama-mawis ang kaniyang mga kamay. Talagang kinakabahan siyang muling makaharap sila ni Kamote.

Pagbungad niya sa dining room ang kanyang papa, kuya at mama lamang ang nakita niyang nasa hapag. Nakahinga naman siya nang maluwag.

"Si Sean, umuwi na rin po pala," banggit ni Hady ng d makita ang kaibigan.

"May bisitang dumating sa kanila kaya tinawagan dito at pinauwi. Pero si Shiro ay naparito. Masaya ang loko. May maganda raw siyang ibabalita sa iyo. Babalik daw mamaya," halos masamid sa kinakain ng marinig ang sinabi ng kaniyang ina.

"Aba ang loko-loko na yon isang araw kong d nakita nasan naman kaya pumunta yon o baka naman SINO ang pinuntahan non" sa isip isip ni Hady

"Talagang very close parin kayo ni Shiro, ha, Hady," ani ng kaniyang Kuya Noel.

"Sanay na kasi kami sa isa't isa. Pa'no naman lagi kaming magkasama sapul nang maliliit pa kami. Mabait naman talaga si Shiro, Kuya. Para ko narin kasing kapatid."

Matched Better || (ON-GOING)Where stories live. Discover now