Chapter 3

133 38 1
                                    

I Dedicate this chapter sa mga taong palaging nag vo vote ng bawat chapter nang storyang ito kaya maraming maraming salamat and keep safe. cititor00 cristabeauty Shiro_wan MisisCouffaine noralynxxx

╔══════꧁𝗦𝗛𝗢𝗥𝗧 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘꧂══════╗

𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇.
𝖠𝗅𝗅 𝗇𝖺𝗆𝖾𝗌, 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖽𝗎𝖼𝗍 𝗈𝖿 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋'𝗌 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇. 𝖠𝗇𝗒 𝗌𝗂𝗆𝗂𝗅𝖺𝗋𝗂𝗍𝗒 𝗍𝗈 𝖺 𝗋𝖾𝖺𝗅 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍 𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗍 𝗂𝗇𝗍𝖾𝗇𝖽𝖾𝖽 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 𝖺𝗎𝗍𝗁𝗈𝗋 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗎𝗋𝖾𝗅𝗒 𝖼𝗈𝗂𝗇𝖼𝗂𝖽𝖾𝗇𝗍𝖺𝗅.

𝖠𝗅𝗅 𝗋𝗂𝗀𝗁𝗍𝗌 𝗋𝖾𝗌𝖾𝗋𝗏𝖾𝖽.
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗏𝖾𝗅 is related to men-to-men relationship. If you were not into these kind of affections nor even certified homophobic, better leave this book and find another novel that can satisfy your taste.

╚═════════════════════════════╝

➙𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 3

𝗠𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗕𝗜 nang magising si Hady. Parang init na init siya. Bumangon siya at lumabas ng kusina para uminom. Pinagpapawisan parin siya kaya lumabas muna ito. Naupo siya sa bangkong bato na malapit sa front door, nakaharap sa flower garden ng ina. Feeling niya'y tumakas na ang antok niya. May pumipintig sa kanyang utak pero pilit niyang itinataboy. Ayaw niyang isipin iyon. Pero mapilit. Minabuti niyang magbalik na sa kanyang kwarto at baka pahiga niya'y ma-recapture niya ang umilap na antok.

Pero bigo rin siya. Hindi na siya dinalaw ng antok. Paano'y pumapaibabaw sa kaniyang diwa ang mukha ng lalaking iyon. Gigil na gigil sa galit sa kanila. Sumalit ang expression nito ng una nilang ma-encounter. Nang sapukin niya sa kanang upper cheek ito at sampalin nang malakas sa kaliwang pisngi. Sa una'y matinding shock. Sa ikalawang paghaharap nila'y matinding galit. Dahil pagkapahiya siguro nito noong una at sa ikalawa, gaya ng sabi ng lalaki ay isasabit pa siya sa problema sa pagkakakulong at pagkakabundol sa kanilang magkaibigan dahil sa pagtawid nila sa kabilang parte ng kalsada.

"Pangit talaga!" Paimpit niyang bulalas. Kahit ang totoo ay nakakaakit ang mapupungay na mata nito na hindi naikubli sa kanyang panglalait sa kanila ni Chingchong. Napagmasdan din niya ang kakinisan ng laaki. Na-imagine niya ang itsura nito na may black eye sa kaliwang mata at maga ang kanang pisngi kung saan nakamarka pa ang kaniyang palad at mga dalira sa tindi ng pagkasampal niya rito.

Napangiti si Hades.
Naisip ni Hades, ano ba ang nangyayari sa kanya? Sa kabila ng pagbabanta sa kanya ng lalaki ay parang napapalapit pa ito sa kanyang damdamin. Pero dapat niya itong iwasan dahil sa banta. Baka kung ano nga ang gawin nito sa kanya para makaganti.

Pumasok sa isip niya si Shiro. Titiyakin niyang palagi niyang kasama o nila Chingchong ang kababata at kaibigan tuwing may lakad para kahit paano'y may magdepensa sa kanila at may pangilagan din ang galit na galit na lalaki. Sa isipang iyon ay saka lamang nahimbing sa pag-tulog si Hades.

"Malabo nang maka-encounter n'yo pa'yon. Pero para matahimik ang mahal kong kaibigan, e di sige... hindi ako lalayo sa inyo. Isa pa, iisang University lang naman tayo nag-aaral na tatlo," pagpayag ni Shiro

Matched Better || (ON-GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang