09: CONFUSED

891 67 0
                                        

"Ito na ang training sa'yo?" tanong niya na mas nagpairita lang saakin.

"Mind your own business." sabi ko saka bumalik sa pagpikit.

"You're my business."

Hindi ko inaasahan na sasabihin niya kaya inambahan ko siya ng suntok na agad niyang nasangga.

"Why so mad? Gusto ko lang manood." sabi niya.

"Kailangan kong magconcentrate kaya umalis kana!" inis na sabi ko.

"Let me distract you." nakangising sabi niya.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Let me punch you."

Imbis na umalis ay naupo lang siya sa harapan ko. Ginaya niya ang posisiyon ko na nakaindian sit.

"Hindi kaba nag-aalala sa upo mo?" biglang tanong niya.

"Anong problema sa upo ko?"

"Nakapalda ka, kita ko underwear mo."

"Kung gusto mo makakita ng underwear may alam ako, sa ngayon umalis ka muna sa harapan ko at baka mabato kita ng sapatos ko."

"I'm scared."

niyakap pa niya ang sarili niya at kunwaring natatakot.

"You should be."

Pinanliitan ko siya ng mata. Gustong gusto ko siyang batuhin ng sapatos ko pero kawawa naman baka magasgasan. Mahal pa naman sapatos ngayon.

"Just kidding. Alam ko naman na hindi ka sumusuot nun--------"

"Why you keep bothering me?! Bukod sa halik na hindi ka makamove on may iba kapabang rason bakit ginugulo mo 'ko?!" inis na sabi ko.

"Wala na, I'm just thinking of you." walang prenong isinagot niya saakin.

"Hmph! Buti nalang hindi umabot sa puntong mapanaginipan mo na ako." sabi ko.

"Honestly, that happened too." sabi niya.

"Good for you, you're not having a nightmare." pagngisi ko.

"Muntik na rin."

Inis ko siyang tiningnan.

"Hey, nightmare isn't a joke." sabi niya.

Wala naman akong sinasabing joke 'yun, stupid ka talaga!

"If you do experience it, don't panic." sabi ko nalang.

"Wow, thanks haha!"

"Tapos kana magkwento? Makakaalis kana."

"Pwede ka namang magtraining habang nandi------"

"Umalis kana! Hindi ko gustong makita yang pagmumukha mo!"

Hindi ko talaga maiwasang singhalan siya.

"Alin gusto mo? Labi ko? Pwede naman siya-----"

"AAAAAAHHHH Ayoko na! Bahala ka sa buhay mo! Ariesu no baka!" (Aries you idiot! ) inis na sabi ko.

Mabilis akong tumayo saka naglakad at iniwan siya. Naiinis ako sa pagmumukha niya.

Hays! Wala nabang lugar kung saan siya hindi makikita? Napakalaki naman ng HHS pero pakiramdam ko napakaliit lang nito para magkita kami nung Stupid Aries na yun.

"REAAAAAAAA!" biglang tawag ng kung sino.

Paglingon ko ay nakita kong tumatumbling papunta saakin.

Hamura High School | ✔Where stories live. Discover now