REA'S POV"Hindi ko akalain na darating sa puntong ito na maglaban tayong dalawa."
Magkalayo kaming nakatayo sa isa't-isa. Wala akong mabasang reaksiyon sa mukha ni Nash sa ngayon, masyado siyang seryoso at ramdam ko na anumang oras ay pwede niya akong atakihin.
"Yun din ang nasa-isip ko, kaya naman...pagbigyan mo 'kong patayin ka sa gabing ito."
Inihanda ko ang sarili ko.
"I won't let you!"
Nakita ko na siyang tumakbo saakin habang ipinuputok ang kanyang baril. Puro tunog ng baril lamang ang nagsisilbing ingay sa loob ng malaking silid. Pilit akong lumalayo sakanya pero patuloy ang kanyang pag-atake kaya naman wala akong magawa kundi ang makipagsparring sakanya.
"What are you doing, Rea? Are you even fighting?!"
Damn it! Bukod sa baril niya ay tumatama sa aking braso ay ang sipa niya ang hinaharangan ko!
Hindi na ako nakatiis at buong lakas ko siyang sinipa. Dalawang bisig niya ang sumalo nun dahil hinarangan niya ang mukha niya.
Napaatras siya ng kaunti palayo saakin.
"Amazing, hanga talaga ako sa lakas mo." nakangiting sabi niya.
"Nash, I don't have time for this!" sigaw ko sakanya.
"Hey, Rea..."
Bigla nanaman kaming nanahimik. Sa ngayon, naupo siya ng indian sit sa lapag habang nakatingin ng diretso saakin. Naupo siya na para bang relax na relax. Itinukod pa niya ang dalawang kamay para yun ang magsilbing suporta sakanya.
"Alam mo bang,"
Inaantay ko ang kanyang sasabihin.
"..ako ang nagpapadala ng papel na may laman na code sa'yo?"
Nagulat ako ng malaman ang tungkol doon.
"Anong meroon sa code na binibigay mo saakin? Anong ibig-sabihin nun--------"
"Gusto lang kasi ipadala sayo na hindi mga tao ang nakapaligid sa'yo," he says.
Naguluhan nanaman ako.
"Anong...."
"May malagim na tinatago ang HHS, bawat tao ay may sikreto. At isa na dun si Aries ng A-rank." nakangiting sabi niya.
"Hindi naman talaga Ruiz ang apelyido niya, itinago lang siya sa apelyidong Ruiz dahil hinahanap siya ng Emperador at gusto siyang patayin. Pero ang totoo, tinatakasan lang niya ang parusa na dapat sakanya." kita ko ang pagkagalit ng kanyang reaksiyon habang binibigkas ang mga 'yun.
"Ang matandang tinutukoy ko sa kwento ko kanina ay walang iba kundi......."
tiningnan niya ako ng matalim na tingin.
"...si Watanabe Hamura."
Unti-unti akong napanganga dahil sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi saakin ni Nash ngayon, hindi ko rin alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan o hindi. Kalapastanganan kung sisiraan namin ng ganun ganun nalang si Dean.
Pero....
Paano kung....tama nga si Nash?
"Ang matandang nakaupo sa trono niya habang nagpapakasarap sa kanyang posisiyon ay ang taong pumatay sa kapatid, pamilya ko. Grupo sila ng mga taong may misyong patayin ang myembro ng pamilya na nabibilang sa mataas na uri. Hindi ka rin ba nagtataka kung bakit malapit ang loob niya sa'yo? Kung susundan mo ang kwento, malamang maiisip mong siya nga ang pumatay sa pamilya mo."

BINABASA MO ANG
Hamura High School | ✔
General FictionAfter Rea's seventeen years of training, Ms. Riku sent her to a school. It was a school for students selected and given a heavy mission. At first it was not easy for her to get in there because she always got into trouble. But when her condition imp...