26: THE MOMENT OF TRUTH

677 49 1
                                        


VINASSY'S POV

Nasa loob kaming lahat ng room habang tahimik at iniisip ang biglaang pagkawala ni Nash sa school. Wala pang nakakahanap sakanya at maging si Rea ay hindi rin pinapayagang makisawsaw sa paghahanap nila sa labas.

Nash, nasaan ka ba ngayon?

Anong ginagawa mo?

Gumagawa ka kaya ng paraan para makatakas sa kumuha sa'yo?

Hindi ko alam, wala talaga akong ideya.

"Everyone, hanapin natin ulit si Nash sa loob ng HHS!" anunsiyo ko sakanila.

Tiningnan lang nila ako at nagbulungan.

"Pero, naghanap na tayo rito buong magdamag. Wala si Nash sa Hamura." sagot ng kaklase namin.

Sumang-ayon din ang ilan.

"Ano? titigil nalang ba talaga tayo sa paghahanap sakanya? Importanteng tao si Nash! Kaibigan natin siya at.....at....."

Nanlulumo ako na ewan.

"Damn it!"

Tumakbo ako palabas ng classroom.

"Vinassy!"

"Saan ka pupunta?"

dinig kong tawag nina Casper at Luna.

Hindi nila ako naiintindihan. Kaibigan namin si Nash, at matalik ko siyang kaibigan dito sa HHS. ayokong basta basta nalang akong hihinto sa paghahanap sakanya.

Paano kung sinasaktan siya ng mga dumukot sakanya?

Paano kung pinahihirapan siya?

Paano kung........pinatay siya?

ARRGHH! Hindi naman dapat ako nag-iisip ng ganito eh!

Teka....!

Paano nga ba siya nawala in the first place?

"There's no doubt, they took Nash."

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng boses. Base sa tono ng boses na yun ay alam ko kung kanino yun.

Dahil sa kuryusidad ay pinuntahan ko ang pinanggagalingan ng boses at ng silipin ko yun ay nagulat at nagtaka rin ako sa kausap niya.

Si Rea!

"Paano mo naman nasisiguro? Hindi sila makakapasok dito ng ganun-ganun nalang." dinig kong sabi ni Rea.

Bakit kausap niya si Aries ng A-rank? Hindi ko alam na close na pala silang dalawa.

"Ano ba ang tingin mo sakanila? Mga ordinaryong Forces lang? Kung sino man ang ordinaryo tayo yun. Dahil kaya nila tayong patayin sa limang minuto lang."

Nanindig ang balahibo ko sa narinig kong sinabi ni Aries.

Forces? Anong Forces ang pinag-uusapan nila?

"Hahanapin ko si Nash sa labas."

Nakita ko ang paghakbang ni Rea kaya nagtago ako.

"Are you crazy?!"

Sinilip ko ulit kung ano ba ang nangyari. Hawak siya ni Aries sa pulsuhan at yun ang sa tingin ko ang pumigil sakanya.

Nakita ko ang pagbawi ni Rea sa kamay niya.

"I'm not."

"Then what the hell do you think you're doing?! Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado na lumabas ng Hamura ng wala ka man lang-----------"

Hamura High School | ✔Where stories live. Discover now