Prologue

4 0 0
                                    

Disclaimer :
this is a work of fiction.
any names, characters, events and places in the story are fictitious.

may contain uncensored words that are not suitable for some readers.

thank u.

&&. all rights reserved 2020

Penned By : Eldrianna.

***

"AT ANG SUSUNOD na wishelebrant ay.. ikaw, Gara!" Buong galak na wika ni Samuel. "Ano'ng wish or message mo para sa birthday celebrant natin ngayong araw?"

Umikot ang magaganda niyang mata nang sabihin niya 'yon. Hindi siya dapat nandito, pero dahil nasa iisang circle of friends sila ay pipilitin niyang pigilan ang pagiging impokrita niya.

It's her ex-boyfriend's birthday, Terrel. It's his 26th birthday and all he want to be this day was to enjoy and be happy. Also to be overwhelmed by their wishes for him.

Bumuntong-hininga siya at bumaling kay Terrel. "Hindi ko gusto ang bago mong girlfriend," pabalang nitong wika.

Their jaws almost dropped. Hindi nila akalaing ganito ang sasabihin ni Gara. They expect her to be plastic and say kind words to him. But she didn't.

"A-Ah.."

"Bakit naman?" Taas-kilay na tanong sa kaniya ni Terrel. "Kaaway mo ba siya?"

Umiling ito bago sumipsip sa Strawberry shake niya at mag salita. "Napaka arte niyang tingnan, at saka, isa pa, hindi kayo bagay."

Pinipilit ni Arnie ang maging kalmado katabi ni Terrel. She doesn't want to ruin his special day, kaya naman hindi siya nagpapadala sa mga kabastusang lumalabas sa bunganga ni Gara.

"Really?" Sabat ni Arnie sabay pilit ng ngiti. "Kung naaartehan ka sa'kin, pumikit ka nalang, o kaya lumayo."

Humalakhak sa tawa si Gara. "Bakit ko naman gagawin 'yon? AKO ANG NAIIRITA SA'YO, KAYA IKAW DAPAT ANG MAG-ADJUST." Pagdidiin niya rito.

Umiwas ng tingin si Arnie at inawat ni Terrel. "Stop, Gara. Enough."

"Bakit naman?" Inilapag niya ang baso ng shake niya. "Totoo ang sinasabi ko."

"Alam kong nagpapakatotoo ka," muling pagsagot ni Terrel. "But, please, you're way too being offending."

"Eh, bakit siya offended?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Kung gusto mong makarinig ng katotohanan, you should just brace yourself and swallow the bitterness. Like, DUH! Grow up, kung gusto mong malaman ang totoo, dapat hindi ka PIKON."

Napa-facepalm nalang ang lahat samantalang si Terrel ay nananatili parin sa kalmadong mukha. "Okay, fine. If you can't say nothing nice anymore, you can leave."

"Iyon naman talaga ang gagawin ko," aniya sabay sipsip sa inumin niya. "By the way, napaka plain ng party mo. Wala manlang mga lalaking nagma-macho dance? Gusto mo ng ganito lang? Napakatuyot." Huling panlalait niya bago tumayo sa upuan niya. "Goodbye, losers." Kinindatan niya ang mga ito bago umalis.

Napa-hilot si Terrel sa sentido niya nang makalayo na ito. "Damn," napa mura nalang siya dahil sa mga ginawa nitong kabalastugan.

Sassy, Beautiful You. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon