Chapter 6

18 4 0
                                    

"Uy Kathleen!"

Sigaw ko nang malaglag si Kathleen sa bubong. Agad akong bumaba at pumunta sa garden. Nakita ko siyang nakatayo at parang nahihilo. Agad ko siyang nilapitan pero bigla siya matutumba.

"I got you..." sabi ko nang masalo siya para hindi siya matumba. "Are okay? May masakit ba sayo? I'll take you to the hospital."

"No thanks, I'm okay. Ayoko pumunta sa hospital." Sabi niya at nakakapit pa rin sa akin. "Are you sure?" Tumango siya at humiwalay na sa akin.

Umakyat siya ng hagdan papuntang terrace pero sa panghuli niyang hakbang sa hagdan ay muntik na naman siyang matumba. Agad ko siyang sinalo uli.

"Nahihilo ako." Sabi niya kaya inupo ko siya sa sofa sa sala. "Kukunin ko lang yung first aid kit." Agad akong pumunta sa may shelves at kinuha ang first aid kit doon. "Saan masakit sa iyo?"

"Masakit balikat at leeg ko." Sabi niya at nilagyan ko siya ng eucalyptus medication patch. "Aray dahan dahan naman ang pag-lagay." Sabi niya while I'm putting a medication patch on her shoulder. "Masakit pa?" I asked. "Ay hindi masakit. Malamang masakit. Ikaw kaya malaglag sa bubong." Sarcastic niyang sabi.

"Kasalanan mo yan. Kung hindi ka kasi pumunta dun sa bubong, hindi ka sana malalaglag." Sabi ko sa kanya habang nililigpit yung aid kit. "Kung hindi mo ako kinulong sa kwarto edi sana hindi ako umakyat sa bubong. 'Di ba?!"

Ha! Ibang klase talaga tong babaeng ito.

After ko ligpitin ang first aid kit siya ay binigyan ko siya ng pain killers. "What's this for?" She asked. "Pain killers. You said it still hurts."

"Ayoko." Napaka tigas ng ulo.

"Take it."

"No!" Pilit kong binibigay sa kanya pero ayaw niya talaga. "Please inumin mo na. Para sayo din namam yan eh." Sabi ko at agad niya namang kinuha yung lalagyanan ng gamot.

Napatawa na lang ako dahil wala siyang magawa kundi sundin ako. Binuksan niya ang gamot at... kumuha ng madaming pain killers at nilunok agad!

"Kathleen stop!" I tried to stop her but it's too late. Nalunok niya na lahat.



(Kathleen's Point of View)

"Ilan ang ininom mo?!" Pasigaw niyang tanong. Nag-kibit balikat na lang ako habang nakangiti.

Hahahaha.... Manigas ka dyan.

"Kathleen anong ginawa mo?! Hindi mo ba alam ang mangyayari sayo kapag na-over dose ka?!" Pasigaw na tanong niya ulit.

Pero hindi ko talaga alam ang mangyayari sa akin. Bahala na si Batman. Nainis lang talaga ako sa kanya. Hindi naman ako malalaglag sa bubong kung hindi niya ako kinulong sa kwarto niya eh. Naghanap lang ako ng paraam para makaalis kasi gutom na talaga ako.

"Hindi ko na alam ang gagawin sayo Kathleen." Sabi niya habang naglalakad ng pabalik balik habang minamasahe ang noo niya.

Bigla akong nakaramdam ng hilo. Nagpaikot ikot ang paligid ko habang dahan dahang dumidilim ang paningin ko.

"Kathleen!" Rinig kong tawag sa akin ni Leo.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Anywhere With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon