Chapter 6 : Catch me if you Can

131 29 4
                                    

Serenity

It happened so fast. I just found myself tailing the mysterious man with a mask. I even heard Walter calling my name earlier, but I didn't waste any second.

Right now, I'm chasing the murderer.

Alam kong nahahalata na niyang nakabuntot ako sa kanya dahil bumilis na ang kanyang speed. He even exceeds the speed limit, and so, I did too. Hindi rin nakakatulong ang madilim nang kalangitan.

The sky turned eerily dark, as if giving me a warning of what lies ahead.

Ano ang ginagawa niya sa pinangyarihan ng aksidente? Napadaan lang ba siya? O siya ang may pakana 'non?

Huminto siya sa isang club at walang sabi-sabing binangga ang kanyang motor sa pader. Is he out of his mind?

Nang makaparada na ako ay nakapasok na siya sa loob ng club. Shit! Bakit sa lugar pa na pinakaayaw ko?

Inalerto ko ang aking sarili at maingat na pumasok. I was welcomed by a usual club, with loud electronic music and a pool of people. The irritating light effects didn't help at all.

This is a perfect place for him to blend in.

Pinag-igihan ko ang pagmamatyag sa paligid. A murderer is currently hiding in this wasted place, and people don't seem to notice, or even bother at all.

Sumabay ang hiyawan ng mga tao sa nakakabinging kanta. Damn! Ayaw ko talaga sa maiingay na lugar!

Just on cue, the lights turned off. Akala ko ay pakulo lang ito ng club ngunit nang ilang minuto nang nakapatay pa rin ang ilaw ay doon na ako kinabahan. Napapadaing na rin ang mga tao dahil sa naudlot na kasiyahan.

Fear invaded my system. I think, for most people, darkness is a fearsome thing. And same goes with me.

Napabunot na ako ng baril at nagsimulang pumunta sa lugar na makakagalaw ako ng malaya. If there's one thing I must avoid right now, it is to get cornered by a psychotic devil.

"Don't move."

I gasped. That deep manly voice is enough to turn me into a statue. Hindi ako nakagalaw. Nanginig ang aking mga tuhod. I even hold my breath.

Tinutukan niya ako ng baril mula sa likuran.

Damn! After everything I've gone through, I'm still not invincible from fear.

Naramdaman kong lumapit pa siya sa aking likuran, dahilan upang dumikit ang aming katawan. Isang malamig na bagay ang dumantay sa aking leeg.

"Give me your gun, officer."

Nang ilang minuto ko pa siyang pinaghintay ay mas idiniin niya pa ang dulo ng baril sa aking leeg.

Napatango na lang ako.

Iniabot ko na ang baril tulad ng gusto niya. Ngunit bago niya pa man ito maabot ay nilaglag ko ito at hinila ang kanyang kamay.

Nakuha kong makatakas sa kanya ngunit hindi ko naagaw ang kanyang baril. Kailan ba kasi babalik ang ilaw?

"Stubborn girl." I lounged to where the voice came from but I hit nothing, no one.

"Stop," he seriously said. "Right there. Or I'll pull the triger, and your brain will explode like a firework." Idiniin niya pa ang baril sa aking sentido.

I was horrified.

Bakit ba ang bilis niyang kumilos? Needless to say, he's not just a wannabe, he is a professional assassin!

Napapikit na lang ako at napataas ng kamay. Naglandas ang kakaibang takot sa aking kalamnan nang muli siyang dumikit sa akin mula sa likuran.

"W-what are you doing?" kinakabahan kong tanong.

Catch Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon