Chapter 17 : You and You

115 24 1
                                    

Third Person

She was shattered to pieces.

Dahan-dahang tinanggal ng kaharap niya ang suot na maskara.

Sa katagal-tagal na pagkakataon na hiniling niya na sana malaman na niya  ang pagkatao nito, ngayon ay halos ipikit ko na niya ang kanyang mga mata.

I don't want to see his face.

I dont want to be in this reality.

Ngunit, hindi siya kumurap. Tumambad sa kanya ang mukha ni Andryx nang hindi manlang siya kumukurap.

Sa ilang taon niyang umasang sana ay magkita pa sila ulit, ngayon ay hiniling niya na sana hindi niya ito makita sa pagkakataong ito.

Sana hindi siya.

She wanted to run. But her feet were glued to the ground. Like even the earth wanted her to witness this event.

All this time, it's him. Siya lang pala. Unti-unting bumalik ang mga kaganapan sa kanyang isipan.

Ang kalaswahang ginawa niya sa kanya noon sa club, at kung paano siya bumigay. At ang muntikan na ring mangyari sa kanila kung hindi lang sila naabutan ni Kevin.

Inalala niya lahat ng kaganapan.

Mga kaganapan na binaliwala niya lang. Dahil ni minsan ay hindi niya ito pinaghinalaan. Sapagkat siya si Andryx, ang kanyang best friend.

Kilalang-kilala niya ito.

("Pero, Andryx...hindi ko talaga inaasahang magkikita tayo rito. Magkuwento ka naman later."

"Sure. Same place?"

"Same place.")

Same place. Sa mismong park na madalas nilang puntahan noon. Sa mismong park kung saan unang nakita ang unag biktima ng killer.

("Be careful, those ghosts might become demons.")

And the ghosts of his past, did become monsters, turning him into one.

("Hey." Sigaw ni Andryx mula sa bintana ng kanyang kotse.

"What?"

"Catch me.")

Noon pa man ay nagpapahuli na ito sa kanya.

("You catch bad guys. I catch..monsters.")

Sinabi niya ito noong makunan niya ng video ang killer. Ang kanyang sarili. Siya mismo ang pumasok sa kanyang unit.

Hinuhuli niya ang mga halimaw na sumira sa kanyang buhay noon. Sila ang mga naging biktima niya. At isa na rito ay si Serenity na magiging biktima niya pa lang.

All he wanted was revenge.

("Ang gwapo talaga ni Dr. Soberano."

"Dalawang linggo pa lang siya rito, pero halos lahat ng kababaihang nurse ay nababaliw na sa kanya. Idagdag pa ang mga gay.)

Dalawang linggo. At isang linggo matapos niyang dumating, nagsimula ang patayan.

("What's your favorite color again?"

"Still, white. Bakit mo natanong?")

White. Puti ang kulay ng loob ng maskara.

("Officer, we will meet again. Catch me, if you can.")

Linyang sinabi niya matapos niyang gawin kay Serenity ang matagal na nitong pantasya. He loves her with his heartbeat.

Kaya noong naabutan sila ni Kevin, siya ang nagtext dito tungkol sa nangyari kay Serenity upang umuwi ito agad kahit may conference pa.

Everything.

From the very first meeting, he set them all up.

("One step."

"Two steps."

"Three steps."

"Four steps."

"STOP!" 

"Bakit kahit malapit na ako sa'yo...ay parang ang layo mo pa rin"Mas mrinmyo pa sa dati."

Isang personal niyang pahayag ukol sa nararamdaman niya kay Serenity. Ilang taon siyang nawalay dito, at nang dumating siya ay huli na ang lahat.

Serenity has a boyfriend already.

("You can never catch monsters, unless you become one.")

Iyan ang akala niya.

Akala nila ay kilala pa nila ang isa't isa. Pero marami na ang nagbago. There were many things that happened throughout the years, making them strangers to their new selves.

"B-bakit? Bakit IKAW?!" sigaw ni Serenity. Ang tanging naisatinig niya sa gitna ng magulo niyang isipan.

Nakatayo lang si Andryx, hindi alam ang gagawin. Walang maaruk na sasabihin.

"Bakit...ikaw rin?" tanong niya pabalik. "Bakit mo pinapatay sina mommy at daddy? TELL ME, SERENITY, WHY DID YOU HIRE THOSE FREAKS TO KILL MY PARENTS!?"

Biglang naging seryoso ang mukha ni Serenity. Pinahid niya ang kanyang luha at tinignan ng matalim ang kaharap.

"They deserved it," Simpleng sagot nito.

Napaseryoso si Andryx. Muling bumalik ang alaala sa kanyang isipan. Isang alaala na nagpabaliw sa kanya.

Ang simula.

"Is it because...," He paused. "I killed your father? Dahil ba pinatay ko si Uncle Bryx, ang ama mo?"

Catch Me NotWhere stories live. Discover now