Chapter 10 : Hell they Created

115 28 2
                                    

Someone

Inilapag ko ang aking maskara sa ibabaw ng mesa at tinitigan ang lalaki sa aking harapan.

Hindi mabura ang ngisi sa aking mukha.

Lalo pa at ramdam ko ang paghihirap ng kaharap ko ngayon.

"Kalagan mo ako!" singhal niya ngunit napailing lang ako.

"Why would I do that?" I asked, emotion void. "Kinalagan mo ba siya noon?" I continued. "Noong nagmakaawa siya sa inyo?"

Napakurap naman siya at mukhang napaisip sa sinabi ko.

"Siya? S-ino ang tinutukoy mo?" kinakabahan niyang tanong.

I laughed. Sumabay pa ang kidlat sa akin.

"Siguro sa dami ng pinaslang mo, ninyo, noon...hindi mo na matandaan lahat." Inilabas ko na ang aking kutsilyo.

"A...ah... A-nong gagawin mo? B-aka pwede natin itong pag-usapan. Pera? Gusto mo ng pera? Name your price. Ano ba ang gusto mo? Sabihin mo."

"Revenge," I simply said and slashed his forehead...slowly.

Napasigaw siya dahil sa sakit. Nangisay siya na parang bulateng hindi mapakali.

Inabot ko ang alcohol sa gilid at agad na pinaliguan ang sugat niya na naglalabas ng sariwang dugo.

"AHHHHHHH...S-HITTTTTT...HAYOPPPPP KAAAA!!!..."

He screamed.

And that's the genre I want to listen all the time.

The sound of their pain. The murmur of their pleas to stop. The echoes of their agony. And the music of their fear.

"Kulang pa," I commented.

"A-no...ano ang nagawa ko sa'yo?" nahihirapan niyang usal. Napakabigat ng kanyang paghinga na kitang-kita ko na ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib.

Dinukot ko ang isang litrato mula sa aking bulsa at ibinalandra ko ito sa kanyang mukha.

Upon recognizing who the person is, he turned pale and it's as if he lost his consciousness. Nagpababalik ang tingin niya sa akin at sa litratong nasa harap niya, halatang naguguluhan, natatakot.

"Now, that you remember at last!" I spoke. "Let me remind you again of what you did." I flashed an evil grin.

"I..i...kaw. I-kaw ang pumatay sa anak ko? At kay M-ayor L-eonard?" he asked flabbergasted. "I-kaw ang puno't dulo ng krimen dito sa Bazelio?"

Sinapak ko siya ng malakas.

"Ako nga." Sinapak ko ulit siya. "Ngunit hindi ako ang puno't dulo!" I shouted in front of him. Tumalbo na rin ang laway ko sa mukha niya.

I could feel my tears burning in my eyes.

"Kayo ang rason kung bakit ko ginagawa ito! Kayo ang mga hayop! Ngunit...ngayon ay nahuli na kayo ng mas mabangis na hayop. Lalapain ka na ng hayop na mas masahol pa sa inyo!"

Napatulala siya.

"Sabi kasi sa akin ni Mayor na may isa pa raw kayong kasabwat. Sino?"

"H-indi namin siya kilala. Ngunit siya...kilala niya kami. Hindi pa kami noon tulad ng kung ano kami ngayon. Kaya nabulag kami sa pera...He offered a hefty sum of money...inutusan niya kaming patayin ang iyong ---"

"He?" I asked.

"Oo. Lalaki ang boses niya. Sa telepono lang kami nag-usap at hindi sa personal. Number...tama...kabisado ko pa ang numero niya!"

Catch Me NotWhere stories live. Discover now